Kabanata 11

70 15 0
                                    

PABIGAT

Hindi ako mabilis magtiwala sa mga taong bago ko palang kakilala. Ika nga ng pinsan kong si Jared ang hirap daw kuhain ang tiwala ko. Tapos, bigla nila akong alokin ng pagkain anong akala nila sa akin masiba! Malay ko ba kung totoong pagkain nga iyon baka mamaya mangisay na lang ako tapos gawin din ng mag inang yon ang ginawa nila kay-- Nasabi na ba nito ang pangalan niya sa akin?. Isip niya sa lalaki na akay.

Kahit na ba pinatuloy siya ng mag ina sa bahay nila hindi dapat ako makampante. Baka katayin nila ako ng buhay ng hindi ko nalalaman.

Maaari bang magpahinga naman muna tayo aniya sa kasama na kaniyang tinulungan, kanina niya pa kasi karay karay sa balikat ang lalaki, sa bigat nito ang bilis niya mahapo at mapagod.

Inalalayan ito ni Arizia hanggang makaupo sa batohan.

Maghanap ka muna ng mapagtaguan natin pansamantala habang injured pa ako. Mando ng lalaki sa kanya na nagpabuka ng bibig ni Arizia. dun sa hindi tayo makikita dagdag pa nito.

Tama ba ang dinig niya pinahahanap siya nito ng mapagtataguan nila?inuutusan ba siya ng lalaki o nagkamali lang si Arizia ng dinig.

Manong, pakiulit nga ng sinabi
mo, iyong kani-kanina lang? Ano nga ulit? Nilapit ni Arizia ng husto ang tainga upang marinig niya ng maayos ang sasabihin nito sa kanya.

Maghanap ka ng mapagtataguan natin habang injured pa ako dun sa hindi nila tayo makikita. Ngayon narinig mo na, okay na? Alis na! Pagtataboy na animo'y isa akong alila.

Bakit ako? patanong niya dito. Bakit hindi na lang ikaw dahil ikaw naman iyong pabigat. Hoy, tapik nya ng malakas sa balikat nung lalaki. Tinulungan na nga kitang makaalis sa mag-inang iyon tapos, ano? Ako itong uutusan mo!.

Nakikita mo ba ang kalagayan ko miss.? Sa lagay ko ba na ito magagawa kong maglakad ng maayos? Tinuro pa nito ang mga natamong sugat at pilay sa paa. At saka tinulungan mo nalang din ako lubos lubusin mo na.

May punto ka naman roon! Sige na nga! Ngayon lang ito pero sa susunod ikaw naman ang gumawa ng paraan kung paano natin sila matatakasan. Gusto ko ng umuwi sa amin tiyak baka ngayon nagpa-sikante na ang momsi ko.

Kaya nga bilisan mong maghanap. Sabi nito.

Sandali nga ako ba'y iniinis mo? Tanong ko sabay tingin sa mga mata nito. Nung ngumisi ito inirapan ko naman saka pa ako nagpasyang umalis at iwan ito para maghanap ng siya pagtataguan nila. Kung alam niya lang ng parang boss kung makautos ang lalaki na iyon eh di sana hinayaan ko na lamang na mabulok siya doon at patayin ng mag ina kung sa huli ako din lang pala ang makukunsumi. Kahit salamat walang sinabi, magpasalamat talaga siya mayroon pa akong natitirang kabaitan. Naku kung hindi!. Ewan ko lang sa kanya!
Bigla siyang napatigil ng may marinig na nag uusap.

Sabi ko naman sa'yo bantayan mo ng mabuti.

Inay, malay ko bang itatakas ng babaeng yon ang bihag natin kung alam ko lang eh, di sana pinilipit ko na agad ang leeg nun nang mawalan ng buhay.

Magtigil ka, talasan mo iyang mga mata mo hindi pa nakakalayo ang dalawang iyon. Pagkain na nga pinakawalan mo pa sumbat ng ginang sa anak.

Nang makalayo na ang dalawa saka si Arizia lumabas sa pinagtaguan niya. At nagpasyang lumakad pabalik kung saan niya iniwan ang lalaki.

Umalis na tayo dito bulong ko sa lalaki. Kinuha ko ang braso nito at inalalayan makatayo.

May nakita ka na ba na pwede natin pagtaguan pagkuway tanong nito sa kaniya habang inaayos niya ang pagsampay ng braso nito sa balikat ko.

Wala pa, iyong nakita ko lang ang papatay sa atin kaya mamaya ka ng magtatatanong kapag naligaw na natin sila ha? Pwede ba? Magpagaan ka? Hindi ko napigilan sita rito. Paano kasi lalo pang nagpabigat. Kumain ka ba ng bato? Inis kong tanong. Bigat mo kasi!.

The Story Of ZomberusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon