Rise POV
Hindi ko maintindihan kung anong klaseng pag-ibig ang lumukob sa akin. Pakiramdam ko gusto kong pumatay ngayon at patayin ang kahawakan ng kamay ni Andrev galing sa puwesto ko live na live ang landian nilang dalawa. Nakakaramdam ako ng matinding inis sa babaeng kakilala pa lang nila kung tutuusin wala naman itong ginagawa sa kanya. At choice naman din ni andrev kung sinong gusto nitong kausapin saka hindi kasalanan ng babae kung maganda ito at cute lang ako!. Naiinis lang ako!! Aah! ano nga ang name niya? Ganoon na ba ako kainis dito na kahit name ng babae nakalimutan ko.
"Ano naman sa'yo kung niyakap ito ni andrev ha? Kayo ba? Kausap niya sa sarili .
" Hindi." Sinabi ko ba ! Kuwan kasi ganito! Ang akin lang naman ngayon lang silang nagkita at nagkakilala pero kung umasta ang andrev na iyan ay wagas. Hindi pa naman end of the world pero iyong drama niya kanina pang katapusan. May pahawak-hawak pa sa pisnge na animo'y close sila.
" Selos lang iyan!. Aminin mo na kasi isa ka rin sa mga babaeng naghahabol at nag kakandarapa kay Andrev. Huwag mong itanggi iyon? Diba nga? Elan taon mong tinipid ang sarili mo mula sa allowance bigay ng tita Abby mo para makabili ka lang ng digicam. At ginamit mo iyon sa patagong pagkuha ng mga litrato sa lalaking iyan?. Daig mo pa ang stalker noh? pati lahat ng account niya sa social media like fb, instagram, twitter, tumbler, tiktok at marami pang iba walang sablay mong hinahalungkat at kung anu-ano rin ang pinadadala mong regalo at greeting cards kahit di naman niya birthday. Laging ikaw ang una. Unang mag like at heart sa mga post niya kahit di naman dapat. Ang pinakamalala pa ha? Gumawa ka ng ibang account para masabi mo lang sa kanya kung gaano ka kahibang."
" hep-hep -oo na bah! awayin ba naman ako ng mismong sarili niya kabaliwan naaa!! "
"Pero totoo naman nagawa ko ang lahat iyon kasalanan ko bang mainlab ako ng ganoon kaaga. Si tita kasi hindi ako ini-inform na may pamangkin pala ang asawa nito na kasing guwapings ng crush ko. Tinamaan pa ng toknineng araw-araw ko itong nakikita. Kaso ni tingnan ako ng deretso sa mga mata ko ay di nito magawa. Tapos alangan din ako dito sa maraming bagay.
Nung unang ipakilala ako rito ni tita dun palang alam kong hindi na niya ako magugustuhan. At hindi ang teypo ko ang magpapainlab sa isang Andrev.
" Kahit ng ipakilala ako ni tita Abby ko kami sa isa't isa ni hindi ako pinansin parang wala itong nakikita araw-araw. Magkasama nga kami sa iisang bubong elyen naman ako kung itrato niya.
"Paano ko ba nagustuhan ang isang andrev?.
Throwback
Pagkatapos ng sunog hindi ko alam kung saan ako pupunta wala akong mapupuntahan. Paano na ako wala na ang pamilya ko? Natatandaan ko pa kung paano ako amoin ng bombero dahil walang tigil ang aking pagluha. maka-elan ulit nitong hinagod ang likod ko. Tigmak ako sa luha ng may pumaradang suv sa gilid ng kalsada. Bumaba ang sakay niyon, ginala ang mata at nang makita ako naglakad ito patungo sa kanya at umupo sa harapan ko.
Napagkamalan ko pa itong si inay dahil hawig ng magandang babae ang aking Ina.
" Inay? Buhay ka? Sinunggaban ko ng yakap ang napagkamalan ina. Hinahagod niya ang likod ko habang walang tigil ang aking pag hikbi.
" Nang mahimasmasan lumayo ako ng bahagya habang nakayakap pa rin sa leeg niya. Inay? Sambit ko.
" Hmp! Paano ko ba sasabihin ito?
Ang alin po, inay?
Hhm! Alam kong mahirap tanggapin ang biglaan nilang pagkawala pero hindi ibig sabihin nun paaasahin na kita. Masakit din sa akin mawala ang ate Shelaine ko kailangan ko, natin tanggapin iyon?
BINABASA MO ANG
The Story Of Zomberus
Mystery / Thriller25 years inalipin ang bayan ng bulalacao ng mga lahing hindi tiyak kung saan nanggaling at ano ang kanilang pinagmulan. Sa mahabang panahon na kanilang pagpapagal. Nananatili pa rin ang pangingingain ng mga traydor na lahi at walang pakundangan kung...