Kabanata 20

63 13 0
                                    

Balita;

Totoo bang lahat ng nakita natin? Aniya at hindi makapaniwala ang dalawang taong naging saksi kani-kanina lang ng lahat. Hindi nila mapaniwalaang may nakaharap silang nilalang na kayang pumaslang ng katulad nila. Sila na mula sa lahing Zomberu? Lahing walang kamatayan.

" Walang taong sinumang may kakayahan kumitil sa isang iglap lang sa mga katulad natin! Tayong mga halimaw na likha ng ating  panginoon ay walang kamatayan. Hindi pa rin nila makonbinse ang kanilang mga sarili sa nasaksikhan.

Hindi siya tao! Kontra ng ikalawang saksi. Walang nilalang na makagagapi sa ating lahi ng basta-basta. Nilikha tayo ng walang kamatayan dagdag pa nito sa kausap.

" Nakita mo naman ang lahat ng nangyari? Pinatay nya ng hindi siya naghihirap ang ating mga kasama. Pinagulungan lang ang ating mga kasamahan ng sibat natusta na silang kaagad!. Tapos meron din siyang kapangyarihang maglaho gaya ng ating hari. " Kamukha niya rin ang nahimatay na babae.

" Ang mas nakakagulat sa lahat ang gintong lalaki ay isang prinsipe. May prinsipe sa mundo ng mga tao? Hindi ba't pinaslang na natin lahat ang mga anak na prinsipe ng mga hari sa buong Andara Zum. Paano nangyari na may nakaligtas?

Malay ko!

" Kailangan malaman ng hari ang lahat ng naganap dito? Tanging ang ating Hari lamang ang makasasagot ng ating mga nalaman.

Sandali! Awat ng Zomberu na may pangil sa kaliwang bibig.

Bakit? Nagtataka naman itong nagbaling ng tingin sa kasama.

Sino ang magsasabi sa atin sa Hari? Aniya. Nangangamba ako sa ating kaligtasan baka tayo ang mapagbalingan ng galit sa oras na malaman ang ating kapalpakan dito. Natatakot akong pumanaw bigla tapos mapunta ang aking dungan sa elastika at parusahan ako roon dahil sa pagtakwil ng sarili natin lahi. Mas malupit ang kaparusahan sa daigdig na iyon! Sabi sabi pa nga na piniprito ng buhay ang mga nilalang na walang pagkakilanlan roon ng kanilang pinuno.

Ang dami mong sinabi? Ni isa wala akong nasundan!. Puwedeng ulitin mo from the top.

Grrr! Ako ng magsasabi sa ating Hari. Alam kong ako pa rin naman ang gagawa!. Tayo ng umalis. Gamit ang liwanag mula sa kamay nila nabuksan ang lagusan.








Ang aninong si Nicsxon hindi matahan sa pagkakatayo habang nakatitig sa katawan ng kanyang panginoon. Walang maisip ng paraan at kung paano siya makakatulong.

"Naglabas si Nicsxon mula sa kanyang palad ng kapangyarihan para lumikha ng bahay sa mabilis na paraan. Nagpakawala siya ng batong buhay sa lupa para maitago ang presensya ng kanyang panginoon sa mga ligaw na kaluluwa na nagkalat sa buong kagubatan. Matapos gawin iyon ni Nicsxon inihiga niya ito sa nilikhang papag.

" Anong gagawin ko sa inyo? Bulong niya sa teynga nito. Patawad panginoon hindi ko ibig maghirap kayo ng ganito kung alam ko lang ito ang mangyayari hindi ko na sana ginawa. Hindi ko gustong maghirap kayo ng ganito? Masaktan man kayo napigil ko sana ang aking sarili gamitin ang hindi akin. Hindi na sana ako nangealam pa? Patawad! Namaslisbis ang luha niya. Paano kita matutulungan? Sabihin mo? Hindi ko siya kayang gamotin lalong nanggaling lang ako sa kanya. Nalulungkot si Nicsxon isipin ng hindi nya magawang matulungan ang kanyang panginoon. Nasa ganoon pag-iisip si Nicsxon ng dumating si Markus. Tulad nya na isang shadow.

"Ano ang nangyari sa kanya? Kahit ito kababakasan ng pag-alala. Sinalat ni Markus ang malaking hiwa sa leeg nito at galos sa mukha. Sinubukan din nitong gamotin ang panginoon niya sa pamamagitan ng liwanag na nagmula sa buwan ngunit walang nangyari. Pinagsama nilang dalawa ang nalalaman nila sa paggagamot wala din nangyari hindi pa rin ito nagigising.

The Story Of ZomberusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon