Chapter 18- Ashley

2.5K 73 0
                                    

Warning: Bad words! Ay sobrang dami! READ AT YOUR OWN RISK!

**************
Ashley's POV

Alam nyo yung huli ka nang sasabak at parang mas lalo kang kinabahan kasi parang na sa iyo na yung buong pressure hindi ko alam pakiramdam ko mas  naging triple ang kaba ko...

Gising na silang lahat pwere na lang kay Zharia na hinihintay pa rin namin ang mangyayari...

"Kinakabahan na ako kay Zharia ah!"-Venice

" wahhhh kainis kinikilabutan pa rin ako sa nangyayari sa atin!"-Brysen

"Hayyy ang sakit ng katawan ko...Sana okay lang si Zharia"-Chade

Hayyyss napakalalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa may pinto kung saan pumasok sila Red at Zharia...

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Light kaya napatingin ako sa kanya...

" Wag kang magalala Master Ashley..Magiging okay lang si Zharia"

Napatango na lang ako kahit nandoon pa rin ang kaba..

Kahit na hindi pa kami matagal na magkakasama eh parang sobra as in sobrang close na kami yung tipong parang magkapatid...

Nagliwanag ang pinto at alam na namin na nadyan na sila nakita ko si Red na buhat si Zharia nakatingin lamang ito habang nakatingin ang malalamig nyang mata sa amin, agad nyang inilapag si Zharia sa upuan at lumingon kay Light

Ngayon pa lang ay pakiramdam ko sa titigan pa lang nila ay nagmumurahan na sila.

Naging mabilis ang pangyayari bigla na lang lumapit si Red kay Light akala ko ay susuntukin ni Red si Light pero nagsalita lang ito...

"It feels sh*tty but still i want to thank you...thank you for making me realize that.." Kahit nagtataka ang kalooban ko ay bigla na lang akong napangiti sa hindi ko malamang dahilan...

Tumango si Light sa kanya at tinapik ang balikat ni Red...

Lumingon si Light sa akin at bahagyang ngumiti at nagsalita

"Handa ka na ba?" Tumango ako kahit pakiramdam ko eh kahit isang lakad ay hindi ko maggagawa...

"Lagi naman akong handa sa laban ako lang naman yung hindi pinaglalaban.."

"P*cha! Hugot pa Ashley! Hugot pa!"napatawa ako sa sinabi ni Venice pero sumunod na ako kay Light at humarap sa pinto

" Kung ano man ang something na nasa loob mo DOOR please be good to me!"

Bago kami umalis ni Light ay lumingon muna ako kila Brysen at nginitian sila..

**********
Napapikit na lang ako sa liwanag at bago pa man ako makadilat ay naramdaman ko ang malamig na hangin na dumadapo sa balat ko nakaramdam ako ng panandaliang takot ...

Napadilat ako at lumingon sa paligid ko at nagbabakasakaling makikita ko si Light pero wala ...

Wala akong nakitang Light

"Light! Nasaan ka ba?!" Tinawag ko sya pero wala man lang akong nakuhang sagot napatingala ako at pinipigilan ang luha na gustong kumawala sa akin sa hindi ko malamang dahilan...

Crystal Academy (school of magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon