Brysen's POV
Hello po!! My name is Brysen prounounce by Raysen nandito po ako at nagaaral sa isang public college dahil lam nyo na...
Hindi porket ganito ako at nagaaral ako sa maliit na public college mahirap kami. Actually,kahit papaano eh meron kaming sasakyan at isang magarang mansyon kaya wag kayo....
Maganda rin ako sabi ng nanay ko magaling din akong kumanta pang international pa raw sabi ng papa ko...
Friendly ako sa lahat yon nga lang hindi nila ako pinapansin dahil sa mahaba kong buhok nakulot sa dulo mga hanggang bewang ko pero ito ang twist sa lahat!
Kulay green na may halong brown yung buhok ko tinry ko nang pag iponan ang two thousand na pagpapakulay ng itim sa buhok ko pero ano nangyari ampucha!!
bumalik lang sa dati pinagupitan ko pero humaba ulit!!
Sinigawan ko yung manager nung salon pero tinarayan lang ako, wala daw siyang kasalanan hayyy nakoo!! Kung hindi lang siya mukha gamot sa buhok susunugin ko sya nangigigil ako......
sayang yung pera edi sana pinang tuition ko na lang
"Hoy babaeng may keme sa buhok!" Napalingon ako doon sa tumawag sa akin na lalake ngumiti ako sa kanya pero binigyan niya lang ako ng nakakadiring tingin
"Wow ha kuya hiyang hiya naman ako sa iyo napakagwapo mo ano?!" Inis na sabi ko kaya lang nagthumbs up pa siya
"Naman ako pa!" Mahangin alert mahangin alert!
Napangiti na lang ako kahit hindi totoo feeling ko kasi masusuka ako sa pinagsasabi nito
"Nga pala sabi ng principal umuwi ka na!!" Napabusangot ako sa sinabi ni ---sino ba toh? Hay yaan na nga...
Lumayas na ako sa eskwelehan dahil pinaalis na ako ganito kasi yon mga kababayan sa baryo namin ang principal kasi ang nagpatayo ng eskwelahan sya rin ang nagpapasahod sa mga teacher, kaya wala tayong magagawa pag pinauwi ka. Hindi ko rin nga maintindihan sa principapal na yon.
Ako ata ang laging trip pauwi ng pauwi sa akin araw araw edi paano ako gagraduate? May sayad talaga eh.
May kapatid ako, pero hindi sya nagaaral dito at ewan ko kung saan sya nagaaral ang sabi nya sa akin ay malayo raw sa baryo namin. Nagtataka nga ako kasi sya nakapagaral sa malayo ako dito dito lang? Tsk.
Nang nasa tapat na ako ng gate namin ay kumatok ako sensya na guys sira yung doorbell binuksan naman ni Tatay ang pinto at hindi naman sa pagmamalaki manager ang tatay ko dito sa baryo.
"Hayy nak! Kailangan pang kumatok?! Eh isang uga mo lang sa tarangkahan na toh eh tiyak bibigay yan!"
Okay haha iba ata ang nasa isip nyo. Ang mansyon na tinutukoy ko ay munting bahay namin. Bakit wala namang masama dahil dadating ang araw gagawin kong kastilyo ang bahay namin. Pero manager talaga si Tatay.
"Tay! Kamusta ka na?!"
"Akoy tigilan mo Brysen ha! Tatadyakan kita dyan !" Napairap ako sa sinabi ni tatay at pumasok na sa loob nakita ko doon si Sean yung kapatid kong lalake
BINABASA MO ANG
Crystal Academy (school of magic)
FantasyI like the world I live with... pero sa isang iglap nagbago ang lahat .... isang pangyayari na Hindi inaasahang magaganap.... At mapunta sa mundo kung saan ang mahika ay posible at nagagamit.... Makakayanan ko kaya ang pagsubok na ibibigay nila sa a...