Hectic is good....
" Pa?..Siguro kang okay ka lang dito?" Nag aalalang tanong ko.
Ngumiti sya at tinulungan pa akong bitbitin ang bag ko papasok sa van.
Napa buntong hininga ako ...
" Oo naman anak, Maayos na ako Thanks to you! ... Besides Your brother is here . " naka ngiting sagot nya.
Ngumuso ako at tinitigan sya . Natutuwa ako at nakaka ngiti na sya , Bumalik nadin sya sa dati na kahit tahimik ay Nag sasalita padin.
" Okay! I will call you pag Naka uwi na ako . " niyakap ko sya at ganon din sya sakin bago kami kumalas sa yakap.
" Hihintayin ko yan ha, Sige na baka ma'abutan pa kayo ng traffic.. Ingat ka palagi anak, I love you "
" I love you too dad, Pa check up ka every week ha? Ba-bye .."
" Opo , Sana ay Magawa mo yang balak mong negosyo, Ba-bye.."
Pumasok na ako sa Loob at sya na mismo nag sara ng pinto . Tinted ito kaya hindi nya ako kita sa loob pero Nakangiti padin sya habang nakatingin sa akin..
Nang umandar na ay Syaka lang nawala ang paningin ko kay dad...
Mabilis kong kinuha ang phone ko at tinext ai Gray.
To Brother Gray:
Brother, Kakaalis ko pa lang sa bahay .. Alagaan mo si dad ha , Love you :*Send.....
Hindi ko na sya hinintay mag Reply .
Sa aming tabi ay ang Shoulder bag ko, kinuha ko ang aking Net book doon at Nag simula ng mag hanap ng pwede kong makausap sa plano ko....
Kanina ay nabangit ni papa ang Negosyong gagawin ko . Well , I just want to try it .
Gusto kong Maka'salamuha ng maraming tao . .Para atang naiwan ang kaluluwa ko sa Music bank nung gabing iyon dahil hanggang ngagon ay napapa isip akong pumunta doon!
Nau'unahan nga lang ako ng Lungkot dahil sa nang yari nakaraan, at umuwi na ulit ang mga pinsan ko tapos yung mga tropa ko ay may sariling kompanyang Ina'asikaso kaya wala akong kasama.
Matagal din ang itinutok ko sa Net book ko hanggang sa Maka send na ako ng email sa lahat ng napili kong makakatulong sa akin.
Tinabi ko iyon at natulog muna...
*
*
*
*" Maam---Maam , Nandito na po tayo " Nagising ako sa Malaking boses ni Dave , Ang Driver na Ina'asign sa akin ni dad.
" Salamat.."
Nang makababa na ako ay mabilis akong nag lakad sa hagdan papasok sa Malaking pintuan .
Napa buntong hininga ako ng Sumalubong sakin ang Tahimik at Malinis naming bahay." Angelica? " tawag ko ..
Agad naman syang lumapit sa akin. Napa kunot noo ako ng makitang Maluha-luha sya sa harap ko...
" W-what happen? " nag-aalalang tanong ko.
" M-maam... Nabalitaan po namin dito ang nang yari kay madam Mariel.." Naiiyak nyang sabi . Hindi ako nakapag salita.
" P-patawad po .... Umiyak pa ako sa harapan nyo, Mabuti at nakauwi na kayo dito .. Ang iyong tatay ba ay okay na? "
Nagulat ako sa Sunod sunod nyang Sinabi." A-ayos na sya ... "
" Mabuti naman .... Alam mo ba , Sa sobrang taon na ang itinagal kong mag trabaho sa pamilya nyo ay nasubay-bayan ko kung paano mag mahalan ang iyong magulang.... Kaya ng malaman kong Ganon ang nang yari ay hindi ko maiwasang mag alala sa inyo .. "
BINABASA MO ANG
My Long Lost Love
RomanceA Young Woman who Don't know what Path she will Follow. Doreena Zhiendra William , A Beautiful Woman in or out. Only Daughter of One of the Richest Family in this country. In just One day .... Good Mistake come to her life but Gone by one Mistake...