Karugtong po ito ng Kabanata 24. Im Siwan As Darylle
Nagising si Arizia na masakit ang ulo at buong katawan. May kung anong matigas na bagay pang natusok sa likuran niya. Kinapa niya iyon isang uri ng dahon ang nakuha niya. Iginala niya ang mata sa buong kuwarto. Nasaan ako? Ibinangon niya ang katawan at inalis ang dahon nakatapal sa likod. Inamoy niya ng bahagya. Eww! Ang baho! What this? Tumayo siya. At muli din napaupo habang sapo ang beywang. May munting kirot siyang naramdaman.
Ouch! Daing niya. My ankle? Nasaan ba ako? Tila ba nagising siya sa malalim na pagtulog at ngayon lang naaalala ang lahat. Sobrang lalim ng nabagsakan niya. Hindi lang ang ankle niya ang masakit kundi halos lahat nabali nga yata ang mga buto niya.
Dayanara? Gising na kayo? Aniya na hindi pa makapaniwalang ginang sa harapan niya. Kulay putik ang suot nitong bestida at mataman sinuyod ng tingin ang kabuuan niya. Naasiwa siya sa paraan ng tingin nito.
Sino po kayo? Nasaan ako? Anong lugar to? Sunod sunod niyang tanong. Base sa titig nito ay kilala siya higit sa iniisip niya.
Totoo ngang hindi nyo ako makikilala sa oras na magbalik kayo at magising. 22 years kayong namalagi sa silid na ito habang ginagamot kayo ni Nanang. Ngiting-ngiti ang ginang sa kanya ng sabihin iyon. Tumanda na ako lahat lahat ikaw naman ay nananatiling bata pagkuway sabi nito pa.
Hindi niya ito maintindihan. Can i go now? Dumaan ang pagkamangha sa mukha nito.
Marunong kayong magsalita ng salitang mortal? May pagtatakang tanong nito.
Nangunot ang nuo ko sa huling salitang sinambit.
Hah? Nalito siya sa ginang at higit sa ikinikilos nito. Do I know you? If not just go away! I pissed. Hindi ito natinag ng sigawan niya.
Nakasunod ito sa hulihan niya. Hinawakan pa nito ang siko niya para pigilan siya. Paika-ika ako kung maglakad.
Saan kayo pupunta? Tanong nito. Inangatan ko ng kilay ang pagtatanong nitong iyon sa akin.
Gusto kong lumabas sabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin ng tangkain nitong hawakan ako. Napansin ko ang paglabas ng likidong berde sa aking balat natuon ang mata ko roon. Umuusok ang likidong umagos sa aking braso. May kakaibang amoy itong dulot na ayoko.
Paumanhin! Aniya sabay bigay ng distansya. Tumungo ito. At tila ba takot na tumitig sa mga mata niya saka sa kulay berde sa aking balat.
I really hate it! Hindi ko napigilan bulalas matapos makita ang reaction nito. Naglakad ako patungo sa pinto plano kong lumabas at magtungo sa burol hindi ko gusto ang hangin dito sa loob ng silid para akong hihimatayin.
Kamahalan? Hindi pa po kayo maaaring maglakad tiyak kagagalitan tayong muli ng inyong ama. Kabilin bilinan nito pong sa oras na gumising kayo ay gawin ko daw ang lahat para manatili kayo sa loob ng inyong silid. Hindi pa po kayo nakakabawi ng lakas at may munting kaguluhan sa labas. Nag-aalburuto ang alagang Dragon ni Panginoon Nexxen. Baka mapano pa kayo kung lalabas kayo ng ganyan? Nguso nito sa suot niya. Hindi po kaaya-aya ang inyong kasuotan tuloy tuloy nitong sabi habang nakatungo pa din ang ulo.
Pinasadahan niya ng tingin ang suot sa harap ng salamin. Sakto sa may harapan ng salamin siya tumigil. May kanipisan ang suot niya. Halos nakikita ang aking kaluluwa. Luwang-luwa ang dalawang bundok niya sa harapan. Bumakat ang dalawang maliit na taluyot sa manipis niyang suot. Bakit ganito ang suot ko? Pasigaw niyang tanong sa ginang. Yumuko lang ang ginang sa tanong niyang iyon. Hindi man lang ito natakot ng sigawan niya.
Deym! Naiinis siya sa pinapakitang tapang nito. Hindi ba itong nag-aalala sa posibleng niyang gawin.
Nawala ang atensyon ni Arizia dito nang maagaw ng tumatakbong karwahe ang mata niya.
BINABASA MO ANG
The Story Of Zomberus
Misteri / Thriller25 years inalipin ang bayan ng bulalacao ng mga lahing hindi tiyak kung saan nanggaling at ano ang kanilang pinagmulan. Sa mahabang panahon na kanilang pagpapagal. Nananatili pa rin ang pangingingain ng mga traydor na lahi at walang pakundangan kung...