Sequel - Chapter 5

212 11 0
                                    

Taehyung's POV:

Habang naglalaptop ako at tinutuloy yung story na ginagawa ko, biglang nagvibrate yung phone ko.

Bakit tumatawag sa'kin si Jimin?

Sinagot ko yung tawag niya.

"Hello? Ji-", naudlot na sagot ko.

Umiiyak ba siya?

Ano bang problema nitong unano na 'to?

Bakit ako yung tinawagan niya?

Nandiyan naman sina Yoongi?

Bakit sa'kin pa tumawag 'to?

"Umiiyak ka ba?", humihikbi kasi siya.

"T-Taehyung? Pumunta ka ngayon dito sa hospital.", nagsha-shake yung boses niya kaya kinabahan ako lalo.

"Bakit? Ano bang nangyari?", kabang-kaba na 'ko.

"Si Jungkook kasi..", humahagulgol siya.

"Ano bang nangyari?!", inis at may halong pangamba na tanong ko kasi ang tagal niyang sabihin.

"Naaksidente siya! 50/50 yung buhay niya ngayon! Kailangan ka niya dito!", nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa balita ni Jimin.

Parang biglang huminto yung tibok ng puso ko sa narinig ko.

"Dejoke lang. Nandito siya sa bahay, nagpapahinga.", biglang wala sa mood na sagot ni Jimin sa'kin kaya biglang kumulo yung dugo ko.

"Bwisit ka! Hindi ko alam kung ano yung gagawin 'ko dito?! Para akong hihimatayin sa mga narinig ko, alam mo ba 'yon? Hindi magandang joke 'yan, ha?! Wag mo na 'kong gagaguhin ulit sa susunod! Hindi ka nakakatuwa! Humanda ka sa'kin pag nagkita tayo!", inis na inis ako kasi ang pagit talaga ng joke niya.

"Pero totoong nabangga yung kotse ni Jungkook. Galos lang naman yung tinamo niya kaya pinauwi na lang siya ng Doctor. Yung kotse naman niya, pinapagawa na.", mahinahon na siyang kausap kasi nasermonan ko ng malala.

"Sira ulo ka ah? Buti na lang, maayos-ayos akong kausap. Kapag kay Jungkook mo ginawa 'to, sinasabi ko sayo. Walang sali-salita, makakatikim ka ng malakas-lakas na sapak. Kilala mo naman 'yang kaibigan mo.", sermon ko sa kaniya.

Bwiset na 'yan?!

Kinabahan naman ako!

Tinawagan ko agad si Jungkook.

"Hello? Kookie? I heard what happened to you. Sinabi na sa'kin ni bansot.", nag-aalalang bungad ko nung sinagot ni Jungkook yung tawag ko.

Madalas Love yung tawag ko, minsan Kookie.

"Don't worry. I'm fine. Galos lang naman yung nakuha ko eh.", malambing na sagot niya para hindi ako mas lalong mag-alala.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon