Chapter 17- Zharia

2K 62 0
                                    

Zharia's POV

Parang kinukutuban ako sa mangyayari ngayon...

Pakiramdam ko kasi ako na yung susunod...

Paano naman hindi eh sa tuwing tumitingin ako sa sandata ko eh napakalalim ng iniisip at nakatingin don sa pinto ng pagsubok oh sino hindi kukutuban diba?!

Lumiwanag na ulit ang pinto at sa wakas tapos na sila Chade...

Okay lang kaya sya?

Nakita ko na nakasuporta si Chade kay White pero nakakapaglakad pa rin ito pero wala naman silang mga sugat...

Sila Brysen at Venice naman ay tulog pa din at sila Green at White ay nagpapahinga sa gilid...

Tumaas ang tingin ni Chade sa amin ni Ashley at nakita ko ang mga luha nito parang may sariling isip ang paa at puso ko dahil parang nagfull force silang dalawa at niyakap si Chade ganon din ang ginawa ni Ashley...

Sa hindi malamang dahilan ay parang napaiyak pa ako...

Natigil ito dahil pakiramdam ko ay bumigat ang balikat ko at napansin kong nakatulog na si Chade...

Napansin kong nakatingin sa akin si Ashley kaya nginitian ko sya...

"Hahahahaha hindi ko alam kung bakit pero natatawa ako sa mga nangyayari sa atin..." Napangiti ako sa sinabi ni Ash tama nga naman...

Hayyssttt...

"Dahil tayo na lang apat ang natitira sino ang gusto niyong mauna?"

Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtaas ko ng kamay...

Ooh ohh..

Zharia ano ba ang nagyayari sa iyo may utak ba yang kamay mo?! Gosh!

Hindi naman tumutol si Red na kasing lamig ng yelo at tumapat pa sa may pinto lumapit na rin ako sa kanya at hinintay ang pagbukas ng pinto...

"Galingan mo Zharia!" Ngumiti ako sa sinabi ni Ash pero nagtaka ako sa pagngisi ni Light...

"Goodluck.






Red...."

***************
Bumakas na ang pinto at bigla akong nagtaka...

Yelo?!

Srsly?!

Ang inexpect ko pa naman eh isang napakalawak na disyerto o kaya naman eh bulkan na malapit ng sumabog at maglalabas ng lumalagablab na lava...

Dahil si Red ang kasama ko at obviously apoy!

Pero ito?

Puro Yelo...

Parang wala kang makikita kung hindi yelo...

Nakita ko ang pagtigil ng katabi ko na animoy naging yelo na sa lamig lumapit ako sa kanya at winagayway ang kamay ko sa mukha niya...

"Hello to Ice World Red!" Parang bumalik naman ang diwa nya at napa Tsk...

Narinig ko pa ang bulong guys...

"Tsk bwisit na Light yan humanda yan sa akin pagbalik ko..."

Crystal Academy (school of magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon