ULO
Napapakamot si Arizia sa ulo nang tela naliligaw naman ulit siya sa pangalawang pagkakataon. Hindi niya alam kung tama pa ba ang daan na tinatahak. Higit siyang nagkamot ng ulo ng magkaroon muli ng sangang daan.
Seryuso ba ito? Naitanong niya sa sarili at nagpalinga-linga pa siya sa paligid. Hindi na maubos ang sangang daan ah! Wala bang iba? Kausap niya pa at mahinang natawa. Jusmiyo marimar! Pakli niya ng may matanaw muli ng panibagong sanga sanga ng daan.
Nabi! Tuluyan ng naligaw ako!. Pagtingin niya sa kanyang relo pasado alas sais na, haay! Paalam haring araw at maligayang pagbati sa iyo Reyna ng gabe aniya. Sabay singhap niya ng malakas.
Walang cellphone? Malaking tanga dinukot mo na nga lang ang cellphone yon winala mo pa! Laki mong malas Arizia. Patay kang bata ka pag uwi mo maghanda ka ng isang baldeng bulak para pantakip ng tainga mo paniguradong sermon ang sasalubong sa'yo ng momsi mo. Late ka na para sa hapunan! Aniya habang naglalakad.
Nasaan na ako? Iginala niya ang mata sa paligid.
Grr.
Pss.
Oink
Ay! Walang ganyanan bulalas niya. Mga tunog ng hayop ang naririnig niya sa paligid. Maging ang huni ng kulisap at ibon malakas nyang nadidinig. Nang may marinig si Arizia ng tela sigaw ng isang babae doon na ito kumaripas ng takbo. Walang lingon lingon at hindi ininda ang tusok ng bawat tinik na maapakan ng kanyang paa.
Tampers!! Pagod na ako! Hinihingal niyang sabi at huminto sa pagtakbo.
Muli siyang nakarinig ng huni sa paligid.
Wak.. wak.. wak..
Aay! Ano naman iyan? Ayoko na! Totoo ba ang aswang relaks niyang kausap sa sarili ng marinig ang tunog na yun!. Muli niyang ginala ang mata sa paligid. May natanaw siyang liwanag mula sa hindi kalayuan sa kanya.
May mga iilan bahay siyang natanaw nagdalawang isip pa siya kung kakatok at huminge ng tulong isa sa mga bahay na kanyang nakikita.
Bahala na nga si darna! Aniya at naglakad na,.tao po! Tawag niya sa unang bahay na pinuntahan niya. Wala pa yatang tao?. Tao po, may tao ba riyan sa loob? Nagpalinga linga siya sa paligid ng makarinig ng kaluskos nang wala naman makita kung ano paligid muli siyang kumatok.
Toktoktoktoktok utang na loob naman oh pagbuksan niyo ako ng pinto malakas niyang sabi. Lumamig bigla ang paligid. May tao ba riyan sa loob pagbuksan niyo ako!. Gusto ko lang mamasko baka meron kayong tirang pagkain biro niya pa habang kumakatok. Umupo siya sa may bato malapit sa pinto. Wala nga yatang tao?.. Nayakap niya ang sarili ng mas lumamig pa ang paligid. Giniginaw na ako!
Muli akong kumatok dahil may nakita siyang bulto ng tao nakaupo sa harap ng lamesa ng sumilip siya. Ngunit lubhang walang plano kung sinuman nasa loob na pagbuksan siya.
Sinipa niya ang pintuan. Sa iba na nga lang ako kakatok.. Aalis na sana siya ng may dumungaw na ulo mula sa bintana. Napasigaw siya ng ubod lakas sa nakita niya. Kakaripas na sana siya ng takbo ng magsalita ito.
Ano ang maipaglilingkod ko sa'yo ining?. Naliligaw ka ba? Tanong nito.
Oh-no nagsasalita ang pugot na ulo usal niya habang nakapikit. Mabait po ako! Paulit-ulit kong usal. Wahh!! Tumatakbo siya pero hindi umalis.
Halika ining tuloy ka pumasok ka sa loob malamig diyan sa labas sabi sa kaniya ng pugot na ulo.
Mahabaging langit iligtas mo ako sa takot na nadarama ko ngayon pangako po hindi na ako magiging pasaway pagbubutihin ko pang lalo ang pagiging mabuting anak at pakikipag kapwa mas magiging matulungin at mapagbigay pa ako sa ibang tao basta po ba huwag niyo lang akong pakitaan ng pugot na ulo na nagsasalita hindi ko ito keri.
BINABASA MO ANG
The Story Of Zomberus
Mystery / Thriller25 years inalipin ang bayan ng bulalacao ng mga lahing hindi tiyak kung saan nanggaling at ano ang kanilang pinagmulan. Sa mahabang panahon na kanilang pagpapagal. Nananatili pa rin ang pangingingain ng mga traydor na lahi at walang pakundangan kung...