Sequel - Chapter 30 (Last Chapter)

475 14 8
                                    

//6 years later//

Jungkook's POV:

Nasa church ako ngayon at kasal ko na.

Matagal kong hinintay yung araw na 'to, na maikasal ako sa taong mahal ko.

Malaki na rin si Chloe, anak namin ni Yeri.

Good girl siya at buti hindi siya nagmana sa'kin.

Tahimik lang siya habang nakaupo sa may tabi nina Hoseok.

"Bro? Kasal mo 'to ah? Bakit parang hindi ka masaya?", tanong sa'kin ni Yoongi habang katabi ko siya sa harap ng altar.

Siya yung best man ko sa kasal.

"Matagal ko 'tong hinintay. S-siguro, baka-" , naudlot na sagot ko.

"Na baka hindi ka pa ready? Ano ka ba? Ito na 'yon. Sigurado akong magiging masaya naman kayo ng magiging bride mo.", nakangiting sagot niya tsaka niya hinagod yung likod ko.

"Siguro nga? Masaya naman ako sa kaniya eh. Hindi ko lang mapaliwanag yung pakiramdam. Ganito talaga siguro kapag araw na ng kasal mo, no? May halong saya na may halong kaba.", mixed emotions na kasi yung nararamdaman ko.

Kagabi pa 'ko hindi makatulog ng maayos.

Habang naghihintay ako, napatingin ako sa taas tsaka ko naalala si Taehyung.

"Ito na 'yon, Taehyung. Matutupad na yung pangarap mo sa'kin na maging masaya na 'ko and maging masaya na rin yung married life ko for good. Ito na yung araw na pinakahihintay nating dalawa. Thank you for coming into my life, Love. Di naman ako magiging masaya ng ganito kung hindi ka naging parte ng buhay ko. Alam ko na masaya ka kasi masaya na rin ako. Thank you, my baby Bear.", thoughts ko habang naaalala ko siya tsaka ako napabuntong hininga at ngumiti.

Biglang napalingon si Yoongi sa bungad na pintuan.

"Nandiyan na si Yeri, bro.", nakangiting sabi sa'kin ni Yoongi.

Naglakad si Yeri papunta sa harap ko.

Nakangiti niya 'kong sinasalubong kaya nginitian ko din siya.

"Congrats, Jungkook. Ikakasal ka na.", masayang bati sa'kin ni Yeri.

"Salamat.", nakangiting sagot ko tsaka ko siya niyakap dahil sa sobrang saya ko.

Masaya ako dahil hindi niya piniling maging hadlang samin ni Taehyung.

Kaya lang, hindi kilala ni Chloe na si Yeri yung totoong mommy niya.

Tita lang yung tawag niya kay Yeri kasi nagsinungaling kami sa bata.

Sabi namin, patay na yung mommy niya.

"Hi, Tita Yeri!", salubong ni Chloe sa kaniya pag-upo ni Yeri sa tabi niya at niyakap niya ito ng mahigpit.

"Hi, Chloe! Namiss mo 'ko?", tanong ni Yeri tsaka niya kiniss sa pisngi yung anak ko.

"Opo!", masayang sagot ni Chloe at kiniss niya sa pisngi si Yeri.

Successful ang operation ni Taehyung, at kinaya niya na mabuhay para sa'min.

Akala ko iiwan na talaga niya 'ko, non?

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon