KaMaTayan sa panaginip.
Arizia point of view.
Grabe na to? Wala akong maintindihan sa lahat ng mga nangyayari inis na inis nyang nilamukos ang palad sa mukha niya. Anong biro ba to bulong ko. Halos lahat sila tinatawag akong dayanara. Oo! Nong una ayos lang sa akin pero habang tumatagal naiirita na ako sabay singhap ko.
Mahal na diyosa gulat sa akin ni plaque.
ISA ka pa? Asik ko rito saka ako napasimangot. Naririndi na ako sa kakatawag ng mahal na diyosa hindi nga kasi ako iyon? Hello ang pangalan ko arizia. Arizia paulit-ulit kong sambit. Hindi ako iyong dayanara na diyosa na lumikha ng --pause. Ano nga ulit iyong nilikha ng diyosang iyon?
Andara zum mahal na diyosa.
Sabi ko nga? Andara zum? Wala akong kakayahan na gawin yun ang kaya ko lang naman gawin ang kumain,matulog at alagaan ang pamilya ko. Iyong paglikha gawain ni lord iyon?
Bakit hindi mo subukan Mahal na diyosa kausapin ang hangin o di kaya ang apoy upang malaman mo--
Hep-hep-hep angat ko ng kanan kamay ko. Ako ba'y inuoto mo ha? Hindi pa naman ako nasisiraan ng bait para gawin yang sinasabi mo gusto mo makatikim ng arizia punch. Itinaas ko pa ang aking kamao sa mukha nito. Nanggigil akong upakan ang lalakeng nasa harap ko ngayon. Pang-untugin ko ang mga ulo nyo ni pyelokang lampa na yun para matauhan kayong dalawa.
Bigla nitong tinakpan ang bibig ko. At itinapat ang teynga nito sa lupa.
Anong meron? Ngise ko.
Mayroong malakas na enerhiyang nagmumula sa ilalim ng lupa palapit sa atin. Mahinang sagot nito.
Ginaya ko ang ginawa nito itinapat ko rin ang teynga ko sa lupa. Wala naman syang naririnig mahina kong sabi.
Hinila ako nito at inutusan akong magtago.
Bakit ba? Bawi ko sa kamay ko na hawak nito.
Sumunod ka nalang Mahal na diyosa. Pakiusap nito sa akin.
Oo na ,sige . Iniripan ko muna ito bago ko iniwan para magtago.
Pasilip-silip akong naghintay kong meron ngang lilitaw. Umabot ng 20 minutes walang taong dumating. Paranoid lang yatang ispiritong plaque na yun ah? Bulong ko. Saan kaya nagpunta ang isang yun? Iiwanan lang naman pala ako kailangan ko pang magtago napabuga ako ng hangin at napasalampak ako ng upo sa damuhan.
Hindi pa man sya naka-60 seconds sa pagkakaupo nya ng yumanig ang lupa. Umuugong ang hangin sa lakas ng ihip, kahit ang lupa naaamoy nya qng gaano kabaho higit pa sa naaagnas na bangkay ang hatid non?
Liminga sya sa paligid ng marinig ang malakas na halinghing at tunog na nababaling sanga ng punong kahoy. Umaatungal rin ang mga hayop sa paligid sa klase ng tunog parang mayroon silang kinatatakotan.
Mula sa malayo naririnig nya ang iyak ng nagmamakaawang boses babae at sigaw ng mga taong humihinge ng saklolo. Sinundan nya ang mga boses na iyon hanggang sa makarating siya. Lalapitan nya sana ang mga ito ng mayroong dalawang bisig ang pumigil sa kanya.
Ano ba bitawan mo ako. Asik nya sa may-ari ng bisig na nakayakap sa beywang nya.
Huwag kang maingay Bulong nito sa punong teynga nya.
Napasinghap siya ng malakas sa tindi ng pagkairita nya sa ginawa nito. Naramdaman nya ang pagkapa nito ng kamay sa batok niya bago pa man magawa ng kamay na yon ang ibig gawin sa kanya inunahan na nya ito.
Nakalayo na sya. Hindi nito inaasahan na mahuhulaan nya ang gustong gawin nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Story Of Zomberus
Mystery / Thriller25 years inalipin ang bayan ng bulalacao ng mga lahing hindi tiyak kung saan nanggaling at ano ang kanilang pinagmulan. Sa mahabang panahon na kanilang pagpapagal. Nananatili pa rin ang pangingingain ng mga traydor na lahi at walang pakundangan kung...