Bruha
Tatlong araw ang lumipas ng kunin niya ang babae na biktima ng mga Halyu.
Kanina pa niya pinagmamasdan ang babae. Tulog pa rin ito. Ligtas na sa panganib.
Tumingala siya sa langit. Humihinge siya ng awa sa mga bathala alam niyang naroon lang sila upang panuorin ang nangyayari dito.
Hanggang kailan ba silang mananatili sa sumpa? Usal niya ng palihim. Dinadalangin niya sa may kapal nawa'y huwag pabayaan ang nilalang na kanyang iniligtas na kinubli sa aking bahay.
Magpapaalam na naman ang haring araw upang bigyan ng kalayaan ang Gabi. Nahiling niya minsan na sana wala ng gabi at hindi dumilim o lumubog araw ng sa ganoon manatili na lamang siya at ang iba pang kagaya niya sa pagiging anyong Tao. Dahil kapag lumubog ang araw ay sasapit ang Gabi hudyat na sila ay magpapalit ng anyong halimaw.
Maraming beses na rin pinaliwanag ng kanyang mga magulang kung bakit nagpapalit sila ng anyo. Anong dahilan para parusahan sila ng malupit na kapalaran ng mga kinikilala nilang bathala. Ano ba ang nagawa niya pati siya na hindi pa pinanganak noon ay binigyan ng kapalaran na ganito. Paulit-ulit siya nagtatanong ngunit sa alinman paliwanag ng kanyang Ina ay Hindi niya makuha ang punto ng bathalang nagbigay ng sumpa sa kanilang lahi.
Umalis siya sa kanila iniwan niya ang kanyang pamilya upang hanapin ang sagot sa marami nyang tanong. Simula ng tumira sila sa Mundo ng mga Tao ay lagi nalang silang nagtatago hindi nila magawang makisalamuha sapagkat nakakaramdam sila ng pagka-tuyo ng lalamunan sa tuwing dumidikit ang kanilang katawan sa mga nilalang na Di nila kauri.
" Ngunit iba siya sa pamilya nya kung ang mga ito ay maghihintay lamang sa sinasabing tulong galing sa bathala na nakalimutan tuparin hindi siya ganoon Umalis siya para maghanap ng panlunas sa sumpa na nakakabit sa pamilya niya nakihalubilo siya sa mga Tao hindi para gawing hapunan nya kundi huminge ng tulong sa kalagayan nila.
Balita niya na may magaling na mag-asawang doctor ang bayan ng bulalakaw lumabas siya sa kanyang lungga para Makita at makilala ang mga ito ngunit ang planong iyon niya ang naging ugat upang bumalik syang muli sa kanyang lungga para magtago sa mga taong gusto siyang patayin.
Hindi niya sinasadya na masaktan ang anak ng mag-asawang doctor paano niya ba ipaliliwanag na wala siyang kasalanan. Ang lahat ng mga nangyari ay kagagawan ng anak nito.
Hinayaan nyang dumaloy ang masaganang luha niya sa kanyang mukha kasabay nang unti-unti nyang pagbabago bilang anyong halimaw na kinatatakutan ng mga Tao mula sa makinis nyang balat na naging mas malagong balahibo at sa kanyang guwapong mukha lumalabas ang wala ng paglagyan sa talas ng mga patalim na tumutubo sa buo nyang mukha .. ( kahit si Vicky belo ay Hindi magagawang ibalik ang dati nyang mukha )
Hindi ka ba napapagod na sisihin ang iyong sarili? Boses iyon na nagmumula sa kanyang likuran. Di man siya lumingon tiyak siyang ang babaeng tomboy na naman ang hitsura ang malilingunan niya. Ibig niya man hindi ito pansinin siguradong walang makakaawat dito na hindi siya kulitin.
Kailan lang niya ito nakilala pero ang gaan kaagad ng pakiramdam niya. Tuwing nasa paligid niya lang ito. Siguro dahil ito lamang ang nagkalakas loob na lapitan sya't kaibiganin maging anyong Tao o halimaw man siya hindi nababawasan ang tapang nito harapin siya. Nalungkot din siya ng magpaalam ito na mawawala ng isang linggo dahil Marami raw utos ang boss nito na dapat asikasuhin niya pero nangako naman na babalik agad. At ngayon ang araw na yun!
Hindi siya tuminag ng yakapin siya nito mula sa kanyang likuran. Hanga siya talaga dito nagagawa nitong yakapin siya kahit halimaw siya.
Sungit mo! Dinig niya dito ng hindi niya ibalik ang yakap rito .
BINABASA MO ANG
The Story Of Zomberus
Mystery / Thriller25 years inalipin ang bayan ng bulalacao ng mga lahing hindi tiyak kung saan nanggaling at ano ang kanilang pinagmulan. Sa mahabang panahon na kanilang pagpapagal. Nananatili pa rin ang pangingingain ng mga traydor na lahi at walang pakundangan kung...