Venice's POV
Napahinga ako ng malalim at napatingala,nawala si Brysen. Nawala sya ng hindi man lang namin sya naproprotektahan..
"Hindi--- HINDI!!" Napatingin ako kay Green at tiningnan din nya ako..
"She set me free.. wala akong nagawa!! Fvck this!" Pinunasan ko ang gilid ng mata ko...
She set him free..
Malaya na si Green...
"Blue?"
"Master"
"Kung gagawin ko yon? Okay lang sa iyo hindi ba?"
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa paninikip nito pakiramdam ko mahihirapan na akong magslaita dahil sa pagbabara ng lalamunan ko at pagpipigil ng meosyon na nararamdaman ko
"Ha?! No! Hindi mo yan gagawin!! Ayaw ko"
"Blue magiging malaya ka na!!"
"At pag naging malaya ako wala na akong maproprotektahan!!!" Napatigil naman ako sa sinabi nya at tuluyang hindi nakapagsalita...
"Please Venice wag mong gagawin yon ha?" Hindi na ako sumagot at tumingin na lang sa kalaban namin.. hindi ko inaasahan na muli ko pa silang makikita...
"Taz and Drake..." Lumingon silang dalawa sa akin at makikita ang wala nilang buhay na mata...
"Venice nakapagthank you na ba ako sa iyo?" Napataas ako ng kilay sa sinabi ni Chade pero sya ay nanatiling nakatingin sa kalaban
"Ano ba yang sinasabi mo?" Napatingin din sya sa akin at umirap na..
"Don't play stupid pkay? Alam mong--
Mawawala din tayo" napahinga ako ng malalim at tiningnan sya
"Kung mangyayari yon magpapakasweet na ako sa iyo.. Ven.. thank you sa lahat ha? Kahit na mataray ka? Alam kong hindi mo ako kinaibigan dahil lang sa wala kang malapitan bukod sa akin naging totoo ka.. sana sa pangalawang buh---"
"STOP!! Tama na! Chade whatever happens nandito kaming lahat para sa iyo hindi lang ako, okay? Hindi ka nagiisa nandito kami nila Ashley!!" Ngumiti sya ng pilit sa akin at kahit na anong sabihin ko at kahit anong pagtatapang tapangan ko... Alam kong huling laban na namin ito, nakasulat na sa Crystal book..
Nakatakda kaming mawala at mamatay mailigtas lamang ang mundong kanilang ginagalawan. Alam ko na iyon at hindi na ako aasa pang makikita ko ulit ang mga ngiting minsan ng nagpatawa at nagpakilig sa akin.
"Sino ang pipiliin nyo?" Napalingon kaming dalawa kay Night
"The kings and queens" tumango tango ito at malademonyong ngumiti sa amin..
"Pero kapag natalo kayo mamatay sila..." Napahinto ako saglit,dalawa kami pero natalo na namin dati sila Taz at Drake magagawa naman ulit namin yon hindi ba? Nakasalalay dito ang buhay ng hari at reyna. Tumango kami sa sinabi nya as if we stil have a choice...
"But before that para naman hindi ako magmukhang kontrabida magpaalaman na kayo baka makatulad kayo kanina. Alam nyo na" sinamaan ko sya ng tingin pero ang gaga ngumisi lang sa akin
"Guys!" Niyakap naming dalawa ni Chade si Ash at si Zharia.. tangna mamimiss ko ang dalawang ito..
"Mabubuhay kayo ha?" Hindi namin sinagot ang tanong ni Ashley wala ng kasiguraduhan ngayon, wala na..
Akmang babalik na kami sa laban ng may humatak ng kamay ko...
"Venice" napalingon ako sa nagsalita at hindi ko maiwasang magulat..
BINABASA MO ANG
Crystal Academy (school of magic)
FantasyI like the world I live with... pero sa isang iglap nagbago ang lahat .... isang pangyayari na Hindi inaasahang magaganap.... At mapunta sa mundo kung saan ang mahika ay posible at nagagamit.... Makakayanan ko kaya ang pagsubok na ibibigay nila sa a...