Kabanata 15

66 15 0
                                    

Plano



Wala bang planong umalis ang mga iyan dito si ranny iyong nagtanong.

Aalis ang mga iyan kung patay na tayong lahat at kung katulad na rin nila tayo kahit halatang takot si rise nakuha pa nitong kalmahin ang sarili.

Samantalang ako, Hindi makagalaw nakatuod nalang sa kinauupuan niya balot ng takot at kalog ang tuhod  habang nakikinig sa mga palitan nila ng usapan. Pansin kong habang nagtatagal kami lalo akong nawawalan ng pag-asang makalabas pa kami ng buhay. Napaghihinaan na ako ng loob.

Tatlong araw at dalawang gabe na silang walang kain at tulog. Himala ng ni isaman sa mga kasama nila ay walang sumusuko. Hindi mo sila makikitaan ng kawalan ng pag-asa banaag sa kanilang mga mata ang diterminadong mabuhay pa. Lumingon sa direksyon ko ang best friend kong si sherrel maski ito nagagawa pang ngumiti sa kabila ng kanilang sitwasyon ngayon.

Angela? Pukaw ni kuya Gene sa kanya. Huwag mag-alala at masyadong mag-isip kahit anuman ang mangyari dito sa atin pinapangako kong ilalabas kita ng buhay.

Ako lang? Maiiyak kong tanong.

Syempre tayong lahat! Sabi nito at sabay gulo ng buhay niya. Kahit paano naibsan ang nadaramang takot ni Angela ng marinig iyon kay Gene.

Tahimik sila sa loob ng bus ni isa man sa kanila walang tumangkang lumabas at mag-ingay. Kahit ang mga nangingingain sa labas ay waring tumigil din pansamantala sa kanilang pag-iingay. Kahit pagsilip sa bintana ni Angela sa mga halimaw sa labas takot niyang gawin. Pakiramdam niya may mas malalang magaganap pa sa kanila.

Hinawi ni Darylle ang kurtina sa bintana ng bus at sumilip sa labas. Wala na sila mahinang sabi ni Daryle sa kanila.

Aay!! Bakit naman sila umalis ng walang paalam. At hindi man lang nila nasisilayan ang alindog ko aniya  ni Katrina sa malanding pagkakasabi nito.

Oh, gosh! iyan talaga ang naisip mo  halos patayin nila ng brutal sa harapan natin ang mga kasamahan natin iyan pang kalandian ang pinaiiral mo. Tapos sisingitan mo pa ng alindog mo hinangod ng tingin ni Rise ang kabuan ni Katrina.

Inggit ka lang kasi sa'yo wala ng puwede pang ilabas dahil alam naman natin kung bakit ha? Kasi nga, punong-puno ka ng pelat sa katawan.

Sinong may sabi niyan sa'yo bawiin mo napatid ang pisi ni Rise sa babae sa galit nito mag-asawang sampal ang inabot ng kaawa-awang Katrina. Natigagal silang lahat sa ginawa ni Rise.

My pretty face oh! No! isusumbong kita sa daddy ko habang di malaman kung ano ang itatapal sa mukha nito na halos mamula likha ng pagsampal dito.

Magsumbong ka ng maihambalos ko payang pagmumukha mo sa sahig hamon pa ni Rise.

Dinaluhan ni darylle si Katrina nasaktan ka ba?

Natural ikaw ba ang sampalin ng inggitirang amasona na iyan? magtatanong ka pa!. Nakuha mo pang magtanong talaga! lumayas ka nga  hindi ka nakakatulong sa pretty face ko. Huhuhu!! Pigilan mo iyang amasona mong syota kapag ako hindi makapagpigil palalapa ko iyan sa mga halimaw sa labas.

Hindi ko siya syota. Sabad naman agad ni Rise sa sinabi ni Katrina kay Darylle.

Guys quiet. Lalo na kayong tatlo tukoy ni Catherine sa tatlo. Bangayan kayo ng bangayan mas may malaki tayong problema unahin muna natin ito hindi yong tayo-tayo nag-aaway.

Handa na ba kayo? Si Kuya Gene. Aalis sila sa bus upang manghinge ng tulong sa hindi malaman na dahilan iniwan kaming buhay ng mga takam na tao. Hindi makuhang gumalaw ni Angela sa kinauupuan. Pakiwari niya nanigas ang katawan niya sa pagkakaupo. Nakababa na ang lahat si Angela at Ranny na lamang ang naiiwan sa loob ng bus.

Angela lumabas ka na riyan tawag ni sherrel habang ang iba nilang mga kasama ay nag-uumpisa ng maglakad.

Angela tayo na huwag kang matakot hinawakan ni Gene sa kamay ang pinsan.

Kuya natatakot ako sabi niya habang umiiyak.

Pss! Angela kapag narito lang tayo posible nilang tayong pasokin dito sa loob. Nandito ako hindi kita bibitawan! Kapag natatakot ka hawakan mo lang ang kamay ko.

Tumango siya. Hinawakan ni Angela ang kamay na nakalahad ni Gene.

Nakalabas na sila nagulat si Angela sa nagsulpotan mga halimaw sa harap nila. Dahil sa takot niya nabitawan ni Angela ang kamay ng pinsan. Nahintakutan siya sa bilis ng pangyayari nagawang hablotin
ng halimaw ang kaliwa niyang braso sa lakas ng halimaw kumawala ang braso niya sa kaniyang katawan. Nawalan siya ng ulirat sa dami ng dugo na tumagas mula sa kanyang balikat kaya't hindi niya nakita ang nangyari sa pinsan niya pagkatapos non.

Narinig ni Angela ang boses ni Ranny sa may bus. Nakatayo ito sa pinto at nakatingin sa kanya.

Samantalang ang iba nilang kasamahan ay nakatakbo bago pa nagsulputan ang mga halimaw.

Nakarinig ng pagsabog ang halimaw kaya't nag-uunahan ang mga ito kung saan nagmula ang pagsabog iniwan nila ang babae na naliligo sa sariling dugo. Pag-alis ng mga halimaw siyang lapit ng anino sa babaeng duguan. Binuhat niya ito ng may pag-iingat saka dinampot ang braso na putol. Binagtas niya ang kalaliman ng gabi habang buhat ang kawawang babae hindi alintana ang dilim. Ang tanging  tanglaw lamang ay ang sinag ng buwan sa kalangitan. Narating niya ang bahay na wala parin ulirat ang buhat niya inilapag niya ito sa papag na kanyang kinatutulugan at mabilis ang kilos na nilapatan ng paunang lunas pansamantalang naampat ang pagdurugo ng braso ni Angela. Nagpasyang lumabas ang anino para maghanap ng iba pang mga sangkap na kakailanganin niya sa paggamot sa babae. Wala siyang inaksayang oras  ang nais niya magamot agad ito. Sa kabila ng kanyang pag-aalala para rito ay nakakakilos pa siya ng tama at sapat ang lakas niya sa paghahanap ng mga sangkap dahil sa malakas ng pang-amoy makakatulong sa kanya iyon tuwing Gabi. Dahil sa oras na magbukang liwayway mahihirapan siyang makahanap ng kakailanganin  niyang gamot. Kung gaano sila kalakas sa dilim kabaligtaran naman iyon sa liwanag kaya't bago pa siya abotan ng liwanag nasamsam na niya ang lahat ng kanyang gagamitin na panlunas sa iniligtas na babae.

Natitiyak naman siya na buhay pa ito at-----------------

The Story Of ZomberusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon