Susi 2
Panginoon! Panginoon ! Mga kataga na paulit-ulit na tinatawag ni Aramiz sa kanyang haring si Maragat habang siya'y naglalakad.
Aramiz-matapat na lingkod ni haring Maragat ,magaling siyang mandirigma at higit sa lahat matalinong alipin. madalas siya sa carrison palace upang magmatyag sa kalaban. Nagpapanggap siya sa palasyo ng carrison bilang kaawa-awang prinsepe na walang kakayahan ipagtanggol at ipaglaban ang sariling kaharian na naiwan kuno ng nasira nyang amang haring Irri.
Paulit-ulit niyang binibigkas ang pangalan ng kanyang Hari sapagkat qng gaano siya kahusay sa pakikipaglaban, may sumpa naman siyang ANTOLIMO ( antok / limot ). Kahit anuman impormasyon na nalaman nya mula sa pagmamatyag ay Di niya maalala. Sa oras na dalawin siya ng antok agaran siyang makakatulog ,magigising na lang siya kinabukasan na hindi maalala ang lahat ng nangyari sa kanya. Paulit-ulit siyang nagsisimula sa huli wala parin mapapala.
Nagawa niyang magpanggap sa harap ni haring salvistre sa tulong ng kanyang dalang hiyas na pabaon ng panginoon niya. Ang hiyas ang patunay na isa siyang prinsepeng ulila. Dahil pinaniniwalaan ng mga Carrison palace na ang hiyas ay simbolo ng pagtatapos.
Iniiwan ang hiyas ng mga mananakop sa tarangkahan ng kaharian upang ipabatid na nagwakas na ang paghahari ng nasakop na kaharian.
Hindi nagdalawang isip si haring salvistre na patuluyin sa Carrison ang nagpapanggap na prinsepe.
Magandang umaga prinsipe aramiz! Ani ng alipin ng kaharian.
Tumango lang siya bilang sagot ---
Abala ang mata ni aramiz sa kakasilip sa saradong pintuan na pinagbabawal ni haring salvistre.
Anong meron sa pintuan ito halos ikawindang ng Hari nila? Bulong ni aramiz sa sarili.
Walang bantay ang pintuan ,mukhang sunadyang buksan ito para sa kanya. Pagkakataon na niya mapasok at malaman qng anong meron sa loob.
Luminga-linga muna siya sa paligid para lang makasiguro na walang taong makakita sa gagawin niyang pagpasok . Nang walang kahina-hinalang nilalang sa paligid na natanaw siya saka niya binuksan ng dahan-dahan ang dahon ng pinto. Nang nasa loob na siya ay walang anong kagamitan ang meron sa loob kundi malinis na kwarto ang kanyang nabungaran.
Bakit ingat na ingat ang Hari sa silid na to? Walang kalaman-laman. Mas maraming kawal ang nagbabantay sa labas ng pintuang to kaysa sa labas ng hangganan ng kaharian.
Malawak ang silid ,hindi Amoy luma sa halip nangangamoy bulaklak. Ang bango-bango para siyang dinuduyan sa hangin. Iba't-ibang bulaklak ang nakikita nya sa paligid hanggang sa mapadako ang mata niya sa maliit na butas. Mata ba iyon? May tao dito? Lumapit siya sa butas at sumilip din. Wala siyang anuman nasisilip kundi nakakasilaw na liwanag lamang na nagmumula sa butas. Mas pinagbuti niya pa ang pagsilip hanggang sa lumaki ng lumaki ang butas na kinawasak ng dingding.
Nasilaw siya sa liwanag na iyon. Nang mawala ang liwanag pagmulat niya'y wala na siya sa silid na Yun kundi sa mataas na puno na kasalukuyan niyang tinutungtungan. Sa lakas ng ihip ng hangin ay naging dahilan ng kanyang pagkahulog. Bumagsak siya sa malapit na sigang apoy. Qng nagkataon mismong sa naglalagablab na apoyan siya bumagsak walang aramiz na ngayon.
Ayos ka lang ba? Ani ng malamyos na tinig.
Pumikit siya sandali saka bumaling sa tinig na Yun.
BINABASA MO ANG
The Story Of Zomberus
Mystery / Thriller25 years inalipin ang bayan ng bulalacao ng mga lahing hindi tiyak kung saan nanggaling at ano ang kanilang pinagmulan. Sa mahabang panahon na kanilang pagpapagal. Nananatili pa rin ang pangingingain ng mga traydor na lahi at walang pakundangan kung...