Kinabukasan, sinundo ko sila sa harap ng bahay nina Taehyung.
"Hi? Good morning, Love. Uh.. Joy? Si Jungkook nga pala, boyfriend ko. Kookie? Meet Joy, my close friend.", bungad ni Taehyung sa'kin paglabas ko sa kotse ko.
Lumapit ako sa kanila at nakipagkamay ako kay Joy.
"Nice to meet you, Joy.", friendly na sabi ko sa kaniya habang nakikipagkamay.
"Nice to meet you, too. Hindi ako makapaniwala na may boyfriend siya. Akala ko, girlfriend ang meron siya? Boyfriend pala?", pabirong sagot ni Joy sa'kin.
Bumitaw na 'ko sa pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Uh.. tara na?", sabat ni Taehyung.
Hinawakan ko yung kamay ni Taehyung papunta sa kotse.
Sa backseat umupo si Joy habang si Taehyung, sa front seat katabi ko.
"So, kelan pa kayo nagkakilala ni Taehyung?", tanong ko kay Joy habang nagmamaneho.
"Mula nung nagtrabaho siya sa publishing house, naging magkaibigan na kami.", sinagot naman niya yung tanong ko.
"Kumusta naman yung trabaho niyo sa America?", gusto ko lang malaman.
"Well, lumakas ulit yung publishing house mula nung dumating siya at dahil sa mga novel niya. He's a great author, Jungkook. Hands down kami sa boyfriend mo.", masayang sagot ni Joy sa'kin.
"Good to hear.", natutuwa ako sa achievement ni Taehyung.
Habang nagmamaneho ako, hindi ko maiwasan na hindi tumingin sa rear mirror dahil kay Joy.
Iba yung pagtitig niya sa boyfriend ko.
Hindi talaga maganda yung kutob ko dito.
•~•
Sa BGC namin naisip na kumain, sa Las Flores.
Pagkarating namin sa Las Flores, nakasunod lang sa'ming dalawa si Joy sa likod.
"Ligaya? Are you ok? Kanina ka pa tahimik ah?", concern na tanong ng boyfriend ko kay Joy.
"Ayos lang ako. Ang awkward lang na maging third wheel sa inyong dalawa.", natatawang sagot niya.
Nakatitig lang ako kay Joy.
"Don't feel awkward, Joy. Kaibigan ka naman ni Taehyung kaya okay lang naman sa'kin na sumama ka.", kahit hindi.
"Salamat.", nahihiyang sagot niya.
Nakahanap na kami ng pwesto.
Apat yung upuan at isang mesa.
"Anong gusto mo?", tanong ko kay Taehyung.
"Canelones and Ripe Mango Shake.", sagot niya.
"Ikaw, Joy? Anong gusto mo? Treat na ni Kookie. Wag kang mahiya.", sabi ni Taehyung kay Joy para mawala yung awkwardness naming tatlo.
"Nakakahiya naman. May dala naman akong pera. Ako na lang magbabayad sa-", pinutol ko yung sinasabi niya.
"Sige na. Treat ko. Wag ka ng mahiya.", sabat ko.
"S-salamat. Paella Verduras lang sa'kin tsaka Ripe Mango Shake din. Favorite namin ni Taehyung na drink sa America 'yan eh.", kailangan ba talaga niyang banggitin yung tungkol diyan?
"Si Jungkook naman, hate yung Mango Shake. Lemon juice yung gusto niya.", daldal ni Taehyung kay Joy.
May lumapit na waiter sa'min tsaka hiningi yung mga orders namin.
BINABASA MO ANG
The One I Finally Got - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein Taehyung, an intelligent graduating college student and a novel author, decides to transfer to a popular and high-class university, where he meets Jungkook, the university's heartthrob, varsity player, and the richest memb...