Multo
Samuela POV.
Inagahan ko ng gising para maaga akong makasakay at hindi ako abotin ng tanghali sa daan. Hindi ako sanay sa matagal na byahe. Gusto ko rin abotan ang tanghalian sa bahay. Miss ko na ang luto ni Momsi. Kaso hindi nangyari paano ba naman si manong driver maya-maya ang stop-over. Kung hindi masisiraan! Naghihintay ng pasahero. Tanghaling tapat na! Naiinip na ako kanina pa! Kung may choice lang ako kanina pa ko lumipat sa ibang Van kaso wala akong matanaw na ibang Van sa terminal na ito. Naging madalang ang mga gustong bumyahe sa Bulalacao ngayon dahil sa letching mga balitang hindi naman totoo. Ang inaasahan kong first trip naging last trip.
Nagkakawalaan na nga raw ng mga tao ayon iyon sa dalawang Aling nakasakay ko kanina sa tricycle. Ang lakas nila kung mag-usap.
Super sakit na ang werpaks ko! Namamanhid na din ang dalawa kong binti. Kanina ko pa hinahampas upang matanggal ang pangangalay. 5 hours nakaupo habang naghihintay ng iba pang pasahero. Gud!! Ang lakas pa ng pahangin ( hmm ,I mean air-conditioning nitong Van ). Tapos nakaka-asar pa itong katabi ko pwede naman isandal ang ulo sa window glass talagang sa balikat ko pa pinatong ang ulo niyang mabigat. Kanina pa ito kausap ko sa sarili habang nakatingin ng masama dito. Kanina ko pa din itong gustong gisingin ng pukpok sa ulo ng sandals. Nang sa ganoon ay umayos at makita nito ang sarili. Hello? Ginawa niya lang naman unan ang balikat ko. Gets ko naman kung puyat siya basta huwag mo lang ipapatong sa balikat ko yang ulo mo sooooo!ngalay na kasiii? Hindi pansin ni Samuela na habang nagsasalita at panay ang reklamo kanina pa gising ang lalaking katabi. At kanina pa din nawewerduhan sa kanya.
Are you alright, Miss? Hindi nakatiis nitong tanong. At taas kilay pa.
Ayyy!!! Anak ng tikbalang gulat kong bulalas. Binaling ko ang mata sa labas ng bintana. Kanina pa ba siya gising kausap ko sa sarili. Narinig kaya niya ang pinagsasabi ko pasimple kong tinampal ang sariling bibig sa halip na sagotin ang katabi. Ganda talaga ng view! Sabi ko.
"Hindi na rin inulit ng lalaki ang tanong nito sa kanya kanina marahil nahalata nito wala siyang planong sagotin ito.
" Lumabas Na lang muna ako ng Van kaysa tiisin ang pangngalay ng werpaks. Hindi pa naman sila siguro aalis.
Ginala ko ang mata sa paligid. Ang laki Na talaga ng pagbabago nang bayan ng Roxas Iyong dating bakante at hindi maingay na kalye tambak ng tao at stall. Dati ni isa man stores sa paligid nakatayo ay wala kang makikita pero ngayon daig pa ang perya sa dami ng tao. Aba may lucky 99 na rin pharmacy at bagong tayong restaurant . Sa kaliwa puro hamburger stall. Wiling -wili siya sa mga nakikita sa paligid habang napapangiti sa mga batang naglalaro sa may harapan ko. Nahinto ako sa pagmamasid nung makarinig ng nag-uusap sa bandang likuran. Dinig niya sa mga ito na naglilipana raw ang mga halimaw tuwing sumasapit ang Gabe. Napabalitang sumalakay naman muli ang mga halimaw sa bayan ng libertad tatlo ang namatay at tatlo ang nawawala. Natagpuan Wakwak ang dibdib at walang laman loob.
Hindi tao ang may gawa nun? At kayang gumawa ng ganun karumal dumal na pagpatay. Nung nakaraan linggo may mga grupo mula maynila ang naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Pook San Ruiz. Ni isa wala pang bumabalik. Sabi sabi pa na napaslang na ang buong grupo sa gubat. Mga kagamitan nalang nila ang natagpuan.
" Mabuti at nagkaka-intindihan ang mga ito mag-usap kausap niya sa sarili habang nakatingin sa dalawang ali. Naiiling ako sa reaction nung dalawang dalagita at higit sa kanilang hitsura halata ang takot sa mukha nila. Nakita ko pa ang paglunok ng laway ng dalawang dalagita habang nakikinig sa dalawang chismosa.
Lumapit siya sa dalawang matanda kinuha niya ang atensyon nila. Para kahit papaano makatulong siya na maibsan ang nakapaskil ng takot sa mukha ng dalawang dalagita. Baka isipin nung dalawa mamamatay tao ang mga mindoriño.
BINABASA MO ANG
The Story Of Zomberus
Mystery / Thriller25 years inalipin ang bayan ng bulalacao ng mga lahing hindi tiyak kung saan nanggaling at ano ang kanilang pinagmulan. Sa mahabang panahon na kanilang pagpapagal. Nananatili pa rin ang pangingingain ng mga traydor na lahi at walang pakundangan kung...