Alulong
Angela POV.
Nasaan na yun? Hindi ko man lang napansin ang pagkawala ni keyses. May napansin siyang anino sa may unahan ng bus. Lumapit siya roon. Keyses? Sumakay na tayo sa bus sabi nung ale malapit lang ang lagusan pabalik ng highway. Hinawakan ko siya sa kamay para hatakin tumayo. Inayos ko ang nagusot niyang damit. At maging ang pagbuhol ng sintas ng sapatos niya.
Naramdaman ko ang ngipin niya sa may leeg ko. At ang lagutokan ng mga buto niya. Nakikiliti ako!. Saway ko rito.
Hmm! Lumagutok muli ang buto niya.
Keyses, ano ba? Nakaramdam na ako ng sakit sa pagkagat niya. Pilit ko siyang tinutulak palayo pero ayaw niyang kumawala. Keyses? Nasasaktan ako ano bang ginagawa mo? Bitawan mo ako! Masasaktan ka na sa akin! Banta ko na. Nakinig naman ito sa banta ko marahil natakot mapagalitan.
May dugo siya sa bibig. Bakit may dugo ka?. Nang kapain ko ang sariling leeg may sugat akong nakapa. Nasalat ko kung gaano kalalim iyon!. Halos, naipasok ko hintuturo ko sa may leeg ko. Anong ginawa mo sa akin? Sa halip na sagotin ako nginitian niya ako ng matamis. Hindi ako nakahuma ng muling nilapitan niya ako at muling kinagat sa leeg. Nanghina ako sa pangalawang kagat niya. Napaupo ako sa lapag at sinandal naman niya ako sa may unahan ng bus.
Manong tulungan mo ako! Kalampag ko. Nakatingin lang ito sa amin. Nakita ko ang matamis din nitong tingin sa kanya.
Maawa ka sa akin! Keyses.
Grrr.. lumagutok ang buto ko sa kaliwang kamay sa malakas niyang paghila.
Manong?
Ate Angela? Pukaw sa kanya ni keyses.
Aalis na tayo! Kanina ka pa tinatawag ni tatay reden.
Keyses? Sambit ko sa pangalan niya sabay kapa sa leeg ko. Wala akong makapang sugat. Nasaan iyon? Bakit wala akong sugat!.?.
Anong sugat? May sugat ka? Nasugatan ka, nino? Sunod-sunod ng tanong ni keyses. Hinila niya ako sa kamay para itayo nang hindi ako tuminag sa lapag.
Naiinip na si tatay reden sa atin kanina niya pa ikaw tinatawag. Bumaba ka raw ng bus bigla habang umaandar. Mabuti na lang mabagal ang takbo nung bus kung hindi nabalian ka ng buto. Ayos ka lang ba ate Angela? Sinalat niya ang nuo ko. Pinagpapawisan ka? May nangyari ba? Napansin ko ang pagtataka sa mukha niya nang tabigin ko ang kamay niya sa may nuo ko.
Okay lang ako. Mauna ka na susunod ako sa'yo.
Sige. Niyuko ko ang ulo ko nang titigan niyang muli ang aking mata. At mabilis kong tinakpan ng panyolito ang leeg nang mapansin kong nakatingin siya roon. Sigurado ka po bang ayos ka lang?. Sa tingin ko po kasi balisa ka ate Angela. Pinagpapawisan ka ng malalaking butil sa nuo mo! Tusok niya sa nuo ko pa. Nahampas ko ang kamay niya sa ginawa niya.
Sorry!. Agad ko naman paghinge ng tawad. Ang kulit mo kasi!
Sorry din po! Sige po mauna na ako sa loob. Nakayuko siyang naglakad patungo sa bus. Nakunsensya naman ako sa nagawa ko.
Minsan ko pang sinalat ang leeg ko. Anong ibig sabihin non? Sarili niyang tanong. Ramdam ko pa din ang kirot sa mga parte ng katawan kong nakagat kanina sa kanya ni keyses.
Ang pinagtataka lang ni Angela ni anuman katibayan na nakagat nga siya ni keyses ay wala siyang nakapa sa kanyang katawan.
Nagulat siya sa pagbusina ni tatay reden sa kanya.
Isang beses ko pang ginala ang mata ko sa paligid. Nang walang makitang kahit anong kahina-hinala naglakad na siya patungo sa bus.
Hindi pa man ako nakapanhik ng sasakyan nang makarinig kami ng malakas na alulong ng magkakasunod.
Awooh..
Awooh..
Zzzzzzz
Tela malapit lang ang alulong na iyon sa kanila..
Sumakay ka na ate Angela sigaw sa kanya ni keyses.
Hah? Nagdalawang isip pa siya kung sasakay nang makita ang pagbago ng anyo ni keyses nang taponan ko ng tingin.
Ate Angela? Sigaw nitong muli sa kanyang pangalan.
May apat na yabag siyang naririnig patungo sa kanila. May hatid ng masangsang na amoy ang hangin. At tela may binubulong ang mga kuliglig sa paligid sa kanya.
Ate Angela sumakay ka na! Ano ba?
Hindi ko pinansin ang pagtawag sa kanya ni keyses. Abala siya sa mga binubulong ng mga hayop sa paligid niya. May naririnig siyang palapit ng palapit sa kanya., Malakas kong naririnig ang hilik ng mga taong natutulog. Mayroon din akong naaamoy ng mabangong halimuyak ng dugo.
Nakarinig siya ng nangangalit na ngipin at malakas ng huni ng isang ibon. At tunog ng lalamunan saka magkakasunod sunod na kaluskos sa talahiban. Yabag na tela pagmamadali.
Marami pang mga tunog na nasasagap ang tainga niya bigla naman kumulog ng malakas at kumidlat ng matalim ang langit. Halos, panghinaan na siya ng tuhod.
May matinis na sigaw akong narinig galing sa malayo at halos makabasag ng eardrums napaupo ako sa tindi ng sakit sa may loob ng tainga niya.
Nakita ko ang pag alis ng maitim na anino sa may talahiban malapit lang sa kanya. Nagtungo siya roon upang malaman kung ano iyon!. At para makasiguro na wala na ang aninong nakita ko.
May tao ba riyan? Nangangatal kong tanong. Nang makita na wala naman tao saka lang siya nagpasyang tuluyang bumalik sa bus. Pero, bago pa siya nakahakbang pang muli naramdaman kong may malamig na kamay ang pumigil sa kanyang pag-akyat. May brasong nakahawak sa kaliwang braso ko. Nalingonan niya ang taong wakwak ang tiyan nasa labas ang laman loob nito habang hawak niya. Nasa likod naman nito ang isa pang nilalang na may hila hilang babae. May dalawang matulis itong pangil at nanlilisik na nakatitig sa kanya ang nag-iisang mata nito at naglalaway ito habang pinipilit nitong abotin ang leeg niya. mahigpit nitong hawak ang kanyang kaliwang braso na pilit kong hinahatak at pinipigilan ng malaya kong kamay ang ulo ng dalawa. Kahit anong hatak ko sa braso ko ayaw nilang pakawalan.
Lord help me! Ayaw ko pang mamatay mahal ko pa ang buhay ko at higit sa lahat napakabata ko pa para mawala sa mundo. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko piping usal ko.
Pinukpok niya ng suot kong takong ang kamay ng halimaw na walang tigil hanggang sa mabitawan siya nito.
Manong anong ginagawa mo? Sita ko nang ikandado nito ang mga bintana at pinto nung bus.
Tatay reden buksan nyo po ang pinto! Kalampag ko sa pinto. Tatay reden?.. pakiusap buksan nyo po ang pintuan.
Tatay reden, tulungan natin si ate Angela mamamatay siya sa labas. Kawawa naman siya!!
Hinawakan ng tatay reden si keyses upang pigilan sa gusto nitong mangyari.
Nagpaikot ikot ako sa bus habang kinalampag pa din ito. Hindi siya tumigil sa pagkalampag ng pintuan hangga't hindi nila ako pinagbubuksan
Umusad ang bus. Manong driver! Minsan ko pang kinalampag iyon. Nang bumukas si keyses ang nakita kong gumawa nun!.
Naitulak ko ito sa tindi ng takot.
Ginising niya ang mga kasama nila ngunit kahit anuman yugyog kong gawin ayaw pa din nilang magising.
Ate Angela? Tawag ng pangalan ko ni keyses. Nagtapon siya ng masamang tingin rito.
Layoan mo ako! Taboy ko. Huwag mo akong lalapitan katulad ka din nila.
Kuya Gene gising! Gumising kayo!? Nanginginig ang buong kalamnan niya. At walang tigil ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
Malungkot naman nakatingin sa kanya si keyses. Gusto siya nitong lapitan pero tinataboy niya ito.
Halimaw ka. Huwag mo akong lalapitan!
Ate Angela? Nakuntento na lamang itong nakatitig sa kanya. Nakita kong nagbalik ito sa tabi ni Ranny. Saka ang pagpahid nito ng kamay sa mata. Malungkot itong tumitig muli sa kanya.
Halimaw ka! Paulit-ulit kong sambit sa tuwing mahuli ko ang mata nitong nakadako ng tingin na naman sa kanya.
Pinanlalakihan ko din ito ng mata.
BINABASA MO ANG
The Story Of Zomberus
Mystery / Thriller25 years inalipin ang bayan ng bulalacao ng mga lahing hindi tiyak kung saan nanggaling at ano ang kanilang pinagmulan. Sa mahabang panahon na kanilang pagpapagal. Nananatili pa rin ang pangingingain ng mga traydor na lahi at walang pakundangan kung...