Chapter 17

307 17 2
                                    

Nakalipas na yung ilang months na magkakasama kami, at ilang buwan ko na ring nilalabanan yung nararamdaman ko kay Jungkook.

Sobrang hirap kasi araw-araw kaming nagkakasama tapos magkasama pa kami sa iisang dorm.

"Uy? Anong balak natin ngayon? Valentine's day na ah?", tanong ni Namjoon kay Jungkook.

"Wala. Anong gagawin natin?", wala sa mood na sagot niya.

"Hindi ka sasama sa 'Valentines Party'?", tanong nina Seokjin kay Jungkook habang nagbibihis na sila para sumali sa party na gagawin sa loob ng gym na inayos ng univ.

"Hindi na. Wala naman akong gagawin 'don.", halata nga na walang gana si Jungkook kasi hindi pa siya nag-aayos.

"May inuman, Jungkook! Imposibleng hindi ka sasama?", nakangising sabi ni Hoseok kay Jungkook sabay akbay.

"Ikaw, Taehyung? Sama ka na.", ako naman yung niyaya ni Yoongi.

"Sasama lang ako, pero hindi ako iinom. Bawal akong uminom, guys.", sagot ko sa kaniya kasi hindi naman talaga ako umiinom.

"Grabe ka naman? Ang KJ mo? Ngayon lang naman eh?", sabi ni Jimin sa'kin kasi nung nakaraan pa niya 'ko pinipilit na sumama.

"Inom ka din?", pag-aya sa'kin ni Seokjin pero umiling ako.

"Jungkook? Kasama na si Taehyung. Sumama ka na rin?", pati ako nadamay sa pagpipilit ni Namjoon kay Jungkook.

Nilapitan ako ni Jimin at biglang inakbayan.

"Taehyung? Ikaw nga yung mag-aya kay Jungkook para sumama siya.", nakangiting pambubuyo niya sa'kin.

"Jungkook? Sumama ka na. Hindi makatulog 'tong mga 'to.", ako na yung nagyaya sa kaniya.

"Hintayin niyo ko. Magbibihis lang ako.", mukhang napipilitan pa siya sa sagot niya.

Bigla akong tinignan ni Jimin tsaka Hoseok at parang may ibig sabihin yung mga titig nila sa'kin.

Habang naghihintay kami na mag-ayos si Jungkook, nagvibrate yung phone ko.

Si Sana, nagtext sa'kin.

Sana: Good morning, Taehyung. Gusto ko lang itanong kung kumusta na si Jungkook?

Taehyung: Ok naman siya. Ikaw? Kumusta ka na?

Sana: Nasa hospital ako para sa chemotherapy ko.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon