Nabigla si Gene nang makita si Karmit na kasama ng magpinsan buong akala nila na kapatid ni Ivan Camello ang tutulong sa kanila yun naman pala ay hindi magpapakita ang sinasabi nito na kapatid. Si karmit ay kapatid ni thalia. Nakadikit siya sa dalawa hanggang matapos ang pamimigay namin ng mga relief goods.
Inabot niya ang bayad sa binibini saka umalis tapos nakarinig siya nang kalabog sa hindi malaman na dahilan kung saan nagmula.
Pinagbuti ko ang pakikinig sa kabila ng ingay sa kinaroroonan ko ngayon.
Nawala ang tunog..
Maski yata ang teynga ko mayroon nang deperensiya naglakad lang siya na hindi tinitingnan ang paligid kaya hindi ko namalayan na malayo na ang inabot ng mga paa ko. Sa pagsunod lamang ng tunog na naririnig ko.
Anong lugar ito? Nasaan na ba ako? ,,tumingala ako sa langit napansin ko na biglang dumilim ...
Mayroon bang eclipse na nangyari na di ko namalayan?
Natanaw ko na may bahay sa di kalayuan mula sa akin kinatayuan ..
Tao po tao po tao po may tao ba riyan sa loob? Ang malas mo gene ,uulan pa yata nasaan na ba ako? Bubuksan ko na sana ang pinto nang---
Hindi ka lang pala magnanakaw,akyat bahay ka rin? Habang tumatagal ka sa lugar namin halos nadadagdagan ang nagagawa mong nakakairita. Masakit ka sa mata?
Hindi ako magnanakaw at akyat bahay paliwanag ko ..
Ngingisi-ngisi lang itong kaharap ko.
Teka nga bakit nandito ka? Naubusan na ako ng pasensiya para sa lalaking ito.
Sinusundan ka ano pa nga ba? Saktong naabotan ko iyang nais mong gawin.
Bakit?
Sa utos ng pinsan ko.
Napaisip akong bigla bakit ganoon na lang kung mag-alala si arizia na iyon sa akin,kapag kaharap ko halos ayaw akong tingnan.
Iiwanan kita ng babala huwag kang lumapit sa panganib dahil hindi lang ikaw ang puwede mapahamak kundi pati iyong mga kasama mo. Ingatan mo si Magnet kung ayaw mong magalit si key sa'yo sa oras na mapahamak ang espiritu niya.
Umuwi kana bago umulan at matulog ng mahimbing. Nang sabihin niya iyun iniwan siya. Itatanong niya pa sana kung sino si magnet? At bakit mayroon mapapahamak na espiritu??
⏺️⏺️⏺️
Kinahapunan;Naghintay kami ng sundo dahil ngayon gabi na ang aming balik sa manila sa wakas makakauwi na rin kaunting hintay na lang..
Tinapunan niya nang tingin ang puwesto nila ni Keyses at Ranny natawa siya sa ginawa ni keyses sa cellphone ni Ranny hindi magawa nang kaibigan niya na magalit ng matindi rito.
Dumating na rin ang bus na maghahatid sa amin pabalik kami na lamang magkakaibigan ang naiwan iyong iba pa namin na kasama papunta dito nauna ng umalis kahapon pa. Pasakay na sana kami pinigilan ni Thalia si ranny.
Salamat naman naabutan ko pa kayo may ibibigay ako tanggapin nyo ito bilang pasasalamat na rin mabisa iyan sa hilo binigyan sila ng tig-iisa isang gamot, mabilis ang epekto niyan kaagad kaya bago kayo sumakay inomin nyo muna na agaran namin sinunod.
*********Arizia @ Jared POV *****
Jared ? Tawag ko dito pero ang tinamaan ng magaling hindi man lang ako pinansin nagtampo pa yata ang pinsan ko.
Lumapit ako iyong mas malapit pa sa kanya sinundot ko ang tagiliran nito at ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya habang nakatalikod ito kunwari abala wala naman palang ginagawa.
BINABASA MO ANG
The Story Of Zomberus
Mystery / Thriller25 years inalipin ang bayan ng bulalacao ng mga lahing hindi tiyak kung saan nanggaling at ano ang kanilang pinagmulan. Sa mahabang panahon na kanilang pagpapagal. Nananatili pa rin ang pangingingain ng mga traydor na lahi at walang pakundangan kung...