Chapter 37- Crystal Book

2.1K 62 3
                                    

Head Master's POV

"HM nagkakagulo po ang lahat!"

"Ano po ang gagawin natin?"

"Mamatay tayo!"

"Tumahimik kayo!" Napatahimik ang lahat nandito na rin ang mga hari at reyna na ... Halata ang kaba sa nangyari...

Alam kong pasugod na ang Dark Crystal Kingdom pero nanatili pa rin akong kalamado...

Napahawak ako sa sintido ko at iniisip kung ano ang gagawin namin...

Mauulit na naman ba ang nangyari?


Mauulit na naman ba ang nakaraan?


Hindi ko ata kakayanin...


Flashback

"Neil! Kailangan nyo nang umalis! Kami na ang bahala dito!" Nagkaroon na ng malalakas na pagsabog lahat kami ay sugatan at nanghihina na ... Sinusugod na naman kami ng Dark Crystals....

"Riley!! Paano ka?! Nasan si Nic?! " umiling sya sa akin at ngumiti...

"Mas mahalaga ang kaligtasan nyo okay lang kami!"

"Pero-"

"Sila Rein? Staka sila Vincent magiingat sila" tumango na lang ako kahit naguguluhan.. Ano ba nag sinasabi nya?! Nagpapaaalam ba sya?!

Ano ba ang nangyayari

"Kailangan namin syang pakiusapan" napayukom ako ng kamao habang sya ay nagiwas ng tingin..

"Anong pakiusapan?! Riley hindi nya kayo kilala!!"

Umiling sya at napansin ko ang pagluha nya dahilan para lumambot ang emosyon ko.. Gusto ko sya pero nagparaya ako... Alam kong masaya na sya.. Pero nagaalala pa rin ako..

"Magagawan namin ng paraan ang lahat " tumango na lang ako kahit alam kong imposible ...

"Maiingat kayo" tumango sya at ngumit tumayo na ako pagkatapos ay tumalikod na sa kanya pero tinawag nya ako...

Ngumiti sya sa akin at hinawakan ang kwintas nya.. Umilaw ito hanggang sa naging libro...

Crystal Academy (school of magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon