Kabanata 30

56 2 0
                                    

Bagay Tayo.

" Waaah! G-gawa mo talaga to?" Manghang-mangha ako sa Mga Litratong hawak ko.

Ito yung mga print ng designs ng mga nagawa nyang Skyscraper sa France .

Ang ganda..... napaka Luxurious ng lahat lahat at kahit na may halong Spanish style ay Umaangat padin ang pag ka modern nito.

Meron pang nga syang Dream house na sya mismo ang Nag Design ng lahat,  Ang sabi nya ay tiwala sa kanya ang kaybigan nya don kaya kung anong mai'guhit nya ay iyon nadin ang Gusto ng kaybigan nya!

At sobra talaga akong namangha dahil Para itong Palasyo!!!
" Haha why? Duda ka ba sa galing ko?" Tumingin ako kay Clay na katabi ko.

" Wala naman akong sinabe eh... Sobrang Ganda ng gawa mo! Ang galing!" Sunod naman ay ang Twin tower din sa Dubai.

Grabe! Madami pala akong hindi alam sa kanya . Akala ko sa Europe lang sya pero nakaabot pa sya ng Dubai! Tapos France!

" Ako pa. You like it?"

Tumango tango ako sa kanya ! The best tong mga to!

Bakit kaya nya sakin pinapakita lahat ng ito?

" Bakit sakin mo to pinapakita?" Tanong ko.

Hindi agad sya nakapag salita . Tinitigan ko muna sya .

Seryoso syang nakatingin sa litrato . May mali ba sa Tinanong ko? Wala naman ata ehhhh----WAAAA!!

O///////O

HOLLEFVCK!!

P-pano kasi!!!!! Bigla syang humarap sakin kaya a-ayun!!!!! Nag kadikit yung Ilong namin!!!! Yung tungki lang naman ng ilong namin.

Eh bakit parang Dismayado ako???

Mabilis pa kay Flash akong nag iwas ng mukha!!! Waaaah!! Bakit biglang ganon?!

Naging triple lalo yung bilis ng tibok ng puso ko ! Grabe! Sobrang init pa ng pakiramdam ko!

" Sorry.... " sambit ko tsaka tumayo! " He.he. Ang init naman dito!" Sana hindi nya mapansing Namumula ako huhuhu.

" A-ah! Oo nga eh hahaha. Let's go?"

Ha? Ano nanamang sinasabi nya? Minsan talaga parang hindi nakakaintindi to si Clay.

" Saan?" Tanong ko.

Tumayo sya at niligpit ang mga litrato. Pipigilan ko sana sya dahil gusto kong humingin ng isa kaso.... baka magalit sya sakin.

TT_____TT

Ang gaganda kasi eh!

" Sa Baba. Nag text sakin ang Magaling mong kuya na bumaba na tayo . May palaro daw para sa mga bata." Nakangiti nyang sabi.

Hindi ko talaga mapigilang mapangiti din kapag ngumingiti na sya :)

" Okay! Papalit lang ako--"

" Wear this."

Napanguso ako at kunot noong Lumapit sa kanya at kinuha ang paper bag.

" Sino bumili nito?" I ask .

It's a romper sky blue , Matutuwa na sana ako kung romper shorts to kaso hindi (==_____==)  long pants ito tapos Off shoulder style. Ang cute pa ng kulay dahil parang babaeng babae.

" Ayoko nito. Dibagay sakin." Ibinalik ko sa kanya ito kaso binalik ulit nya sakin.

" Wear it. Mas okay to kesa mag dress ka, Puro dress pa kasi dinala mo." Napataas ang kilay ko.

My Long Lost Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon