GENE point of view.
Help me please!! Gisingin nyo ako dinig niya ang ungol na iyon mula sa kinasasandalan niyang punong kahoy. Pinakinggan ko ng mabuti kung saan nanggagaling ang ungol na 'yon.
Sinundan ko ang ungol na 'yon kung saan nanggagaling hanggang sa tumigil. At huminto ako sa tabi ng ilog. Nasa kabilang pangpang nakikita ko ang bulto ng isang tao mula sa kinatatayuan ko. Lumangoy ako para makarating lang sa taong 'yun.
Anghel na binibini. Anong ginagawa niya dito? Tinitigan ko siya ng maigi. At diko napigil ang aking kamay na dampian ang maamo niyang mukha.
Gisingin mo ako please!! Sabi nito habang nakapikit at umuungol. Saka ko inalis ang kamay ko sa pisnge niya.
Tinapik at niyugyog ko siya para magising ngunit hindi parin nagising ito. Ano bang dapat kong gawin? Halikan ko kaya siya? Napailing ako sa aking iniisip. Hmm bahala na nga, gagawin ko naman ito para sa kanya. Kapag nagalit saka ko nalang ipaliwanag kung bakit ko nagawa iyon.
Bumuntong hininga muna siya bago niya unting-unti nilapit ang sarili sa tulog na babae. Nagulat siya ng dumilat ito. Hindi din niya kaagad nalayo ang sarili dahil nanigas ang buo kong katawan. Sobrang lapit nila sa isa't isa amoy niya ang hininga nito.
Anong ginagawa mo? Inosente niyang tanong sa akin. Kunot ang noo nito ng hindi ako sumagot. Nagkunwari akong nakagat ng langgam ang paa ko para mas epektibo,kinamot ko ito ng todo. At tumalikod rito.
Pumunta ito sa harap niya para titigan siya. Parang nakita na kita pagkuway tanong nito. Hindi ko matandaan kung saan sabay hawak nito sa teynga.
Ang ganda talaga nito? Amused akong tinitigan siya habang iniisip nito kung saan niya ako nakita.
Alam ko na sabay pitik ng daliri nito sa ire. Ikaw iyong lalake na hambog dun sa tindahan. At bigla nalang sumingit saka ito nagsimangot.
Napangite siya sa sinabe nito. Ako nga 'yun pero ako din iyong nagbigay sa'yo ng tubig na hindi mo tinanggap.
Ganoon!. Sabay nguso nito sabay lahad ng palad niya sa harap ko.
Tinitigan ko lamang iyon. Binigyan niya ako ng tingin na hindi ko dapat tanggehan. Tinanggap ko ang palad niya.
Arizia ang pangalan ko. Pasensya ka na sa akin minsan talaga medyo nagsusungit ako pero nagkataon lang iyon nong mga oras na 'yun.
Gene. Hmm! Ayos lang din 'yon dapat ako ang huminge ng pasensya sa'yo dahil sa akin nagsunget ka.
Napangite silang pareho sa sinasabe nila.
Maiba tayo, paano ka napunta dito? Arizia.
Iyon ba? huwag mo ng tanongin kasi parang nakakahiya. Hahaha.
Bakit naman?
K-kuwan--k-kasi ahm hahaha naligaw ako sa gubat pagkatapos kung magpunta sa borol kaso may kasama ako 'iyong pinsan kong si Jared hindi ko nga alam kung nasaan na ang isang 'yon kanina lang kasama ko siya sabi niya maghahanap lang siya ng aming makakain hanggang ngayon kita' mo naman wala pa rin. Mahabang sabi niya.
Tumango-tango ako sa sinasabe nito sabay tingin sa paligid. Pakiramdam niya may nagmamasid sa kanila. Bigla itong natumba sa harap ko kung hindi ako naging maagap sa pagsalo, lupa ang bagsak niya. Ayos ka lang ba? Nagaalalang tanong ko sa kanya.
Oo. Medyo nanghina lang ako.
Binuhat niya ito papunta sa punong kahoy na kung saan ito nakasandal kanina. Kung ito nanghina ako naman parang nagkaroon ng lakas. Bakit?
BINABASA MO ANG
The Story Of Zomberus
Misterio / Suspenso25 years inalipin ang bayan ng bulalacao ng mga lahing hindi tiyak kung saan nanggaling at ano ang kanilang pinagmulan. Sa mahabang panahon na kanilang pagpapagal. Nananatili pa rin ang pangingingain ng mga traydor na lahi at walang pakundangan kung...