Chapter 15- Venice

2.4K 68 0
                                    

Venice's POV

Para kaming tangang apat dito  na hindi mapakali habang yung mga sandata namin eh parang naghihintay lang ng recess...

"Okay lang kaya si Brysen? Wala namang sigurong sugat diba?"- Chade

Napairap na lang ako sa sinabi ni Chade kaya napatingin sya sa akin...

"Hindi ko alam kung nagtatangahan ko o ano Chade Pintong punong puno ng pagsubok ang pinasok ni Brysen tapos sasabihin mo kung wala syang sugat?!" Napairap sya sa akin at hindi ako pinansin nakita ko sa Ashley na nakakuyom ang kamao habang nakatingin sa pinto...

Nagulat kami ng bigla itong lumuhod kay Light at umiyak...

"Light itigil mo na toh please..nagmamakaawa ako" itinayo sya ni Light at umiling ...

Ano ba ang nangyayari

'Si Light ang kumokontrol ng pagsubok nila Brysen'-Zharia

At talaga nga naman oh!

Pigilan nyo ko pigilan nyo ko! Makakasira ako ng espada!

Lalapitan ko na sana si Light at bibigyan ng malabagyong sapak ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa sila Green at si Brysen na buhat buhat nya halata ang pagod na nakikita ko kay Green at hindi ko maiwasang magalala kay Brysen kahit nakikita ko na wala itong galos kahit na ano...

"Haysstt salamat at buhay kami!" Nakangising sabi ni Green kaya napairap ako...

Ano ibig nyang sabihin don? Nabubwiset na talaga ko ha!

"Sino ang gustong sumunod?" Bigla namnag napakuyom ang kamao ko ng marinig ko si Blue na nagprisinta...

Kaya agad akong promotesta...

"Hindi..No...Ayoko...Iba na lang ang mauna..." Napangisi naman yung Blue kaya lalo akong nainis at lumapit pa ito sa akin at bumulong

"Tingnan mo nga naman parang kanina lang gustong manapak pero ngayon parang bata na nagtatago sa ipis.." Napataas ako ng kilay sa sinabi niya magsasalita pa sana sya ng pigilan ko sya...

"Oo na kami na ang mauuna nakakahiya naman dito sa magiging kasamahan ko at inip na inip na..." Sarcastic na sabi ko na nagpangisi kay Blue sana hipan ka ng masamang hangin...

Tumapat na kami sa pinto at bumukas ito kaya napapikit ako sa liwanag...

Bigla na lang akong napamulat ng bigla na lang nakaramdam ako ng kakaiba...

"Wahhh!!!" Bigla kong tinakpan ang bibig ko...

Pucha bakit nasa ilalaim kami ng tubig?!

Crystal Academy (school of magic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon