Sequel - Chapter 16

174 10 0
                                    

Nakasakay kami sa van ng company habang bumabiyahe kami papunta sa unang bookstore na pupuntahan namin, hindi ako masyadong kinikibo ni Joy.

"Joy? Galit ka ba sa'kin?", mahinang tanong ko dahil katabi ko lang naman siya.

"I'm not mad. Wala lang ako sa mood magsalita.", halata nga.

"Mula kasi kagabi nung umuwi tayo, hindi mo 'ko gaanong kinikibo eh. Nagseselos ka ba kay Dahyun?", di ko kasi kaya na hindi ako kinikibo ng mga kaibigan ko.

"Hindi.", tipid lang yung sagot niya.

"Kung hindi ka pala nagseselos, ano yung ibig sabihin ng mga sinabi mo kagabi?", tanong ko sa kaniya at napatingin siya sa'kin.

"Kapag handa ka ng marinig, doon ko sasabihin sayo.", sagot niya sa'kin sabay hawak sa kamay ko, "I won't let you go, Taehyung. Di ko kakayanin kapag nawala ka sa tabi ko. You're too special for me.", dugtong niya.

"I'm always by your side, Joy. You don't need to worry. Kaya wag ka na rin magtampo. Hindi ako sanay na hindi mo 'ko kinikibo.", ayoko lang na magkaroon kami ng awkwardness tsaka tampuhan.

Ngumiti siya sa'kin tsaka niya sinandal yung ulo niya sa balikat ko.

"I'm sleepy, Taetae.", bumalik na yung lambing niya sa'kin.

"Sige. Matulog ka muna. Gisingin na lang kita kapag nakarating na tayo.", nakangiting sagot ko at tinapik-tapik ko yung ulo niya.

Pagtingin ko sa harap, nakita ko si Mr. Smith na nakatingin sa'kin habang nakangiti.

Sa front seat siya nakaupo katabi ng driver.

"Maybe I don't understand what you're saying, but I get the feeling that you genuinely love her.", nakangiting sabi sa'kin ni Mr. Smith.

"Yes. I love her as a friend.", polite ko na sagot.

"You just love her as a friend? But that is not how I feel. You two appear to be a lovely and ideal couple.", ganiyan pala yung tingin niya sa relationship namin ni Joy?

"No. I have a boy- I mean.. girlfriend in the Philippines.", nagsinungaling ako.

"What? You didn't tell me you were in a relationship before.", nagtaka siya bigla.

"It's not necessary for you to be aware of this. I just wanted to keep it private, but not a secret.", kalmado kong response.

Ngumiti na lang siya at humarap ulit sa harapan.

Napatingin ako bigla kay Joy.

Ang himbing ng tulog niya.

Hindi naman malabo na magkagusto ako sa kaniya.

Maganda naman siya, matalino tsaka mabait.

Pero may nagmamay-ari na kasi ng puso ko, at si Jungkook 'yon.

Hindi ko alam kung narinig ba niya yung pinag-usapan namin ni Mr. Smith, pero kung narinig man niya 'yon, mas mabuti.

Para malaman niya na hanggang kaibigan lang yung tingin ko sa kaniya.

•~•

"Joy? We're here.", paggising ko sa kaniya nung nakarating na kami sa unang bookstore.

Dahan-dahan siyang dumilat at umupo.

"Tara?", pag-aya ko sa kaniya.

Lumabas na 'ko sa Van at sumunod na rin siya.

The One I Finally Got - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon