41 --- NAGLAHO
POINT OF VIEW JARED
Kinurap niya ng mata dahil sa alaala na iyun!
Ginala ko ang mata sa paligid , malayo palang dinig nya ang papalapit na ingay at bulungan ng mga insektong inutusan nya para hanapin si arizia.
Nag-abang ako sa pagdating nila sa bungad. Finally !!! Dumating rin.
Sinundan nya sila hanggang sa pumasok ang mga ito sa loob ng sasakyan niya at ganoon din sya , pinag-maneho siya nila.
Anong pakiramdam na pinag-mamaneho ng mga insekto? Grabe wala akong masabi kundi bilib ako sa kanila. Hindi nya tuloy namalayan nasa harap na nila si arizia. At muntikan na nilang bungguin.
Mabilis syang lumapit sa harap nito at mahigpit nyang niyakap. Thank God bulong niya habang yakap ito. Hindi nito ibinalik ang yakap sa kanya dama nya ang elang nito. Hinawakan nito ang bisig nya at dahan dahan inalis. Tinitigan nya ito ng maigi sa mata para basahin ang nararamdaman nito. Dumako ito sa ibang direksyon.
Ayos ka lang ba? Tinitigan nya ito ng matagal hindi nito sinagot ang tanong ko kaya't nagtaka sya sa inaasal nito ngayon. Sinalat ko ang noo nito para sigurohin na wala itong sakit.
Nginitean sya nito ng pilit at hinayaan na lang din gawin nito iyon sa akin. Nasa likuran sya habang nakasunod rito hindi ako nagtanong pa kung saan sila pupunta. Tumigil kami sa isang factory, tingin ko pagawaan ito ng mga manika dahil sa nagkalat ng mga putol putol na parte ng katawan . Pumasok sila sa loob niyon pagdating nila sa loob sumalubong sa kanila ang maraming anti-bodies. Hindi ko inalis ang mata sa pagtitig rito sa kabila maraming anti-bodies ang nakaikot sa amin. Lumingon lamang ito nang mapansing hindi na sya nakasunod.
Hinawi ni arizia at inilayo isa-isa ang mga anti-bodies na nakaikot sa akin. Saka ito sumenyas na sumunod sya.
Hindi lang simpleng factory ito pagdating sa loob. Nakikita nya , mga hindi ordinaryong tao ang naririto iba't ibang nilalang. Meron mga taong halimaw , fairies , duwende , kapri , enkanto ,multo , bampera at lobo at higit sa lahat agaw pansin ang tarangkahan na nagsisigawan sa loob niyon. Puwersahan itinulak ni arizia ang pinto para buksan.
walang kahirap-hirap nitong nabuksan ang mataas na tarangkahan sa kabilang meron pumipigil mabuksan ito.
Tumambad sa kanila ang milyon-milyong ispirito. Hinahagupit sila ng matandang lalakeng puti' ang buhok. Halos lahat ng iyon ay humihinge ng saklolo rito Dumiritso sila sa ispiritong tahimik lamang sa isang sulok. Hinawakan ito ni arizia na mabilis nakawala agad sa palad nito tuloy-tuloy bumagsak sa baba ang ispiritong iyon. Hindi nila napansin ang pagkaroon ng bangin Humarap ito sa kanya. Nakikiusap.!!
Inuutusan ba sya nito na kunin ang ispiritong iyon na labis nyang pinagtakhan parang naiiyak ito. Bago pa man ako nakasunod meron ng humarang sa harap ko na biglang lumitaw lang . Isang nilalang na mayroon nakakatakot na hitsura.
Meron itong pitong ulo at kambal katawan meron din itong hawak sa kanang kamay ng latigo. At sa kaliwa naman nito ay dun nakasabit ang ispirito na kukunin ko mula rito.
Mag-ingat ka jared sabi nito sa akin. Seryuso hahayaan ako nitong lumaban sa higante. Ipapakain yata sya nito? Tumango na sya bago pa ako atakehin ng karuwagan. Takasan at iwan itong mag-isa. Gaano ba kahalaga ang ispiritong iyon para gawin akong pain nito pati ang sarili kong kaligtasan idadamay ng mabait nyang pinsan.
Pinagisa nito ang dalawang hawak na latigo at hawak naman nito sa kaliwang kamay ang ispiritong bola na ibig ipakuha sa akin ni arizia.
Kaya mo iyan ! Pampalakas loob ng pinsan nya. Naku!bubuhayin kaya ako nitong halimaw? pinag-isa nito ang latigo naging mahabang espada.
BINABASA MO ANG
The Story Of Zomberus
Mystery / Thriller25 years inalipin ang bayan ng bulalacao ng mga lahing hindi tiyak kung saan nanggaling at ano ang kanilang pinagmulan. Sa mahabang panahon na kanilang pagpapagal. Nananatili pa rin ang pangingingain ng mga traydor na lahi at walang pakundangan kung...