Kabanata 28

46 3 0
                                    


Accident.

"Zia "

Napalingon ako sa pintuan ng may tumawag sakin.

"Huh?" Kinusot-kusot ko ang aking mata.

Jusko! Ano bato!? Tinamaan naba ako saniniinom ko? Bakit nandito si Clayton!
Ni-lock ko ba yung pinto o hindi???? Waa! Diko matandaan.

Pinilig ko ang ulo ko ay kumurap-kurap pa ng mata.

" B-bakit ka nandito?" Tanong ko ng Mapag tantong totoo nga sya.

Hays. Ano nanamang ginagawa nito dito?

" I just want to say sorry. H-hindi ko sinasadyang hilahin ang damit mo kanina." Nanliit ang mata ko sa kanya at pinagmasdan ang hindi makabasag pinggan ng itsura ngayon.

Nakakatawa lang dahil ambilis mag bago ng ugali ng taong to.

Pero kahit na ganon ay may Parte padin saking gusto syang patawarin.

" Ah Yun ba. Okay lang ." Nakangisi kong sabi at lalabas na sana ng mag salita sya.

" Y-yun lang yon?" He said .

Lumingon ako sa kanya ng may ngiti padin sa labi. Ewan ko pero bigla na lang ding gusto kong magalit sa kanya.

" Yun lang yon? ,bakit? Gusto mo bang pag mumurahin kita sa gitna ng dagat?" Mukhang nagulat sya sa sinabi ko. " Ang totoo , Kanina pa akong kating-kati na sugurin ka lalo na ng makitang masaya ka kasama si liza kahit na alam mong hindi ka dapat nag sasaya . Wala ka bang konsensya? " natatawang sabi ko.

Calm Zia... Please keep calm.

Ikinuyom ko ang palad ko at huminga ng malalim.

Hindi pwede dito kami mag away dahil wala kaming karapatan dito .

Ginagawa ko naman ang lahat na kumalma at satingin ko ay makakatagal ako dito.

" Nandito ako para humingi ng tawad Zia , please I mean it , hindi ko sinasadya." Humakbang ito palapit sa akin .

Sa hakbang na iyon ay parang sinilaban ng apoy ang aking mata at masamang tinigan sya na ikinatigil nya.

" Kung ayaw mong mag eskandalo ako dito , Please Cooperate. "  Kinuha ko ang suot kong tshirt kanina at sinuot ito. " I made up my mind. Mag kita tayo mamayang alas'sais sa pwesto ko kanina at sasabihin ko na lahat ng gusto mong malaman." Seryoso kong sabi bago lumabas.

Kinuha ko din ang phone ko bago tuluyang kumabas.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako.

" Woo."

Did I say na sasabihin ko na sakanya?

Sa hindi malamang dahilan ay parang nabawasan ang bigat ng dibdib ko .

Sa wakas ay nasabi ko nadin iyon. All just I need to do is tell him the truth at pag katapos......

Ano kayang magiging reaksyon nya?

Gray is right. Dapat pala matagal ko ng sinabi sa kanya iyon. Siguro akong hindi ako makakatangap ng masasakit na salita kung sinabi ko na agad sa kanya simula palang.

" Oh my!" Hiyaw ko.

Sa isang malaking alon ay napahawak ako sa railing ng bangka! Pakiramdam ko ay umalon ang mundo ko dahil doon!

Sinubukan kong humawak ng mahigpit ngunit nanlaki ang mata ko sa nang yari.

" Cellphone ko!!" Sigaw ko dahil nalalag sa dagat!!!

My Long Lost Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon