Kabanata 27

48 14 0
                                    

Multo II

Sa totoo lang hindi sa nag-iinarte hah! Hindi ba aware siya na kanina pa ako bahong-baho.

Tsk! Wala ba itong pakiramdam mahinang kausap ni Samuela sa sarili.

Pwede ba miss pumirme ka, ang likot-likot mo kanina pa? naiihi ka ba? Puna ng katabing Ali. Hindi ko siya pinansin keber ko ba sa kanya.

Gumalaw akong muli. Galaw na mas maiinis na siya sa akin. Bahala nah! Pakialam ko sa nababahoan talaga ako eh!

Manong para! Sigaw ng Aling nasa kanan namin katabi nung Ali. Tumigil si manong driver. Hindi ako kumibo at tumingin sa kanan.

Gumalaw lang ako ng apakan ng katabing lalaki ang paa niya. Hinampas ko siya sa hita. Paa mo? Angil ko rito. Tumingin lang siya then balik ulit sa labas ng bintana ang mata.

Sorry hah! Sabi ko at sinamaan ko siya ng tingin. Hindi man lang siya tinablan. Grabe! Nagpupuyos ako sa inis.

Ang likot mo, hija? Puna ulit nung Ali na katabi niya.

Ang baho mo lang ali. kating-kati ko ng isatinig rito. Nagpigil lang siya baka kapag pinag-mukha niya rito ang Amoy na mabango nito ihambalos sa akin ang hawak nitong upo. Gusto kong pag-taasan ito ng kilay tahasan inaawat ko lang ang aking sarili. At pinagagaan. Ngumiti ako ng pilit.

Dinig niya sa kaliwang katabi ang mahinang bulong ng lalaki.

Nakadama ako ng pangangalay ng batok. Kinapa ko iyon at hinilot ang parte kung saan ramdam ko ang ngalay bahagya ding akong nahihilo.

Pagdako ni Samuela ng tingin sa labas may nakita siyang bata. Nakangiti ito sa akin at bigla din nawala. Nakita mo Yun? Tapik niya sa katabing lalaki. May multo sa labas ng bintana natin kanina. Tapos nawala din?

Pss!

Sumeryuso siya tila hindi ito naniwala sa sinabi ko. Huwag mo na akong pansinin sabi ko.

Nahihilo ako. " Kausap niya sa sarili bago pa siya makapag-suka ay mas mabuti pang itulog niya na lang. Nakakadiri pa iyon kapag nagkataon. "

Mabilis siyang nakatulog dahil sa sobrang pagod.

Hindi namalayan ni Samuela na habang tulog siya titig na titig ang lalaking katabi niya sa kanya na ngayon nakapatong ang ulo niya sa balikat ng lalaki.

Mag-p-point of view ako sa katabing lalaki ni Samuela kahit maikli lang. Char!

Naka one hundred dialled na siya sa kanyang fiancee hanggang ngayon kahit ni isa man sa tawag niya walang sumagot. Two weeks ng nakalilipas simula ng pumunta ito sa Mindoro kasama ang mga barkada niya at ang pinsan si Yuan. Tumawag na siya sa mga taong dapat tawagan at kasama nito hanggang ngayon wala pa rin. Sobrang alalang-alala na ako! Ano bang nangyari dun?

Bakit pa kasi niya pinayagan sumama ito at bakit ba din nagkataon kung kailan may lakad ang barkada saka siya hindi puwede. Bakita ba Kasi? paulit-ulit niya na lang laging tinatanong ang ganoon klaseng tanong na bumabalik lang naman sa kanya sa huli. Asar niyang sinipa ang pader na bakal sa kanyang tabi.

Ouch! Arakingking siya sa sakit ng ginawa niyang pagsipa sa kaawa-awang bakal na wala naman ginawa sa kanya. Kung wala lang siyang business trip nung araw na iyon nakasama sana siya. Ngayon ang araw ng kasal nila ng fiancee niya pero anino nito at ng mga pumunta sa Mindoro ay Wala pang bumabalik. Hindi niya tuloy magawang maerelaks kahit isang segundo lang ang isip niya. Kahit anong pagpapagaan sa kanyang sarili hindi umuubra.

Sa halip na magtungo ng simbahan dumiretso siya ng pier para lang puntahan sa Mindoro ang fiancee  at ibalik ang mga ito dito sa manila. Tumawag nalang siya sa magulang para magpaalam na pupunta siya sa Mindoro. Tinawagan din niya ang mommy ng fiancee niya para magtanong kung saan ang eksaktong address ng Tito ni Gene sa Mindoro. Nang makuha ang lahat ng impormasyon na kailangan niya. Ini-off niya ang cellphone at nagmamadaling pumasok sa loob ng pier para makakuha agad ng ticket patungong Calapan.

The Story Of ZomberusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon