Simula

332 26 0
                                    

Totoo! wala lang talaga akong magawa that time kalalabas ko lang ng banyo at bagong ligo. Super tahimik ng bahay dahil iyong mga kasama ko sa bahay kanya-kanyang puwesto. May mga sariling Mundo. At iisa lang naman ang pinagkakaabalahan iyon ay ang kabibili lang nila na celpon. Pinagkaguluhan! Parang bang ngayon lang nakakita ng mga Celpon ang mga to.

Hehehe!

Mahilig magbasa ang mga kapatid ko sa Wattpad sa sobrang hilig nila at kaadikan hindi na sila minsan kumakain at minsan din may mga times na pareho na nilang nabasa pagkukuwentuhan pa sa mga harapan namin. Natutulala nalang kami. Wala eh! Super fan ang mga to!. So this is it Pancit. Heto na nga po ang aking handog sa inyo ang unang story ko sa wattpad at more than Tagalog siya enjoy!!! Huwag na kayong mapili! Hihihi

Tapos na 'yong story ayaw ko lang magpaawat hindi kasi ako satisfied sa mga bagay bagay. Marami akong nakalimutan ilagay sa mga characters at nailigaw ko yata ng sobra ang buong kuwento kaya naisipan kong ibalik sa orihinal na kuwento na iyon naman ang dapat kasi ang totoo ito talaga ang takbo ng story nung una kaya lang medyo tinatamad si 'ako' pero ngayon pagsusumikapan kong maging masipag na.

Sorry ~ sorry!!


Panimula

Hindi pa tayo naipapanganak marami ng kababalaghan dito sa Bayan natin. Sabi nga ng aking Lola sa tuhod Bulalacao na daw ang tawag sa ating bayan wala pa mang mayor noon.

Anong Bulalacao? Bulalayo kamo sahod nung isa.

Napailing si Arizia sa kanyang mga narinig. Lagi nalang ganoon ang paksa ng bawat umpokan na aking madaanan. Puro katawagan dapat sana sa Bulalacao ay ganito, ganun. Hindi naman daw dapat Bulalacao ang pangalan nung una sa kanilang bayan. Kung hindi lamang daw nagkaroon ng Mayor hindi ito ang magiging pangalan sa kasalukuyan ng aming Bayan.

Napaisip ako madalas ko ring marinig iyon na napag-uusapan sa bahay nina Lola at Momsi. Ika nga na Bulalayo ang totoong pangalan ng kanilang bayan. Nung tumagal at nagkaroon nga ng unang halal na mayor pinalitan ito ng Bulalacao. Na mas bumagay sa nasabing Bayan ayon kasi sa kuwento madalas noon bumabagsak ang mga bulalakaw mula sa langit. Kaya hindi malayong iyon ang ipinalit ng bagohang mayor pa lamang noon. Hindi naman masama! Dahil magpahanggang ngayon ay nagbabagsak pa rin mula sa kalangitan ng bulalakaw. Dalawang beses sa isang buwan. Sa magkakaibang oras at araw.

Malapit na rin ako sa pupuntahan ko.

Akala ko hindi ka na darating? Salubong sa akin ni Lady. May hawak pa siyang plato sa kaliwang kamay. Nagpagpag pa siya nang kamay saka lumapit sa aking harap. Natanaw ko naman sa di kalayuan ang pagsilip ng ibang bisita nito. Nakiusyuso kung sino ang dumating. Napakaimportante kong bisita para iwanan nito. Nakatingin siya sa aking likuran.

Hindi ko siya kasama tukoy ko sa aking kapatid. Bestfriend siya ng aking kapatid na si Samuela nagtaka ako kanina na hindi ito ang maghatid ng aming regalo sa bahay ni Lady dahil siya itong matalik na kaibigan. Dati kasi nakikipag-agawan pa siya.

Napansin ko na hindi naman naapektuhan ang kaharap nang sabihin ko iyon dito.

Marami ka yatang bisitang dumating puna ko. Habang iniaabot ko sa kanya ang aming regalo. Ika-18th debut nito ngayong araw. Nakasuot siya ng pink na gown at may kulorete sa mukha.

Don't mind them bisita sila ni Kuya Japs. Tayo sa loob aya nito. Pakikilala kita sa best friend ni Kuya mukhang may crush iyon sa'yo. Hindi na naalis ang mata sa litrato mo naroon sa may sala namin.

The Story Of ZomberusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon