Kabanata 16

87 15 0
                                    

Nagising si Reese sa mahinang tapik sa kanyang balikat. Namulatan niya ang nakabusangot ng mukha ni Keyses habang nakatunghay sa kanya.

Bumangon siya at ginulo ang buhok nito. Nagulat siya sa babaeng nag-abot sa kanya ng tubig. Hindi niya tinanggap iyon bagkos nagtatakang tumitig siya sa mata ng babae at nagtatanong naman ang mata niya ng dumako ang tingin sa batang kasama.

Sino siya? Mahina kong tanong at sabay tapon niya sa babae.

Nagkibit ng balikat si Keyses sa tanong niyang iyon. Hindi mo siya kilala pero kasama mo!? Hindi niya napigil pagtaasan ito ng boses. Nang tela hindi naman ito apektado bagkos matakot o umatungal ng iyak tulad ng ibang mga bata sa tuwing pinagtataasan ng boses. Ito ang kakaiba sa lahat?. Nakikipagsukatan pa ng titig sa kanya. Aist! Suminghap siya matapos itong talikuran siya.

Sharpine. Sabi ng babae at tinuro nito ang sarili. Ako si Sharpine pakilala nito sabay lahad sa harapan niya ng palad. Pinasadahan ng mata ni Reese ang kasuotan nito. Nakasuot ito ng dilaw na gown ng sobrang haba halos nakasayad sa lupa ang laylayan. Nakatapak at sabog ang buhok hindi na din pantay ang make up nito sa mukha.

May kung anong matalim na bagay ang tumusok sa paa niya nang hindi niya agad inabot ang palad nito. Nang tingnan niya tinutusok ni Keyses ang paa niya gamit ang matulis na kawayan na madalas nitong hawak.

Reese. Tanggap niya sa nakalahad nitong kamay at sabay buhat kay Keyses nilipat niya ito sa tumpok na kahoy na ginawa nilang dalawa kahapon.

Huwag kang umalis dito sabi ko at hinarap muli si Sharpine. Reese? Huwag mo siyang awayin magagalit sa'yo si kuya Darylle ikaw din? Kapag nalaman nito na inaaway mo ang kanyang mahal. Lagot ko! Nginisian siya ni Keyses matapos sabihin iyon.

Darylle? Ulit niya sabay tapon ng tingin kay Sharpine. Kapatid ka niya? I asked.

Hindi. Tipid nitong sagot sa kanya.

Ex? Tanong ko ulit.

Ex. Anong ex? Balik nitong tanong sa kanya na tela hindi alam ang salitang iyon.

Ex?. Dating kasintahan o dating karelasyon? Mga ganun!!

Umiling ito. Hindi ko siya kilala!. Nang sabihin nito iyon sa kanya sinamaan niya ng tingin si Keyses. Nagpatay-malisya naman ito.

Got yah! Pagkuway dinig ni Reese rito.










➡️➡️

Sa ibang karatig bayan tulad ng pookan, Santa Rita, santa rosa at pook ligaya ilan lamang lugar na sinalakay ng mga halimaw halos maubos ang mga tao roon kung hindi kaagad nila naagapan. May mga ilan nakatakas bago pa lumusob ang mga halimaw. Balot ng pangamba ang marami sa kanila. Kung sa susunod na pag-atake muli ng mga di kilalang halimaw ay maubos na ang ibang natitirang buhay. Wala silang kaalam-alam na pagkain kung sila iturin din ng mga ganid na halimaw na kanilang inalagaan, pinakisamahan, kinaibigan at pinagsilbihan. Pinakakain nila tapos sa huli sila ang kakainin. Sambit nga ng isang kapitan ANG HALIMAW AY HALIMAW.

Sa baryo kupang napadpad si sherrel ang best friend ni Angela na pinsan ni Gene pagkatapos ng pakiki-pagtaguan at walang tigil na pakiki-paghabulan sa mga halimaw ay narating niya ang talampas. Sa tindi ng pagod halos panawan na siya ng ulirat at ibig ng bumigay ang kanyang katawan sa layo na kanyang tinakbo sabayan pa ng pagka-uhaw at pag-a-alburoto ng kanyang tiyan sa sobrang nadarama niyang gutom. Dumagdag pa ang naaamoy niyang sibuyas na wari niya dinuduyan siya sa bango. Kakatwang isipin na dati niyang inaayawan ang amoy niyon ay tela nagugustuhan niya ngayon. Tanda niya pa dati na hindi siya kumakain ng anuman luto na hinahaluan ng sibuyas sa hindi niya malaman dahilan. basta't ayaw sa sibuyas!. Pero ibang kaso ang ngayon gustong-gusto niya ang amoy nito sinundan niya kung saan nagmumula ang mabangong amoy na iyon hanggang tumigil siya sa tapat ng dampa luminga siya sa paligid napagtanto niya ni isa man tao sa paligid ay wala siyang makita kahit sa amoy na kanyang sinundan kani-kanina lang ay bigla din naglaho. Anong mayroon dito kausap ni sherrel sa sarili. Kaya't halos tumalon siya sa gulat ng may magsalita mula sa kanyang likuran. Pumihit siya paharap dun sa nagsalita. Walang namutawing tinig sa kanya ng mapagsino ito dahil sa angkin kagandahan ng kaharap. Hindi siya makapaniwala na may mga taong ipinanganak na mas matingkad ang kaputian walang sinabi si perla ( Perla na sabon ). Tinalo siya sa puti at ganda ng batang lalaki nasa harap niya.

Sino ka? paano ka nakapasok? Saan ka nanggaling? anong ginagawa mo dito? Hindi paman kami close inulan na siya ng tanong. Pinasadahan siya ng tingin ng kaharap tingin na may pagdududa. Samantalang ako? Ni isang tanong nito ay hindi niya sinagot. Pinagtawanan siya ng kaharap ng tumunog ang Tiyan niya dahil sa pagkapahiya nahiling niya bumuka ang lupa at lamunin siya pagkatapos hilingin niya iyon halos manigas siya sa pagkakatayo ng yumanig ang lupa sa kinatatayuan nila. Nahati sa dalawa ang lupa sa pagitan nila. Nakuha niya pang tumawa pagkatapos ng nangyari.

Hulihin siya!! Nagsulputan sa harapan niya ang maraming sibuyas este taong sibuyas na nasa paligid lang nila ,kasama ng batang lalaki hindi niya napansin na hindi lang pala ito nag-iisa kanina nung nilapitan siya.

Dalhin siya sa kapula utos ng bata hayaan si ama ang umalam ng tungkol sa kanya.

Dinakip at dinala siya sa sinasabing kapula habang ang batang lalaki nakasunod sa kanila.

"Ang kapula ay trono ng mataas na pinuno." pinaliligiran ng maraming kababaihan ang tinawag na pinuno, sa pagkakatanda niya'y alipin ang tawag ng mga nakakataas sa isang naninilbihan itinuturin nila na mababa ang isang tao kung ito'y nagmula sa mababang lahi. Wala din pinagkaiba ang mga ito sa ibang kakilala niyang mayayaman bulong niya.

Sino siya Aeru? Tanong na tinawag na ama ng bata dito. Bumulong ang bata base sa hitsura ng ama nito'y mailalarawan ang pagkagulat sa kung anuman ang sinabi ng batang lalaki rito saka dumako ang mata nito sa kanya.

"Pawalan siya maghanda ng makakain ng may makain si?-humarap ito sa kanya.

" Sherrel sambit niya sa sariling pangalan.

Tumalima ang inutusan.

Maupo ka, alok nito ng upuan. Ako si pinunong armeu pagpapakilala ng kaharap. Itinuro nito ang upuan na malapit sa harapan ng batang babae tela doon siya pinauupo nito katabi ng isa pang bata.

Ipagpaumanhin mo ang inasal ng aking anak ako na ang humihinge ng paumanhin sa kanyang nagawa. Marahil natakot ka sa nangyari kanina sa inyo?..

W-wala po iyon. Napaisip siya saglit ano nga ba ang ginawa ng batang lalaki sa kanya kanina maliban sa pagbuka ng lupa wala siyang maalala na dapat ihinge ng paumanhin ng ama nito. 'Baka naman ganito lang talaga sila magtrato ng bagong salta.'

'Bumaling ito sa batang lalaki." Aeru ang pangalan niya siya ang bunso kong anak tukoy nito sa batang humuli sa kanya. At nagdala rito.

"Anong lugar na po ito pinunong armeu napansin ko po na halos ang mga tao dito ay kakaiba ang kanilang kasuotan at nag-alangan siyang sabihin na taong sibuyas baka ipag-utos nito na patayin siya " bah!mahirap ng mamatay ng walang jowa aniya ng kanyang isipan.

Naniniwala ka ba sherrel sa sumpa? Bigla siyang napatitig rito.

"Sumpa" ba ika niyo?

Tumango ito't nagpatuloy sa pagsasalita. Mataman siyang nakinig.

"Kabilang kami sa lahing Maswa na ibig sabihin ay kabilang daigdig. masaya at kunteto ang aming lahi na namumuhay sa maliit ng kaharian na sakop ng A.Z ---ang Carmiona alley ay tagong kaharian tanging kami lamang mga taga-carmonian ang may kakayahan na anuman ang aming hilingin at maibigan ay siyang mangyayari ngunit nalaman ng Urapon ang aming angking kapangyarihan hindi natanggap ng mga pinuno ng kanilang lahi na bukod sa kanilang lahi ay umusbong ang carmonian na sagana sa likas na mineral. Pinagkaisahan kami ng Urapon at Canvon. Inalisan nila kami ng tirahan at karapatan na angkinin ang ibinigay ni bathalang xerxes sa aming lahi. Hindi pa sila nakuntento  bukod na inalisan kami ng kapangyarihan at ginawang kawangis ng sibuyas kinuha pa nila ang isa kong anak na babae. Walang nakakaalam kung buhay pa ito o patay na habang nagkukuwento ito dumating ang mga alipin na may dalang pagkain.

Huminto sa pagkukuwento ang pinuno armeu.

Buweno narito na ang pagkain kumain ka na muna saka na natin ituloy ang kuwentuhan pagkatapos mong kumain. Nasaan ang aking  asawa?.Tanong ng pinuno armeu sa isang naghatid ng pagkain.

Narito ako mahal kong asawa. maganda ang asawa ng pinuno pansin ni Sherrel. May kung anong pilit na bumabalik sa utak niya nang makita ang lambingan ng mag-asawa.

Kumain ka na lamang aming panauhin pinagbabawal sa aming lahi ang panunuod at pagmamasid sa mga mag-asawa. Isang kasalanan na maituturin kapalit na pagpapakain sa dambuhalang bukal aniya ng isa sa naghain ng pagkain.

Hindi ko sinasadya mangyari naiinggit lamang ako sa kanila. Nawa'y ganyan tratohin ng aking mga magulang ang isa't-isa. Sabi niya sabay yuko pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata at itinuon ang pansin sa hapag.

Napasinghap siya matapos muling taponan ng tingin ang mag-asawa.

The Story Of ZomberusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon