Sequel - Chapter 15

169 8 0
                                    

Taehyung's POV:

Ilang araw na mula ng makausap ko yung John.

Hindi pa rin naman nagbabago yung pakikitungo ko kay Joy kahit na narinig ko na yung mga dapat kong marinig.

Magkaibigan pa rin kami at sobrang close pa rin naming dalawa.

Siya yung nag-aalaga sa'kin kapag nahihilo ako.

"Taetae? Ako na diyan? Magpahinga ka na lang muna sa office mo. Hindi mo naman kailangang tumulong dito eh.", mahinahon na sabi ni Joy sa'kin habang tumutulong ako sa pagbubuhat ng mga libro papunta sa Van.

"Okay lang ako. Kaya ko 'to. Ikaw? Bakit hindi ka na lang magstay sa office mo? Ang bibigat kaya ng mga 'to.", nag-aalala lang ako sa kaniya kasi ang payat niya masyado para magbuhat ng mga ganito kabibigat.

"I wanted to help. Mabigat yan kaya tutulong din ako.", ayaw niya talagang magpaawat.

Inagaw niya sa'kin yung mga libro na hawak ko.

"Akin na. Mabigat 'yan.", sagot ko at inagaw ko rin yung libro sa kaniya.

"Magpahinga ka na lang 'don. Ako na dito.", sagot niya at inagaw niya ulit sa'kin yung mga libro.

Pag-agaw niya, nalaglag yung iba, at buti na lang nakasealed pa yung mga books ng mga plastic kaya walang nadamage.

Sabay naming pinulot yung mga nahulog na books.

Habang pinupulot ko yung ibang libro, napatitig siya sa mukha ko kaya napahinto ako sa pagpupulot.

"W-why? May dumi ba sa mukha ko?", naconscious tuloy ako kasi baka may dumi nga?

Nakatitig lang siya sa mga mata ko kaya medyo naiilang na 'ko.

"Hey? Okay ka lang?", I snapped my fingers kasi tulala na siya.

Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko kaya nakakaramdam na 'ko na medyo nagiging uncomfortable na 'ko.

Bigla na lang akong napalunok habang inaatras ko yung mukha ko sa kaniya.

"I- I love-", naudlot na bulong niya.

"What's happening here? Are you both okay?", tanong ni Mr. Smith sa'min nung nilapitan niya kami kaya napatingin kami pareho sa kaniya.

"Everything is fine, Mr. Smith. Don't worry.", nakangiting sagot ni Joy.

Pagkatapos naming magpulot, kinuha ko sa kaniya lahat ng mga libro.

"S-sabi ko kasi sayo, ako na eh?", ramdam ko na yung awkwardness dahil sa nangyari.

Nakatitig lang siya sa'kin tsaka siya nagpaalam.

"Uh.. p-punta lang ako sa.. sa CR.", paalam niya tsaka siya nagmamadaling umalis papuntang CR.

Namumula siya.

Ano bang nangyayari sa kaniya?

Bigla na lang akong napaisip.

Baka nga totoo lahat ng sinabi ni John?

Pero hindi naman ako sinasaktan ni Joy.

Hindi ko na maintindihan kung ano yung mga nangyayari.

•~•

Gabi na kaya pinuntahan ko si Joy sa office niya at nakita ko siyang doon natutulog.

Hindi naka-lock yung pintuan kaya pumasok na 'ko.

"Joy? Wake up. Uuwi na tayo. Doon ka na lang sa unit mo matulog.", mahinang sabi ko habang ginigising ko siya.

Dahan-dahan niyang binuksan yung mga mata niya.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon