Chade's POV
Isang word lang ang nararamdaman ko....
Excited!...
Hindi ko alam kung na aabno ba ako o ano pero gusto ko talagang pumasok sa loob ng pagsubok na yon pero sa tuwing tatanungin kung sino ang kasunod eh parang di na ako makapagsalita at nagiimagine na lang kung ano ang mangyayari pag pasok ko sa loob hayysstt...
Ilang minuto lang pagkatapos pumasok nila Venice sa loob ay lumabas ito at katulad na rin ni Brysen bitbit din ito ni Blue at halata mo ang pagod sa kanilang dalawa...
"Ngayon... Sino ang gustong sumunod?"
At bigla na naman akong natigilan kung pumasok kaya kami sa loob ng pinto na yan ano kaya ang magiging pagsubok ko?
Natigilan na lang ako sa pagiisip ng biglang may humila sa kamay ko at nang lingonin ko ito ay nakangiting si White ang nakita ko...
"Tayo na ang sumunod..."
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya
"White sumunod lang walang TAYO..." Tumawa lang ito at hinintay na naming bumukas ang pinto wahhh eto na talaga!!
Napapikit ako sa liwanag ng magbukas ang pinto hanggang sa naramdaman ko ang pagkawala nito kaya inti unti akong dumilat...
Bakit madilim?
Bakit wala akong gaanong makita?
"Hello?! White nasaan ka na?!" Narinig ko ang pag echo ng boses ko sa lugar kaya alam kong nasa loob ako ng kweba sa dinamidami ng pwede naming puntahan bakit dito pa?
Kung saan madilim?
Masikip?
At ako lang mag isa?
Kala ko matutuwa ako sa pagsubok na binigay sa akin pero bakit ang bigat ng dibdib ko?
Pakiramdam ko maiiyak ako...
Biglang humangin ng malakasang at biglang nagkaroon ng malakas na tunog ng pagbiyak ng bato mula sa taas..
napayuko ako at tinakpan ng kamay ko ang ulo ko nakarinig ako ng nagbagsakang bato kasabay non ang pagkaroon ng liwanag na nanggagaling sa buwan...
Napakalamig dito ramdam na ramdam ko ang simoy na hangin na bumabalot sa katawan ko...
Ayoko na ....
Kahit napakaaliwalas ay pakiramdam ko ay hindi ako makahinga ...
Unti unti kong naramdaman ang mabilis na paggalaw ng hindi normal na hangin at pumalibot ito sa akin dahilan para mahirapan akong huminga...
Para itong buhawi na unti unting kinukuha ang hangin sa katawan ko...
Tama na tama na...
Patuloy ang pag agos ng luha ko...
Naramdaman ko ang paglutang ng katawan ko hanggan sa makaramdam ako ng sakit ng likod...
Nagkaroon na naman ng malakas na hangin at unti unti na namang nagsilaglaggan ang mga bato kaya napasigaw ako ng maipit nito ang paa ko...
Patuloy ang pagiyak ko sa sakit pilit kong tinatanggal ang bato pero masyado itong mabigat
Nakarinig akong isang nakakakilabot na tawa kaya tinigil ko ang pagiyak ko at sinubukang aninagin ang tumawa na iyon pero hindi ko magawa
BINABASA MO ANG
Crystal Academy (school of magic)
FantasyI like the world I live with... pero sa isang iglap nagbago ang lahat .... isang pangyayari na Hindi inaasahang magaganap.... At mapunta sa mundo kung saan ang mahika ay posible at nagagamit.... Makakayanan ko kaya ang pagsubok na ibibigay nila sa a...