Kabanata 13

79 15 0
                                    

Sigaw



Tinakpan ni Arizia ang ilong habang kausap siya ni Warren. Sa may harap niya ang lalaki at kanina pa ito masama ang tingin sa kanya.

Alisin mo nga iyan!. Sita nito na sinamahan pa ng hampas.

Bakit ba? Nangengealam ka! Kung ikaw ay nababangohan sa katawan mong tinalo pa ang may pormalin hindi ako! Hah? Nagtitiis lang ako sa amoy mo kung may choice lang ako kanina pa kita iniwan at naghanap mag-isa ng daan. Super baho mo kaya!!

Aah! Mabaho pala! Ako, mabaho? Turo ni Warren sa sarili. Ngumisi ito sa kanya at dinakip ang magkabilang braso niya saka walang anu-ano nilapit nito ng husto ang sarili at pilit pinaaamoy sa kanya ang parte ng leeg nito.

Ano ba! Warren bitawan mo ako! Piksi niya sa mahigpit nitong hawak. Masakit na! Basag yan maya sabi niya at sinabayan pa ng tingin sa ibaba nito.

Oy! Huwag ito tukoy nito sa ibaba at sabay bitaw sa kanya saka lumayo.

Naniwala naman! Anong akala mo sa akin mangbabasag! Hanap kaya tayo ng tubig para makaligo ka. Nauuhaw na din ako!. Pansin niya lang matagal mag-umaga!.

Anong binubulong bulong mo diyan?. Ah! Ikaw hah! Arizia may maitim kang binabalak sa akin aba gusto ko iyan hindi ako tumatanggi sa grasya sabay hagod ng tingin ni Warren sa kabuuan niya.

Napukol niya ito ng bato. Ang halay!.. hindi kita type sabi niya. Kung ikaw lang din? Huwag na oy! Magpapahuli na lang ako dun sa mag-ina!.

Woah! Hindi nga? Nakangisi nitong sabi.

Isa pa? Pinakitaan niya ito ng kanyang kamao. Nagtigil naman ito at hinawakan siya sa kamay. Halika na maghanap tayo ng ilog nang bumango na ako!. Tiisin mo na lamang muna ang amoy ko hanggang wala pa tayong nakikitang tubig.

Inangatan niya ito ng kilay. Hindi mo na ako kailangan hawakan sabi niya sabay alis ng kamay nito. Kaya kong maglakad ng mag-isa pagsusungit niya na. Nahuli niya itong ngumisi nang tumalikod sa kanya.











Nakarinig si Angela ng malakas na pagsabog. Galing yata sa ibaba ng  kanilang sasakyan iyon. May nakita din itong taong tumawid sa unahan nilq bago pa nakababa ang driver.

Ano iyon? Kausap niya sa sarili. Binaba niya ang bintana upang silipin ang taong dumaan. Ginala niya ang mata sa mga kasama tulog pa din ang mga ito. Pinasya niyang sundan na lang ang driver. Bumaba siya ng bus para makiusyuso sa ginagawa nito.

Matagal pa ba iyan, manong? Tanong niya rito. Sumilip siya sa ilalim para makita ang bus driver at maging ang dahilan ng pagsabog ngunit wala naman siyang makita na sinyales na may sumabog. O nasabugan sila maayos ang mga gulong. Inikot niya pa ng tatlong beses para  makasiguro. Wala naman! Ano iyong narinig nilang sumabog?. Minsan niya pang  inikot at sinilip ang ilalim. Hindi amoy gas?. Ni sira wala!? Nasundan niya ng mata ang bus driver sa pagpanhik nito. Hindi kaya? May nabuong hinala si Angela sa bus driver nang inalis niya din agad. Masama ang maghinala ng walang basehan.

Papanhik na sana siya sa bus nang may naaninag siyang imahe sa di kalayuan sa kanya.

Pupuntahan niya sana ito nang may magsalita mula sa kanyang likuran.

Ma'am, saan kayo pupunta? Pagharap niya ay ang driver pala ng bus.

Nagulat siya roon.

Manong naman! Huwag nyo akong gugulatin ng ganun! Sabi niya rito.  Mabuti nalang wala siyang sakit sa puso. Sapo niya ang dibdib at marahan niya itong hinilot. Bumuga si Angela ng hangin upang alisin ang kaba na namahay sa kanyang puso.

Pasensiya na ho kayo! Hingeng paumanhin naman nito agad.

Manong ano ba ho ang sira ng sasakyan bat huminto tayo?

The Story Of ZomberusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon