Chapter 33

52 15 0
                                    

Susi



Nagsisigaw sila ng lamunin ng liwanag na iyon . Sumigaw man sila walang makakarinig at ibig tumulong sapagkat ang mga tao na nakasaksi ng lahat naganap ay magteteyngang-teyngang kawali dahil sa takot na sila naman ang pagbalingan hindi ng halimaw kundi ng kinauukulan.




Parang sakay ka ng isang roller coaster ang Sinuman lamunin ng liwanag na iyon. Hindi sya tulad ng lagusan na inaakala ng lahat na kapag nakapasok ay magiging ligtas ka sa loob. Ang liwanag na lagusan ay pagmamay-ari ng makapangyarihan yawu gumawa sya ng sariling daraanan para sa kanyang mga nilikha. Ang lagusan ay may iba't-ibang kakayahan sa mga nais magtangka na alamin ang hiwaga non at pumasok na walang pahintulot ay malagim na kamatayan ang sasapitin.



Ngunit ang may mga dugong Zomberus ay malayang pumasok sa lagusan dahil ginawa ng yawu yon para sa kanila , ang Sinuman Zomberus ang malagay sa kapahamakan habang nasa barrier na liwanag ay may kakayahan tawagin at utusan ang liwanag na iyon upang sila iligtas at alisin sa kanilang sitwasyon na kinaharap.



Nagsisigaw silang lahat ng lamunin ng puting liwanag na iyon na hindi nila alam qng saan nangggaling at qng bakit sumulpot bigla sa kanilang harapan. Napahinto sila ng nasa loob , kadiliman ang sumalubong sa kanila .ang tanging liwanag lang nasa kanilang katawan na nakapalibot ang syang gamit na ilaw sa dilim. Kahit sila ay nagtataka qng bakit meron ganoon sa kanilang katawan. Waring alam rin ng barrier na iyon qng saan sila dadalhin.




Bumukas ang malaking tarangkahan sa kanilang tatlo.


Carrison palace basa ni james sa arko nasa kanilang harapan.


Nasaan ba tayo? Tanong ni katherine habang ang mga mata ay abala sa pagmamasid sa paligid.


Nagkibit balikat ang dalawang lalaki na kasama niya.


Mayad pag sirang sa kanyu? ( Magandang araw sa inyo? ) Napatalon sa gulat si Katherine kay james habang naka-angkala paharap dito.


Balaw kamu taga-atay? ( Hindi kayo taga-rito? )


Hindi po namin kayo maintindihan- Katherine. Mag-english po kayo dagdag pa niya.



Nasa harapan naman nila ang hindi rin sila maintindihan qng pagbabasehan ang expression ng mukha nito. Kahit ito ay naka-maang sa sinasabe din nila.



Nagsalita na lamang sila sa pamamagitan ng pagsenyas baka sakali magkaintindihan.


Sumenyas si james sa pamamagitan ng pagtuturo sa arko na nakatayo sa harapan nila ngayon.


Tumango ang kanilang kausap. Pagkatapos non ay nakangite na itong tumalikod sa kanila. Sumunod sila dito na ikinatigil nito sa paghakbang.




Sumenyas ito na huwag sumunod sa kanya. Nang hindi nila sinunod kumaripas ito ng takbo palayo sa kanila hinabol nila ito kaso sa bilis nito tumakbo hindi nila nasundan.


Nasaan ba tayo? Saan ba parte ng bansa tayo dinala ng puting liwanag na iyon aniya ni katherine habang humihingal.



Mas mabuti na to keysa naman lapain tayo ng mga halimaw na iyon, gawin pa tayong Karne Norte -james.


Samantalang si jaeson ay walang pakialam sa mga nangyayari ,tahimik at tulala habang nakatingin sa malayo. Ramdam nya ang kirot sa kanyang puso sa sinapit ni Cindy at ng iba pa nilang kasama. Hindi man nya minahal si cindy dati nong mag-on pa sila pero sinubukan nya parin ang babae na tanggapin ito sa buhay nya kahit na madalas parang napipilitin na lang sya na pakisamahan ito.



Hindi nya maintindihan ang sarili qng bakit Di nya magawang mahalin ito.



Hanggang sa may matanaw silang maraming hukbo na palapit sa kanila.



Napaurong sila. Kasama ng binatilyo na kanilang kausap kanina ang hukbo na papalapit sa kanila.



Lumapit sa kanila ang lalaking matipuno na may hawak ng asul na sibat.


Kunot-noo at nagdududang tingin ang ipinapakita nito sa kanila.



Wari may sinasabe dito ang binatilyo habang kaagapay sa paglalakad.


Tumango-tango ang may hawak ng asul na sibat .saka mag-isang lumapit sa kanila.



Sumenyas ito sa mga hukbong nasa likuran. Hudyat yata iyon para sa paglapit. Dahil pagkatapos non ay may lumapit na sampong lalaki sa kanila.. pigil sila sa magkabilaang balikat habang Isa-isa nilang pinilit iyuko ang kanilang mga ulo.kahit si Katherine na babae ay Di nila sinanto. May qng ano silang hinahanap sa kanilang batok.



Nagpapalag-palag sila sa higpit na pagkakahawak sa kanila.


Sino kayo? Tanong nito.


Hay!! Salamat may makakaintindi sa amin ani katherine.


Ako si Katherine iyang dalawang itlog na kasama ko si jaeson at james .Hindi namin alam qng paano kami napunta dito. At natatandaan ko lang kinain kami ng liwanag n
Pagkatapos dito na niluwa.



Base sa inyong kasuutan ay mula kayo sa mundo ng mga tao ,qng titingnan naman ang inyong hitsura isa kayong Zomberus. Pero imposible naman ang sapantahang iyon dahil ang alam ng lahat wala ng puro Zomberus ang natitirang buhay sa mahabang panahon. Marahil mga ispiya kayo na pinadala dito sa carrison palace upang magtiktik. Mga kawal dakpin sila at dalhin sa piitan. Malalagot tayo kay haring Silvester kapag may manggulo sa kasiyahan na darating.



Hindi na hinayaan pang muli makapag-salita ang pinag-hihinalaan ispiya .kinaladkad sila ng mga kawal at sapilitang sinadlak sa kulungan ng mga leyon.





Pov another person





Huli na siya nakarating sa pintuan ng lagusan dahil naunahan na sya ng mga kawal ng palasyo makuha ang pinasusundo sa kanya ng kanyang panginoong xerxes. tinanaw na lang niya mula sa malayo ang mga kabataan na sana ay kanyang sasalubungin upang dalhin sa kaharian ng DAYARA KEY-SES na itinayo ng nakababatang Kapatid ng panginoong xerxes. Mahigpit na Ipinagbilin ni panginoong xerxes na madala nya kaagad sa kaharian ang mga batang iyon.


Ano ang gagawin ko?



Mas mahihirapan syang makuha ang mga ito pagsapit ng gabe.


Kabilin-bilinan ng panginoong xerxes na madala nya ang mga ito sa kaharian bago sumapit ang alas sais. Sa pagkakatanda nya mapapahamak raw ang mga carrison palace sa oras na magpalit ng anyo ang mga kabataang iyon.




Ngunit kata-taka naman iyon samantalang qng titingnan ay mga tao sila .bakit ganoon nalang mabahala ang kanyang panginoon. Anong meron sa mga taong iyon kahit sya nasasabik malaman.



Another point of view sa isa pang nakasaksi ng lagusan.



Saan nila dadalhin ang mga taong iyon ? Bakit galing sila sa loob ng puting liwanag hindi ba't ayon sa kwento mga puro Zomberus lamang ang nakakatawid sa daraanang iyon. Hindi kaya mga Zomberus sila ? Sa isipin iyon dali-dali lumisan ang aninong iyon patungo sa panginoon niya na may hatid na ulat sa kanyang nasaksihan. Nais nyang mapabatid sa panginoon na may Zomberus sa palasyo ng carrison para sa ganoon ay mapaghandaan nila ang paglusob sa palasyo upang paslangin ang mga zomberus na nahuli ng mga kawal.






Puputulin ko muna mga tapat qng readers sa next chapter ko na lang itutuloy .. humihinge ako ng paumanhin sa maikling update na sinulat ko. Sorry 1kx .. do vote and comment .thank you muuahhh. Keep on Reading guys.


The Story Of ZomberusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon