Chapter 11

321 17 0
                                    

Jungkook's POV:

Game na namin ng Basketball laban sa ibang school, pero hindi ako makapaglaro ng maayos dahil sa sugat ng pulso ko.

"Jungkook? Anong nangyayari sayo?", tanong ng coach namin sa'kin nung nagtime-out kami.

"Masakit po yung wrist ko. Mamaya na lang po ulit ako maglalaro.", wala sa mood kong sagot.

Umupo ako at hinanap si Taehyung sa bleachers.

Na saan kaya 'yon?

Wala siya sa bleachers.

Baka napagtripan na ng SPIKES 'yon?

"Jungkook? Kung hinahanap mo si Taehyung, wag kang mag-alala. Papunta na 'yon. Nasa labas lang siya ng univ kanina kasi nakipagkita yata siya sa girlfriend niya?", nabadtrip ako sa sinabi ni Hoseok kaya napatingin ako sa kaniya ng masama.

"What do you mean? Wala siyang nabanggit sa'kin na may girlfriend siya.", naguguluhang tanong ko.

"Nagtext siya sa'kin kani-kanina lang. Kasama daw niyang manonood dito yung girlfriend niya.", mas lalo akong nainis sa susunod niyang sinabi.

Bakit hindi ako mapakali?

Hindi ako komportable sa sinabi ni Hoseok.

Lalo tuloy akong hindi makapagconcentrate sa paglalaro.

Hanggang sa makita ko na sina Taehyung at may kasama nga siyang babae.

Nasa bleachers sila, malapit sa'min.

Doon sila pumwesto tsaka ko sila tinitigan ng masama.

"Go GOLDS!", cheer ni Taehyung pati nung kasama niyang babae.

Ngumiti siya sa'kin at hindi ko siya nginitian.

"Coach? Maglalaro na po ako.", inis na sabi ko sa coach at tumayo na 'ko sa kinauupuan ko.

"Huy? Anong nangyayari sayo? Bakit beastmode ka na naman diyan?", tanong ni Yoongi sa'kin.

"Mind your own business!", banas na sagot ko tsaka ko siya hinawi ng malakas kasi nakaharang siya sa daan ko.

Habang naglalaro kami, hindi ko maiwasang hindi makipag-away sa ibang players dahil sa init ng ulo ko kaya ilang beses din akong napipituhan ng referee.

"Jungkook, ano ba?! Basketball 'to, hindi 'to boxing!", saway ni Seokjin sa'kin.

"Sorry.", wala sa mood na sagot ko.

"Bakit ka ba kasi nagkakaganiyan? Kanina pa mainit yung ulo mo. Pati si Yoongi, napagbuntunan mo na.", tanong niya habang naka-akbay sa'kin.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon