DARKNESS
Lingid sa kaalaman ng lahat ang mga kampon ni Waruk Cairus, nag-uumpisa nang umatake ,ipinakalat niya ang kanyang mga kampon para lipolin ang lahat ng tao. Ibig niyang gawin tulad niya ang lahat ng tao, maging ganid at kapootan ang bawat isa.. dahil sa utos nito kahit ang mga patay ay bumangon sa kanilang himlayan upang maghasik ng lagim sa buong BULALAKAW.
"Kill them all." Utos niya sa lahat ng mga kampon. Walang ititirang buhay ,bata , matanda ,babae at lalake,bakla at tomboy lipolin ang mga taong makikita nyo.
Masusunod panginoon!! Tumalima ang lahat ng kampon niya.
Naghasik sila ng lagim sa bayan para ipadama sa lahat na siya ang panginoon dapat katakutan.
Wahahahahahaha.
Waaaaahahahahaha.
Wahaaa..
Inabotan siya ng salamin ng isa niyang kampon. Humalakhak siya dahil sa nakikita niyang paghihirap ng mga tao.
Kay dali nyong tirisin sabi nito. Akin ang bayan na ito,ako ang magiging panginoon kikilalanin nyo akong bilang bathala tuwang-tuwa niya pang sigaw. Hahaha. Para silang mga langgam dudurugin ko sa aking mga kamay ang sinuman humadlang sa lahat ng mga plano ko.
May nahuli po kami kataas-taasan Cairus balita iyun ng kawal na dumating. Ayon po sa kanya ay inutusan siya ng inyong kakambal upang matyagan tayo dito sa ating Sankara ( pangalan ng kanilang kampo ) .
Anong balita sa andara zum.?
Ganun parin kataas-taasan naghahasik ng kaguluhan si haring rasco sa buong andara zum tulad ng inyong pinag-uutos sa kanya.
Nahanap na rin ba nila ang prinsipe yevaro na iyun? Hindi tumugon ang kawal. Humarap si Cairus rito.
A-ayon din po sa kanilang pantas ay wala pang nakakita sa mukha ng prinsipe kaya hindi po nila madadakip siya. Iyong dating nakakita sa prinsipe ay parang bulang naglaho.
Mga isang daan kayong gunggong! Yamot na sabi niya. Huwag kayong haharap sa akin kung wala kayong dalang magandang balita. Magsilayas kayo sa harap ko. Taas baba ang hiningang Sabi niya pa.
Mabilis na nagsitalima ang mga kawal na nasa harapan nito maliban sa kanyang kanan kamay.
Dinig na dinig pa ang sisihan sa bawat isa ng mga kawal na sinabon ni Cairus habang papalayo ang mga ito.
Anong balita sa heavenu? Bumalik na ba ang ating atlas ( inutusan ).
Ud waya panginoon. ( Hindi pa panginoon.)
Kapag dumating siya ipagbigay alam sa akin.
Masusunod panginoon.
Adok kamo mga palpak tynguna!? Bulalas niya at nagpipigil na magalit. ( Dami nyong mga palpak ngayon?).
Tumungo lamang ang kanan kamay sa sinabi niya.
🔶🔷🔶🔷
Bulalacaw poblacion*
Sinugod ng mga iba't ibang halimaw ang buong bayan. Binalot ng lagim ang tahimik na gabi sinamantala ng mga halimaw habang himbing natutulog ang lahat . Halos kalahati ng mga taong naninirahan ay walang awang pinaslang.
Wala silang pinalampas ,sa bawat makita nilang tao ay kanila itong pinapatay. Pinuntirya nila ang maiingay at nagkakasiyahan mga tao.
Maririnig mo ang mga impit na sigaw ng lahat. At lumalagatok na mga buto sa bawat kanilang hinahatak at nilalapa.
BINABASA MO ANG
The Story Of Zomberus
Misterio / Suspenso25 years inalipin ang bayan ng bulalacao ng mga lahing hindi tiyak kung saan nanggaling at ano ang kanilang pinagmulan. Sa mahabang panahon na kanilang pagpapagal. Nananatili pa rin ang pangingingain ng mga traydor na lahi at walang pakundangan kung...