Goddess of warPoint of view samuela.
Hinabol daw kami nang mga halimaw habang tulog ako ayon iyun sa kwento ni matthew. Sinubukan niya raw akong gisingin kaso tulog mantika. Muntik ko pa nga siya bigwasan nung nagising ako. Paano ba naman sampa niya ako sa kanyang likod. Biruin nyo? Gud,nakakahiya!! Nabigla ako dun ha? Hay naku kung hindi agad ito naging maagap sa pagsalo ng kamay ko hindi lang talaga sapak aabotin niya sa akin, nagkataon may palaman pang tadyak.
Nasaan na tayo? Tanong ko. Ginala ko ang mata sa paligid habang buhat niya pa rin ako sa likod pansin kong nasa kagubatan kami ng bulalakaw. Parang malapit lang ang rest house namin dito natatandaan ko na madalas magpunta kami ni ate arizia sa gubat kapag gusto nilang mag-camping. Inaabot din kami ng gabi dahil sa paghihintay ng mga fireflies. At lagi din kaming may sermon kay nanay ( Lola ) kapag nauwi kaming late.
Inaantok ka pa? Tanong niya.
Umiling siya. Matthew?
Hmm.
Pwede magtanong? Anas ko.
Ano iyon?
Sino si key ses? Kuwan kasi nasabi mo iyon nung nanaginip ka habang umiiyak.
Siya ba? Kaibigan ko,saksakang pasaway na kaibigan ngunit meron naman siyang soft,warm and golden heart Sinasabi niya iyun habang ingat na ingat sa paghakbang.
Halimaw din ba? Tanong ko pa. Natawa ito. Oo, halimaw sa ganda. Pagkatapos niyang sabihin iyun hindi na ito nagsalita ulit. hmm kaya ko ng maglakad pwede mo na akong ibaba.
Sigurado ka? Paniniyak niya.
Oo. Hindi naman ako lumpo diba? Natulugan Lang!!. Nakakahiya na din sa'yo. Sabay ngiti ko.
Malapit dito ang rest house namin pwede muna tayo magpahinga dun. Sabi ko.
Bigla naman nagkaroon ng sobrang silaw na liwanag sa paligid kasabay ng paglitaw ng nagagalaiting shadow. Napadako ang tingin namin pareho sa liwanag. Lumapit si matthew sa dalawang shadow na nakatalikod sa amin
Nasa mukha niya ako nakatingin nakita ko kung paano ito natuwa nung makilala ang dalawang anino.
Key ses? Sambit niya. At sabay lapit sa direksyon nung dalawa. Nakaramdam ako ng takot para kay Matthew dahil ang isa sa dalawang anino ay naglalagablab ang buong katawan. Bigla akong nagulat dahil sa walang pakundangan niyakap nito ang batang babaeng tinawag niyang key ses ngunit tila hindi nagustuhan ang biglang pagyakap ni matthew rito.
At tila din nainis ang batang babae sa ginawang kapangahasan niya. Hinawakan ko si matthew at pasempleng hinila.
Sigurado ka bang si key ses ang batang iyan parang galit siya, at hindi ka nakikilala bulong ko sa kanya sabay ngiti ng tabinge sa sinasabing key ses. Ngumite naman ito sa akin nung dumako ang tingin nya sa direksyon ko.
Oo. Kilala ko si key ses hindi siya iyong klaseng tao na itatangge ako. Aasarin siguro pwede pa ngunit ang e-kaila malabo!!
Lakas din ng bilib mo sa'yong sarili ano? Sabi ko sabay ngisi.
Iniwan niya ako at lumapit ito sa pwesto ni key ses. Bigla din ulit mayroon lumitaw sa kanilang harapan kulang na nga lang mapasigaw siya sa gulat.
BINABASA MO ANG
The Story Of Zomberus
Mystery / Thriller25 years inalipin ang bayan ng bulalacao ng mga lahing hindi tiyak kung saan nanggaling at ano ang kanilang pinagmulan. Sa mahabang panahon na kanilang pagpapagal. Nananatili pa rin ang pangingingain ng mga traydor na lahi at walang pakundangan kung...