Ako yung nagbabantay kay Taehyung ngayon.
Umuwi muna sina Tita sa bahay nila para makatulog naman sila ng maayos.
Nagvolunteer muna 'ko para magbantay sa kaniya.
"Love? Kelan ka ba gigising? Dalawang araw ka ng tulog. Miss na kita, sobra. Hindi ko na naririnig yung boses mo, yung pagtawa mo, tsaka hindi ko na nakikita yung mga ngiti mo. Gumising ka na, please? Sige ka? Gusto mong kilitiin kita?", naluluhang sabi ko kay Taehyung habang nakaupo ako sa tabi niya at hawak-hawak ko yung kamay niya.
Pinunasan ko yung pisngi ko dahil sa mga luhang pumapatak.
Naramdaman ko na lang na gumalaw yung kamay ni Taehyung kaya napatingin agad ako sa kaniya.
"Love?! You're now awake! Thank goodness!", di ko mapigil yung saya ko dahil finally, gising na si Taehyung.
Mas lalo akong natuwa nung makita ko na unti-unti ng bumubukas yung mga mata niya.
Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang siya sa kisame.
"Love? Okay ka lang ba? May kailangan ka ba? May masakit ba sayo? Sabihin mo lang.", asikasong-asikaso ko siya ngayon.
"My vision.. is.. blurry.", pabulong at nanghihina niyang sagot sa'kin.
"Wag kang mag-alala, ha? B-baka.. baka ngayon lang 'yan kasi ilang araw kang tulog? Maghintay lang tayo ng ilang minuto, lilinaw na rin yung paningin mo. Tatawag muna 'ko ng Doctor, ha? Hintayin mo 'ko.", mahinahon na sagot ko tsaka ako tumayo sa kinauupuan ko.
Lalabas na sana ako pero bigla niya 'kong tinawag.
"K-Kookie?", nanghihina niya 'kong tinawag kaya lumapit ako ulit.
"Bakit? Anong gusto mo? May masakit ba? Magsabi ka agad para makatawag na 'ko ng Doctor.", nag-aalalang sagot ko.
"Alagaan.. mo.. y-yung.. mag-ina mo. Wag mo.. silang.. papa.. papababayaan, h-ha?", di ko maintindihan kung bakit sinasabi niya sa'kin 'to?
"Ano ba yang sinasabi mo? Wag mo munang isipin 'yan, okay? Ang mahalaga, magpagaling ka. Magpagaling ka para magkasama na tayo ulit. Para makasama mo na ulit sina Tita.", ayoko muna siyang pag-isipin ng kung anu-ano na makakasama sa kaniya.
"Sorry.. kung hindi.. ko sinabi sayo. Bago ako.. bumalik.. d-dito sa Pilipinas.. nararamdaman ko na parang.. parang may sakit ako. Tinago ko.. kahit kanino.. yung tungkol.. s-sa sakit ko kasi.. ayoko.. kayong mag-alala sa'kin. Yung mga panahon na.. nasa America ako, pinilit kong.. maka-uwi para lang.. m-makita ka ulit pagkatapos ng ilang taon. Kahit man lang.. sa maikling panahon.. makasama kita ulit.", naluluhang sagot niya.
//Flashback//
Taehyung's POV:
Maaga akong umalis ng bahay para magpacheck up sa Doctor.
Gusto kong malaman kung ano na yung lagay ng aneurysm ko.
Hindi ko na sinama sina Mama kasi ayoko na malaman pa nila yung tungkol dito.
"Mr. Kim? Base sa MRI mo, palaki na ng palaki yung blood clot na nabubuo sa utak mo. You need to undergo an operation as soon as possible kasi kung hindi, lalaki pa lalo yung blood clot na magiging dahilan ng pangmatagalan mo na coma or death. Kailangan mo ng magpa-opera, Mr. Kim. Mataas yung chance ng survival rate mo kung magpapa-opera ka na. Wag mong hintayin na manghina pa yung katawan mo at hindi mo na kayanin yung operasyon.", paliwanag sa'kin ng Doctor habang nasa loob kami ng opisina niya.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...