Chapter 14- Brysen

2.7K 77 1
                                    

Brysen's POV

Pagbukas pa lang ng pinto ay hindi ko alam kung papasok pa ako o hindi

P*cha!

Naman oh! Sino namang tao ang gustong mamatay ng maaga sa loob ng pinto na yan?!!

"Master Brysen wag kang magalala kasama mo naman ako!" Tumingin ako ng masama kay Green na nakapamulsa pang nakatayo sa gilid ko. Kaya nga mas lalo akong kinakabahan eh.

Kanina pa ako nagtataka pero bakit ganon ang suot ng lalaking toh sabihin na nating sandata sya pero naka long sleeve green shirt at ripped jeans! Maporma si Kuya ha?!

"Kaya nga ako kinakabahan dahil kasama kita!!" Nagkibit balikat lang sya at hinila ako pero pilit ko naman syang hinila pabalik... Juskeli naman oh time freeze muna!! Anaknang  hidni talaga maganda ang experience ko sa liwa liwanag na yan eh!

"Brysen ano ba?! Babanatan kita riyan kapag hindi ka lumabas!!" Natigilan ako ng may marinig akong pamilyar  na boses. Naramdaman ko na lang na kusa akonv bumitiw kay Green At parang nagkaroon ako ng sariling isip ang paa ko at nagpatuloy sa pagpasok sa pinto..

Isang malakas na hangin ang dumampi sa akin at bigla na lang may pumatak na luha mula sa mata ko...

Paano?



Bakit?



Nilibot ko ang tingin ko at napansin kong wala si Green...

Ibig sabihin ba non panaginip lang ang lahat?

Nanaginip lang ako?

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang ngiti ni nanay at lumapit sa akin..

Hinawakan ko pa ang katawan ko at kinurot ang braso ko

"Ouch... Totoo nga" anaknang totoo nga. Arghhh ano ba yung panaginip na yun? Pero bakit? Napalingon ako kay nanay na malapit sa kama ko. Bakit di maganda amg pakiramdam ko?

Hayyyy ano ba ang nagyayari sa akin?

"Anak bumaba ka na at handa na ang hapunan natin..." Nakangiting sabi ni nya na labis kong ikinataka

May kakaiba...

Panaginip lang ba ang lahat?

*************
Bumaba na ako at napansin ko ang dalawang plato na nakahain sa mesa  bakit wala ba si Sean at si Tatay? Bakit dalawa lang ang plato? kakaiba talaga ang nararamdaman ko at masama ito...

"Nay nasaan si Sean pati si Tatay?"

Kumunot ang noo nya at bigla na lang syang ngumisi at tumawa na nagpataas ng balahibo ko...

"Hahahahaha ano ka ba Brysen sino ba si Sean? Atsaka matagal ng patay ang tatay mo...Gising ka na ba talaga?" Ako naman ngayon ang napakunot ang noo at lumayo sa kanya na ikinataka nya...

Hindi...

Ibig sabihin sila Ashley? Yung Crystal Academy?

Yung pagsubok ko kasama si Green...

Crystal Academy (school of magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon