Pagkawala Ng Buwan
Ivan, right? Tanong ni Jodelay sa lalaki Ngunit ang tinanong nyang lalaki ay Di man lang siya sinagot at pinansin.
Anong ginagawa ninyo dito? -tanong ni Ivan. Bakit nandito pa kayo?
Mahabang estorya super creepy iyong nangyari sa amin gosh! Akalain mong may mga halimaw pa sa Earth natin hanggang ngayon! - Katrina.
Si Jodelay naman walang masabi sa nangyayari sa kanila ngayon anuman ang mga naganap para sa kanya ay part parin ng imahinasyon na hindi nag-e-exist talaga. Iniisip nyang Natutulog lang siya sa sariling kama niya habang nanunuod ng horror movie sa 32 flat screen. Walang halimaw o anuman na kakatakot. Kinurot niya ang beywang para paniwalain ang sarili na walang halimaw at wala sila sa sitwasyong ito. Sa ginawa nyang iyon siya lang ang nasaktan at napahiyaw sa sakit na ginawa nyang pagkurot .
Anong nangyari sa'yo? Baling at sabay lapit kaagad sa kanya ni Ivan. Pinagtitingnan ng lalaki ang buong katawan niya para lang masiguro na hindi siya nakagat o Di kaya nasugatan kanina sa ginawang pag-hostage sa kanila ni Katrina.
Nakadama siya ng hiya sa ginawa ng lalaki gusto man niya suwayin, nararamdaman nyang wala na siyang lakas para pigilan ito. Hindi niya maintindihan ang kanyang katawan kung bakit nagugustuhan niya ang paraan ng pagdantay ng palad nito at pag-aalala sa kanya. Nang masiguro ng lalaki na wala naman siyang natamong sugat o anuman tinalikuran na siya at nag-umpisa na ulit sila maglakad.
Ivan, tama ? Hmp itatanong ko lang kung paano mo nagawa iyong kanina? Tumingin si Ivan rito. Tabinging ngiti ang ibinigay ni Katrina. Gusto ko lang malaman?
Kahit si Jodelay nahihiwagahan din mabuti nalang naitanong ni Katrina ang bagay na iyon rito. Naghintay siya ng sagot nung lalaki kaso base sa nakikita niya walang balak ang lalaki na ipaalam o sabihin sa kanila. Sa halip na sagotin ang tanong ni Katrina Di ito kumibo at nagkunwaring walang narinig.
Ano pa nga ba ang aasahan nila sa lalaki. Sa kwento na nadinig niya sa mga kasambahay ng Tito ni Gene na masungit daw ang isang Ivan camello at hindi pala-imik at higit sa lahat suplado.
Pansin niya na kanina pa sila naglalakad pagod at hinang-hina na siya sa kawalan ng kain gosh! Almost two weeks narin sila hindi nasasayaran ng pagkain tong tiyan nila ngunit dahil sa habolan at taguan mukhang nakalimutan ng kanilang mga tiyan ang gutom.
Saan ba tayo pupunta? Naiirita na rin naman siya sa hindi pagkibo ng lalaki. May karapatan naman na siguro kaming malaman kung saan nito kami dadalhin. Hindi parin ito nagsalita kahit nga yata paglingon o tumingin man lang sa kanila.
Hindi na nila nakita si Hosua matapos kaming iligtas ni Ivan bigla nalang ito nawala. Si Darylle nakatulala lang hindi nila alam kung paano ito matutulungan. Para talaga siyang tanga nagsasalita ng wala sa sarili. Hindi masabi ni Ivan kung ano talaga ang nangyayari sa kanya.
Dakilang mahinhin siya at sa kanilang magkakaibigan. Si Jodelay iyong teypong hindi palatanong at palasalita. Pero sa sitwasyong ganito gusto nyang malaman kung ano ang nagaganap na.
Ano? Hindi mo kami kakausapin sabay hatak ni Jodelay sa braso ni Ivan. Mister hindi porke't tinulungan mo kami hindi ibig sabihin non na hawak mo kami. Kung kailan mo lang gustong magsalita saka mo kami kakausapin pagtataray na niya.
Ang tinamaan na magaling na lalaki mukhang na-amused pa sa akin. Kumindat pa. Natigilan tuloy siya. Marami siyang gustong itanong sa lalaki naglaho ang lahat ng iyon sa simpleng pagngiti nito. Nginitian niya ako? Oh! Gosh! Nakapa niya ang kanyang dibdib upang damhin at pigilan ang nagwawala nyang puso ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi siya makahinga? Gosh ano bang nangyayari sa akin? Hindi kaya nag-c-crush ako sa lalaking ito? Aniya ng isipan ni Jodelay. Pero imposible kontra niya din sa huli. Walang ganoon heart hah? Steady lang kinadena na kita kaya't walang makakapasok ulit dyan kausap niya sa loob ng kanyang puso sabay salat niya dito. Hindi puwede? Huwag sa lalaking ito?
BINABASA MO ANG
The Story Of Zomberus
Mystery / Thriller25 years inalipin ang bayan ng bulalacao ng mga lahing hindi tiyak kung saan nanggaling at ano ang kanilang pinagmulan. Sa mahabang panahon na kanilang pagpapagal. Nananatili pa rin ang pangingingain ng mga traydor na lahi at walang pakundangan kung...