ANG ALA-ALA NA BUMABALIKPOINT OF VIEW Haruka :
2 days and 1 night hindi parin namin ni yuuan nahahanap si arizia bigla na lamang itong nawala. Sa harapan pa namin mandin naglaho ito. Nalilito rin ako qng anong pangalan ang itatawag ko sa babaeng iyon? malinaw naman sinabe non sa akin na arizia ang pangalan nya gaya ng pagpapakilala nong unang pagkikita namin. Ewan ko ba kong bakit napapangite ako sa tuwing naaasar ito , pakiramdam ko rin kilalang-kilala ko ito .
Umihip ang malakas na hangin, pakiwari ko pati ang hangin ay sumasang-ayon sa nararamdaman ko. Weird man isipin tela nakikipag-usap ang hangin sa akin at naiintindihan ko ang ibig iparating sa bawat paghampas nito.. tumingala ako sa langit kahit ito ay may hatid na kakaiba sa akin. Nakakakita ako ng mga nilalang na palutang-lutang. Mula naman sa kaliwang bahagi ng langit ay mayroon nagkukumpolang hangin waring nag-uusap-usap sila. Na aking lubos na pinagtatakhan, naiitindihan ko ang ibig nilang ipaabot sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata sa lakas ng hangin na papalapit sa direksyon ko. Bumuntong-hininga ako ng tatlong beses. Pagmulat ko , mayroon bolang hangin sa aking harapan walang pag-aalinlangang inabot ko ito , nagpaikot-ikot ang bolang hangin sa palad ko. Habang tumatagal ang pag-ikot ay may nararamdaman akong enerhiya na lumalabas mula sa loob. Sinubukan kong itagtag ngunit lalo pang dumidikit sa palad ko ang bolang hangin hanggang sa unti-unti akong hinihigop papasok sa loob ng bola. Nang nasa loob na siya namangha ako sa ganda at luwang.
Agaw pansin ang malaking salamin na malapit sa bintana. Nilapitan ko ito para lang mamangha at magulat. Sa halip na repleksyon ko ang aking makita , isang binatilyong lalake ang nakangiteng nakatanaw sa ilog.
Ano ito? Bulong ko. Sa tantiya ko ay nasa labintatlong taon ang batang lalakeng nakikita ko. Ngiteng-ngite ito habang sumasayaw ang hanging nasa kamay nito. Nagkakahugis to ng ayon sa ibig nitong mangyare. Marami pang ipinamalas ang bolang hangin nasa palad nito na nakikita nya ngayon napahinto lamang ang binatilyo ng mayroon sumigaw sa ilog. Dali-daling tumayo ito at tinungo ang ilog.
Raiku??? Tulongan mo ako? Iyak ng batang babae sa binatilyong lalake paglapit nito rito.
Anong nangyari sa'yo? Taka nitong tanong sa batang babae.
Ang ilog naging apoy bigla raiku!! Nasunog sila Moross at Flest tulungan mo sila raiku hikbi pa nito. Hanggang sa nawalan ng malay ang batang babae.
Hindi maintindihan ng binatilyong lalake ang kanyang gagawin. Hanggang sa lumitaw sa ilog na naging apoy ang Isa pang binatilyong lalake. Na namumutla ang mukha at takot na takot pagkakita sa nangyari sa batang babae na buhat ng binatilyong kasama nito.
Kita mong ginawa mo fire angil nito sa binatilyong nakatulala sa harap nila.
H--hindi k-ko s-sinasadya raiku. Ibig ko lang rin maligo na kasama si key-ses paglapit ko sa ilog bigla nalang naging apoy. Paliwanag nito.
Hindi ka kasi nakikinig binilinan ka na ng ating anyaku na huwag kang lalapit kay key-ses kapag mainit ang ulo mo. Nakita mo ang nangyari sa katigasan ng ulo mo angil pa nito.
Maghagis ka ng apoy paitas utos nito Kay fire.
Sumunod ito ng tahimik..
Gumawa ng maihihigaan ang batang binatilyo na gamit ang bolang hangin na nasa palad nito. Pagkatapos non ay inihiga nito ang batang babae na si key-ses.
Lumapit sa kanila ang fire na ayon rito sya ang may gawa kong bakit nawalan ng malay si key-ses.
Hanapin mo sila Moross at Flest utos nito kay fire.
BINABASA MO ANG
The Story Of Zomberus
Mystery / Thriller25 years inalipin ang bayan ng bulalacao ng mga lahing hindi tiyak kung saan nanggaling at ano ang kanilang pinagmulan. Sa mahabang panahon na kanilang pagpapagal. Nananatili pa rin ang pangingingain ng mga traydor na lahi at walang pakundangan kung...