Kabanata 48

73 2 0
                                    


Back.

Nag patuloy ako sa pag lalakad. Pero huminto din ako ng makarating sa kung saan usapan namin ay hihinto kami.

Dito ay hindi masyado madami ang nga tao. May konting batang nag lalaro dahil may kokonting bato para ipang decorate nila sa castle house na ginagawa nila tapos aalis din.

Nilipad ng hangin ang aking malamais na buhok. Aking inipit ang konting hibla sa aking tenga at humarap sa dagat na malayang nag sasayaw.

Malakas ang Alon at nakakaenganyo ito . Nakakaakit para sa mga bata, dahil mas mag eenjoy ka kapag malakas ang alon.

Walang kahit anong dumi o kalat sa buhangin o sa dagat.

Ina'alala ko noon. itong Beach na ito ang laging sini-search ni Sean sa Social media para makita ang Mga pictures ng mga naliligo dito.

Naaawa ako noon dahil hindi ko manlang sya mailabas dahil sa takot kong agawin bigla sya ni Mama.
Now I know why Sean really love this Place.

Kasi alam nyang Mahilig ako sa dagat na kung saan ay may Lawin na lumilipad sa himpapawid.

Napangiti ako.

Napatingin sa Langit kung nasan ang tatlong lawin na lumilipad na pa ikot lang ang direksyon.

Baby Sean, I know you're happy now with God and your grandma. I'll give you your freedom now, I will free your soul but you'll still in my heart, in our heart.

Ngumiti ako ng bahagya, habang pinapanood ang mga lawin.

Nang makaramdam ako ng may tao sa aking likod ay napalingon ako. Ngunit huli na ng May sumalubong saking mahigpit at mainit na yakap.

Parang nalusaw ang aking puso ng malaman kung sino ito.
Bumilis ang tibok ng puso ko pero tibok ito ng galak at saya!

Aking nabitawan ang dala kong sapatos at niyakap din sya ng mahigpit. Diko maiwasang maiyak dahil sa sobrang pag aalala sa kanya kung bakit ngayon lang ito nag pakita.

Isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang matigas na dibdib at sininghot ang mabago nyang amoy.... damn I want to buried myself to him!

"Gago ka... Na miss kita." Bulong ko . At diko namalayang naluha na pala ako.

Maslalong humigpit ang yakap nya at kanyang siniksik ang mukha sa aking leeg. I felt his warm breath in my neck. It's giving me a shiver down my spine.

"I'm sorry...I'm late. " tanging sagot nya.

Napanguso ako upang maitago ang ngiti sa aking labi. Tumigil na ang luha sa aking mata pero gusto ko pading manatili sa kanyang bisig ngunit ng may marinig akong boses ay napalayo ako.

"Clayton. Zia.."

Naugatan ata ako sa kinatatayuan ko kaya hindi ako nakagalaw. Napangsinghap ako ng makita si Lizalyn.

Wearing his Favorite floral lacy maxi dress and a dark sophisticated black eyes .

Unti-unti kong naramdaman ang galit sa aking puso.

"What.. are you doing here!?" I exclaimed!

Hindi ito nag salita subalit ay naramdaman ko ang pag hawak sa aking siko. Matalim ang aking matang bumaling kay Clay. Nag tatanong ang aking mata.

Gusto ko mang wag magalit ngunit hindi ko magawa. Lalo na't ng mag salita ulit sya! "I'm here to say sorry."

"Sorry your ass!"

"Zia.. baby, Please calm." Suyo ni Clay na nag palambot sakin.

"I don't say sorry twice but I'm doing it now just for you.... and Clayton. " nag tiim bagang ako at tinitigan ito.

My Long Lost Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon