Sequel - Chapter 2

276 11 0
                                    

Pinahinga ko muna yung mata ko sa kakalaptop.

Medyo inaantok rin ako.

"Love? Matutulog lang ako ha? Inaantok ako.", paalam ko kay Jungkook tsaka ako biglang humiga sa kama ko.

Humiga rin siya at tumabi siya sa'kin.

"Tama 'yan. Ipahinga mo muna yang mga mata mo. Limang oras ng nakababad sa laptop yan eh.", concern na sagot niya sa'kin at bigla niyang nilaro-laro yung buhok ko.

Inaantok ako lalo sa ginagawa niya.

"May tanong lang ako, Love. Nung nasa America ka, wala ka bang nakilalang ibang lalaki don o kaya magandang babae?", biglang tanong ni Jungkook kaya napatingin ako sa kaniya.

Nagising yung diwa ko dahil sa tanong niya sa'kin.

"Bakit mo naman natanong 'yan?", masyado kasing out of the blue yung question.

"Wala lang. Baka mamaya, may bigla na lang sumulpot para guluhin tayo? Alam mo na? Yung mga nababasa ko sa ibang novel, halos ganiyan yung nagiging conflict sa mga love story nila.", seryoso siya sa sinasabi niya.

"Walang manggugulo sa'tin. Baka nga ikaw yung may chicks habang wala ako dito?", sa kaniya ko naman binato yung tanong.

"Well, maraming patay na patay sa'kin lalo na sa company namin ni Mama. Pero wala akong type sa kanila. Ikaw lang talaga yung tinitibok ng puso ko. Maraming magaganda, pero wala talaga. Naa-attract ako minsan kasi di naman din maiiwasan, pero hanggang attraction lang talaga. Mata ko lang yung naaagaw nila, pero yung puso ko.. ikaw lang talaga yung mahal.", ang honest niya talaga kahit kailan.

Ngumiti ako sa kaniya tsaka niya nilapit ng nilapit yung mukha niya sa mukha ko kaya pumikit ako.

Nararamdaman na ng face ko yung paghinga niya.

"I love you, Love.", malambing na sabi niya sa'kin.

"I love you more.", mas mahal kita, Jungkook.

Naramdaman ko na lang yung labi niya na dumampi sa labi ko, pero smack lang.

Niyakap ko siya ng mahigpit kaya mas lalo akong inantok hanggang sa makatulog na 'ko.

•~•

Paggising ko, wala na si Jungkook sa tabi ko.

Baka umuwi na siya?

Gabi na kasi.

Bumangon ako at bumaba para pumunta sa kusina.

May nakita akong note sa mesa.

Don't skip your dinner. May ginawa akong Beef Salpicao. Sorry kung wala na 'ko sa tabi mo paggising mo. May urgent meeting kasi kami dito sa office. Kumain ka ha? I love you.

-Love

Bigla akong napangiti sa nabasa ko sa note.

Binuksan ko agad yung bowl at naamoy ko agad yung mabangong dish na niluto niya.

Kumain na 'ko.

Hindi ko na nahintay sina Mama.

Nagugutom na 'ko eh.

Magtitira na lang ako para sa kanila.

Huminto muna 'ko sa pagkain nung nagring yung phone ko at nagmadali akong kunin yung phone sa kwarto ko para sagutin yung tawag.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon