Epilouge

2.8K 65 4
                                    

******************
Natapos na ang lahat tapos na ang problema...







Nagbalik lahat sa dati...








Nanaig ang kabutihan...





Tuluyan ng bumabalik ang dating ganda ng Crystal Kingdom






Payapa ng namumuhay ang mga mamamayan wala ng takot o kaba sa taong maaari pang sumakop sa kanila...



Masayang naglalakad ang hari at reyna ng Crystal Kingdom habang pinagmamasdan ang buong lugar matagal na rin sumula ng mangyari ito... Matagal na rin simula ng maging mayapa ulit ang lugar...





"Crystal!!"







Masayang lumapit ang babaeng tinawag ng hari at niyakap ang dalawa agad naman itong napasimangot at makikita mo ang lungkot sa mga mata nito..

"Dad naman ayokong tatawagin mo akong Crystal!" Tumawa naman ito at niyakap ulit ang babae

"Dapat masanay ka na ito naman ang tawag namin sa iyo diba?" Tumango ang babae pero nagsimula na ito humikbi na sinundan ng reyna...


"Haist wag na nga kayong umiyak dalawa" saway naman ng hari sa dalawa pero patuloy lang ito..












"Ayoko ....













Ayokong palitan si Ashley Dad... Night ang pangalan ko" tumango lang ito at nagpunta sa lugar kung saan nangyari ang lahat ...

Nangyari ang mga bagay na nagpabago sa lahat...

nandito rin ang ibang mga kaibigan na naging parte ng buhay nila...

"Naman kasi!! Bakit umalis kayong lima!...







Ang daya...








Ang daya daya nyo ang sabi nyo makakasama pa namin kayo!"-Gale punong puno ng lungkot ang kanilang mata habang nakatanaw sa langit...

Ang limang prinsepe na nagtama ng sugat at galos sa kanilang katawan ay tahimik lamang na nakamasid ngunit hindi maipagkakaila at makikita sa kanilang mga mata ang pangungulila at hinagpis...

"Ate hindi ka na ba talaga babalik?"- Jaze




Kahit na nanalo sila laban ..



bakit pakiramdam nila ay talo pa rin sila? Bakit parang may kulang pa rin sa kabila ng pagkapanalo nila?




Paano sila... Kung ang nagtaya ng buhay para manalo sila ay wala na...

"Salamat Ashley.. sana ...











sana nandito ka pa rin" tumigil si Night sa pagiyak at ngumiti sa langit...

"Balang Araw... Balang araw magkikita ulit tayo"

















*********************

Ashley's POV

"Wahhh tanghali na!!" Nagmamadali kong inayos ang sarili ko at bumaba na... Yahhh!! malalate na ako.. hindi ko na inayos ang sarili ko kahit mukha akong bangag sa kanto..arghhh kainis naman oh..

Paglabas ko ng gate ay nakita ko si Ven kapitbahay ko sya

"Ash!! " Ngumiti lang ako sa kanya at nagsimula na ring tumakbo...

"Wahhh Rysen malalate ka na bilis na!!!" nilingon ko yung babae at nakita ko yung kulay nya ng buhok nya.. teka  hazel nut? Ang taray ni Ate..

Ano ba yan Ash bilisan mo na!!

Binilisan ko ang pagtakbo ko pero bago yon magpapakilala muna ako Ash Anderson!! Yun ang pangalan ko wala akong kasama sa bahay na hindi ko maintindihan basta nagising ako at boom.

Ako lang ang magisa  hindi ko alam kung paano ako nabuhay ng walang nagaalaga sa akin, naghalungkat ako sa buong lugar at nakita ko ang ilang uniporme, ID at birth certificate nakalagay na doon.

Nagtatrabaho ako para matustusan ang pagaaral ko.. pero bago yon... Tama na..

Malalate na talaga ako!!

"Yaaahh!" Napahawak ako sa pwet ko ng may mabangga ako nagsorry sya sa akin at tinulungan akong tumayo ng makita ko sya ay nagulat ako.. wait naka contact lense ba sya?

Bakit kulay pula ang mata nya?

"Ria tara na!!" Nakarinig ako ng may nagsalitang babae tinutukoy nya ata yung nakabangga ko..

Nagsorry ulit sya sa akin pero agad ding umalis..

"Ayan na nga Chade!!" Napakamot na lang ako ng ulo ko at sinimulan ng tumayo ... Haist ano pa ang point ng pagtakbo malalate din ako...

"Need a ride?" Napalingon ako sa nagsalita na nakasakay ngayon sa kotse what the-- ang pogi!! ..

Ngumiti na lang ako at tumanggi ...hindi ako sumasakay sa di ka kilala

Pero nagpumilit lalo ito kaya wala akong nagawa, nakarating naman ako sa school at nagpasalamat dito..

"Thank you nga pala ahmm-?" Bahagya itong ngumiti sa akin

"Light" ang weird ng pangalan nya..





"Thank you Light"



"Always welcome"

Tumango na lang ako at nagsimula na ulit tumakbo pero agad akong napatigil ng may naalala ako.

bahagya kong hinawakan ang dibdib kung saan naroon ang puso ko ng bahagya itong kumirot..bakit ang bigat ng pakiramdam ko...

Bakit ang naninikip ito nang makita ko ang mga taong yon?

*****************
Light's POV

Napabuntong hininga ako ng makita ko syang tumakbo palayo na sa akin agad ko namang tiningnan ang kasama ko sa likod.... Nakakunot din ang kanilang noo pero makikita mo ang lungkot dito..

"Bakit hindi na lang natin pabalikin ang alaala nila?"- Green

"Mapapahamak lang sila Green"- Ako

"But we can protect them now"- Red agad naman akong hindi nakapagsalita pero ito ang kagustuhan ni Ashley... Gusto ko rin naman syang mabuhay ng tahimik

"Meron na nga tayong kapangyarihan o!"-White

"Wala na ring kalaban... Light hindi habang buhay maitatago natin sa iba na buhay silang lima"-Blue hindi pa rin ako nagsasalita...

Dapat na ba naming ibalik ang alaala nila?

Napatingin ulit ako sa kanilang lima mula sa malayo kahit hindi nila masyadong kilala ang isa't isa at hindi pa sila magkakasama sama alam ko na masaya sila... Sino ba ako para putulin ang kasiyahang iyon..

"Hindi natin gagawin yon...

Alam kong dadating ang araw babalik sila...





Babalik sila para ipagpatuloy ang sinimulan nila"









The End

***********************************

Crystal Academy (school of magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon