2 hours na lang, flight na namin.
Hindi pa rin nagigising si Jungkook.
"Tita? Baka hindi ko na po maabutang gising si Jungkook? 9 p.m. po kasi, dapat nasa airport na po kami ni Joy.", paalam ko kay Tita.
"Ilang araw ka bang mags-stay sa America after ng book signing niyo?", tanong niya sa'kin.
"Mga 1 week po akong mags-stay 'don. Hindi ko po kasi alam kung ano pa pong mga event yung pupuntahan namin ni Joy kaya hindi ko po alam kung 1 week lang po ako 'don?", pagkarating kasi namin sa America, doon ko pa lang malalaman lahat.
"Mag-iingat ka. Hihintayin ni Jungkook yung pagbabalik mo.", nakangiting sagot ni Tita habang hawak yung mga kamay ko.
"Salamat po. Pakisabi po kay Jungkook, hindi na po ako galit sa kaniya. Kalimutan na po niya yung nangyari sa'min.", di ko kasi siya matiis.
"Salamat, Taehyung. Ang bait mo talaga. Hindi nagkamali si Jungkook ng napili niyang mamahalin.", sagot sa'kin ni Tita at sabay yakap sa'kin ng mahigpit.
"Sige po, mauna na po kami ni Joy. Bye po.", paalam ko.
Tumayo na kami ni Joy para lumabas ng ward.
Lalabas na sana kami pero bigla kong narinig yung boses ni Jungkook.
"D-don't go. Don't.. leave me.. again, T-Taehyung.", nanghihinang pa siya habang tinatawag ako.
Napalingon ako bigla.
Tumakbo ako palapit sa kaniya.
"Jungkook? You're now awake!", napatakbo ako palapit sa kaniya tsaka siya niyakap ng mahigpit.
Bigla akong naiyak dahil nakangiti siya sa'kin kahit ang pungay pa ng mga mata niya.
"I'm.. sorry. I'm really.. really sorry.", di na 'ko makapagsalita ng maayos kakaiyak ko tsaka ko siya kiniss sa lips.
"Ako dapat.. yung.. y-yung magsorry, Love. Sorry sa.. nasabi ko. H-Hindi ko dapat.. sinabi sayo 'yun.", nanghihinang sagot niya habang naluluha siya.
Pinunasan ko yung mga luha niya.
"Okay na. Hindi na 'ko galit sayo. Kalimutan na natin yung nangyari.", malambing kong sagot tsaka ko hinaplos yung ulo niya.
Bigla siyang napatingin kay Joy na katabi ko lang.
"She's.. with you? Hanggang.. dito.. s-sumama pa siya.. sayo?", inis na tanong ni Jungkook habang nakatingin kay Joy.
"Jungkook naman eh? Ayan ka na naman. Nagpunta siya dito para bisitahin ka din. Gusto niyang malaman kung okay ka lang. Wag mo namang pag-isipan ng masama yung pagpunta niya dito.", mahinahon kong saway sa kaniya kasi ayokong magalit.
"Baka.. gusto niyang.. i-check kung.. p-patay na 'ko?", nagulat ako sa tanong niya.
"Look? Alam kong may galit ka sa'kin pero hindi ko alam kung bakit? Pero wag mo naman akong pag-isipan ng ganiyan, Jungkook?", mahinahon na paliwanag ni Joy.
"Itigil mo na yang.. bait-baitan mo, Joy. I already know.. your true color.", pinipilit magsalita ni Jungkook kahit nanghihina siya para lang malabas yung galit niya.
Ano bang nangyayari sa dalawang 'to?
Wala akong maintindihan.
"Jungkook? Ano ba yung sinasabi mo? Wala akong maintindihan.", naguguluhang tanong ko.
"Lalabas muna 'ko, Taetae. Mukhang mainit pa rin yung dugo sa'kin ni Jungkook?", mahinahon na paalam sa'kin ni Joy at lumabas siya ng kwarto.
"Love? Ano na naman bang problema?", napabuntong hininga na lang ako ng malalim tsaka ako napailing.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...