Chapter 18

328 16 0
                                    

Jungkook's POV:

Mula ng matapos yung Valentine's Party, hindi na 'ko pinapansin ni Taehyung.

Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito?

Ano bang nagawa ko?

May nagawa ba 'kong mali?

May nasabi ba 'ko habang lasing ako 'non?

Humanap ako ng tiyempo para kausapin si Taehyung ng maiwan kaming dalawa sa dorm dahil may pinuntahan sina Seokjin.

"Taehyung? Pwede ba tayong mag-usap?", approach ko sa kaniya.

"Masakit yung ulo ko. Mamaya na.", wala sa mood na sagot niya sa'kin pero hindi siya makatingin sa mga mata ko.

"Iniiwasan mo ba 'ko?", tanong ko sa kaniya bago siya makapasok sa kwarto.

"H-hindi. Bakit naman kita iiwasan?", ramdam ko na may problema siya.

"Please? Wag mo 'kong gawing tanga? Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko kung bakit nagkakaganiyan ka sa'kin? Sabihin mo kung anong problema mo kasi hindi ako sanay sa mga nangyayari ngayon eh.", pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Edi masanay ka na?", tipid na sagot niya sa'kin at bigla niya 'kong tinalikuran.

Pumasok ako sa kwarto at sinundan ko siya.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan. Please? Kausapin mo naman ako.", di ko na kasi kaya na hindi niya 'ko kinakausap tsaka pinapansin ng maayos.

Humarap siya sa'kin at namumugto yung mga mata niya.

"Malapit na tayong magkahiwa-hiwalay kaya dapat masanay ka na.", di ko siya maintindihan.

"Alam kong may iba kang dahilan. Hindi ako naniniwala na yan lang yung rason kung bakit mo 'ko iniiwasan, dahil kung yan yung rason na sasabihin mo sa'kin, napakababaw mo!", natataasan ko na siya ng boses kasi nadadala na 'ko ng emosyon ko.

"Ayoko ng lumala pa lahat, kaya sana lang wag mo na rin akong kakausapin!", hindi ko alam kung saan nanggagaling yung mga sinasabi niya.

"Anong lumala? Hindi kita maintindihan!", naguguluhang tanong ko.

"Wag ka nang makulit, pwede ba?! Iwan mo na 'ko! Wag mo na 'kong kakausapin!", pasigaw na sagot niya sa'kin.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon