Kinabukasan, maaga akong nagising pero hindi ko inabutan si Taehyung.
"Yoongi? Gising.", paggising ko sa kaniya.
"Bakit? Ang aga-aga, nanggigising ka? Walang pasok ngayon, linggo!", inis na sagot niya habang antok na antok pa.
"Alam kong linggo. Na saan si Taehyung?", tanong ko.
"Baka nasa sala o kaya sa kusina? Hanapin mo na lang! Ang sarap ng tulog ko eh!", banas na siya sa'kin.
Walang kwenta naman kausap 'to?!
Hinanap ko sa buong dorm si Taehyung pero hindi ko siya nakita.
Dala naman siguro niya yung phone niya?
Nagmadali akong pumasok sa kwarto para kunin yung phone ko.
Kinakabahan ako kasi baka napagtripan na ng SPIKES yun?
Agad ko siyang tinawagan para malaman kung na saan siya.
Nagri-ring lang yung phone niya pero hindi niya sinasagot.
Taehyung?!
Sagutin mo 'to, please?!
"Hello? Jungkook? Bakit ka napatawag?", pabulong na sagot niya.
"Thank God, sinagot mo rin. Na saan ka ba? Hindi ka nagpaalam na aalis ka pala?", tawagin niyo man ako na OA pero kabang-kaba ako.
"Di ko na kailangang magpaalam. Napaka-OA mo?", hindi ko maintindihan kung bakit ba siya bumubulong?
"Bakit ka ba bumubulong? Na saan ka?", naguguluhan na kasi ako.
"Mamaya na tayo mag-usap. Bye.", binaba na niya yung tawag.
"Ano? Nahanap mo na?", tanong ni Yoongi paglabas niya sa kwarto habang kinukusot pa yung mata niya.
"Hindi niya sinabi kung na saan siya.", sagot ko.
"Bakit ba kabadong-kabado ka na wala si Taehyung? Kaya na niya yung sarili niya. Malaki na 'yon. Pwera na lang kung pagtripan siya ng SPIKES.", di nakakatulong yung mga pinagsasabi ni Yoongi ngayon.
"Masama bang mag-alala? Kaibigan natin siya kaya hindi siya pwedeng mapahamak. Walang kahit na sino sa mga kaibigan ko ang pwedeng mapahamak.", dramatic na ba 'kong masyado?
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfica filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...