Wala man lang akong narecieve na text galing kay Jungkook ngayong umaga.
Baka nga nagtatampo siya sa'kin?
Wala kasi ako buong araw sa bahay kasi kasama ko si Joy.
Nagpunta kami ng BGC para kumain tapos nagpunta din kami ng Mall.
Binisita namin yung ibang mga bookstores para i-check yung mga books namin ni Joy, pero sold out lahat.
Nagstay din ako sa condo na tinutuluyan niya para samahan siya tapos gabi na 'kong nakauwi.
Nakalimutan ko kasi sa bahay yung phone ko kaya nakikihiram lang ako kay Joy para i-message si Mama at Ate kung na saan ako, para hindi sila mag-alala.
Tumatawag na pala si Jungkook sa'kin pero hindi marinig nina Mama yung phone ko kasi nakalimutan ko na nakavibrate lang siya.
Tutal, pinapahinga ko muna yung utak ko sa araw na 'to kakagawa ng manuscript, pinuntahan ko si Jungkook sa company nila.
"Good morning, Mr. Kim. Si sir Jungkook po ba yung hinahanap mo?", nakangiting bungad sa'kin ng guard sa labas.
"Good morning din. Nandito ba siya? Kakausapin ko lang sana siya.", mahinahon na pakiusap ko.
Bigla kong nakita yung Mama niya.
Nakita rin niya 'kong nakatayo dito sa labas.
"Hi, Taehyung? Hinahanap mo ba si Jungkook?", masayang bungad niya sa'kin tsaka kami nagbeso.
"Opo. Nandito po ba siya?", tanong ko habang papalapit siya ng papalapit sa pwesto ko.
"Nasa bahay siya. Puntahan mo na lang siya 'don. Kasama niya sina Jimin.", wala pala siya dito.
"Sige po. Salamat po.", sagot ko at nagbow ako bago umalis.
Pagtalikod ko, bigla siyang nagtanong.
"Nagkatampuhan ba kayo ng anak ko? Tinatawagan ka kasi niya kahapon pero hindi mo sinasagot. Nagpunta siya sa bahay niyo kagabi pero bumalik din siya agad dito. Bad mood siya pagbalik niya.", worried na tanong ni tita sa'kin.
Hinarap ko siya at sinagot ko.
"Tita? Sorry po.", nalungkot ako kasi sobra kong nadisappoint si Jungkook.
"Wag ka sa'kin magsorry. Kay Jungkook. Sige na, puntahan mo na siya.", mukha namang hindi galit sa'kin si Tita.
"Sige po, pupuntahan ko na po siya. Thank you po.", polite ko na paalam.
Nginitian ko muna si Tita bago umalis.
•~•
Jungkook's POV:
Sinamahan muna 'ko nina Yoongi, Hoseok at Jimin na uminom, pero light lang.
"Bro? Hayaan mo munang magpaliwanag si Taehyung. Malay mo naman, may dahilan siya kung bakit di niya nasagot yung tawag mo?", mahinahon na sabi ni Jimin sa'kin sabay inom ng canned beer.
"Anong dahilan niya? Na may kasama siyang babae sa loob ng bahay nila? Na busy siya habang kasama yung babaeng 'yon?", inis at iritang response ko sabay inom ng alak.
Nag-aalala kasi ako kay Taehyung dahil nga maghapon na niyang hindi sinasagot yung tawag ko.
Gabi ko na siya napuntahan kasi hindi ko din maiwanan yung trabaho ko, tapos makikita ko na lang na may kasabay siyang babae na papasok sa loob ng bahay nila tapos grabe kung makapulupot sa braso niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/100857815-288-k668046.jpg)
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...