(tw // self harm, suicide, blood)
Jungkook's POV:
Pag-uwi namin sa bahay, binuksan ko agad yung laptop ko.
"Wala ka bang balak pumasok sa next subject? 30 minutes na lang.", tanong niya sa'kin habang pinapanood ako sa ginagawa ko.
"Hindi ako papasok.", walang gana kong sagot habang busy akong nagla-laptop.
"Alam mo, Jungkook? Hindi ko alam kung bakit nakakapasa ka pa kahit ang dalas mong umabsent? Pag nalaman ni Sana yang pinaggagagawa mo.. sigurado akong magagalit sayo 'yon? Naku? Pag nakita ko lang talaga si Sana, isusumbong agad kita.", di ko alam kung bakit nabanggit niya pati si Sana?
Pinatay ko yung laptop ko at pumunta ako sa banyo para maligo.
"Oh? Maliligo ka? Aalis ka na naman? Saan ka pupunta? Kakagala mo lang ah? Wag mong sabihin na isasama mo pa 'ko?", ang daldal niya talaga?
"Papasok ako. Sabay na tayo. Hintayin mo 'ko.", wala naman talaga akong balak na pumasok pero napasubo na lang ako dahil sa kaniya.
"Takot ka pala kay Sana, eh?", pang-aasar niya habang natatawa.
Hindi ko na siya pinansin.
Naligo na lang ako ng mabilis para makapasok sa susunod na subject.
•~•Sabay kaming pumasok ni Taehyung sa susunod naming klase.
Habang papasok kami sa room, nakatitig sa'min yung mga kaklase namin pati sina Seokjin.
"Bakit kayo nakatitig sa'min? Parang ngayon niyo lang naman kami nakitang magkasama?", inis na tanong ko sa buong klase.
Napansin ko na hawak ko pala yung kamay niya.
"Sorry.", nahihiyang sabi ko kay Taehyung sabay bitaw sa kaniya.
"Ngayon ka lang nagsorry? Kanina mo pa kaya hawak yung kamay ko? Gumugusto ka rin eh?", bulong niya.
"Alam mo na palang hawak ko yung kamay mo pero hindi mo naman sinasabi? Mukhang wala ka rin balak tanggalin?", pang-aasar ko pabalik.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfica filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...